"Darcy! Anong ginagawa mo rito?" Peke ang ngiti pati ang pagbati ni Ate Kristine sa akin. "Ate... Carla..." pagbati ko sa kanila. Nakita kong titig na titig sa akin si Carla na waring sinusuri niya ako samantalang nabaling naman ang pansin ni Ate kay Patrick. "At sino itong kaibigan mo rito? Hi! Ako si Kristine, ang nakatatandang kapatid ni Darcy." "Patrick," simpleng sabi ni Patrick sa kanya. "Okay lang ba kung dito na kami makiupo? Gusto ko ring makamusta itong kapatid ko. Matagal na ein kasi kaming hindi nakakapag-usap." Nagkatinginan muna kami ni Patrick bago siya sumagot. "Go ahead. I don't mind." Kinambatan ni Ate si Carla na naupo sa tabi ko at siya naman sa tabi ni Patrick. "Alam mo, Patrick, ex-girlfriend ni Darcy si Carla. Tingin ko, one year din ang naging relasyo

