He was the man from the restaurant who had been staring at me a while ago. Mabuti nga at umalis na ako kanina sa restaurant na ’yon dahil nagpunta ako sa arcade. Ang problema lamang, may sumunod pa rin sa akin.
Hindi niya rin naman ka-aura ang mga taong humahabol sa akin. Honestly, mababaw lang naman talaga ang aura niya pero may bahid lamang iyon nang medyo mabigat. Hindi rin naman siya mahirap pakisamahan pero nang makilala ko ang lalaking ’to—isang Rivanov, nagulat talaga ako.
Sobrang liit kasi ng mundo at siya rin ang lalaking nasa restaurant kanina nang magtama ang mga mata namin. Hindi ako puwedeng magkamali, eh. Sigurado ako sa part na ’yon dahil kahit saglit lang ang minutong nagkatitigan kami, pamilyar talaga siya sa akin.
“Why are you asking me?” tanong ko kaagad nang bumalik ako sa reyalidad. Hindi ko kasi napansin na masiyado na pala akong nalulunod sa aking mga iniisip.
Ayaw ko rin naman maging rude ako sa kaniya—na baka isipin niyang masungit ako. Kaya sinusubukan ko pa rin siyang tanungin nang sa gayon ay malaman ko naman kahit papaano. Wala naman kaming interaction ng lalaking ’to at never ko rin naman siya nakita maliban sa internet dahil nga kilala ang pamilya nila Kaya bakit naman niya tatanungin ang pangalan ko?
“It would be rude if I didn’t ask your name, right? We’re talking, miss. It’s too formal if I’m going to call you miss,” he explained.
Sa tagal na minuto kong nakaupo rito at kasama siya sa iisang table, ito na yata ang pinakamahabang naging sagot niya sa akin. Hindi talaga siya nagdalawang-isip na ipaliwanag nang mas maayos sa akin ang side niya na dapat ay hindi naman.
Nagmumukha kasi siyang defensive pero ayaw ko namang mag-assume. Hindi man kami magkakilala nang maayos, hindi naman siguro weird kung tatanungin niya ang pangalan ko.
I cleared my throat, trying to remove the damn lump in it. Sinubukan ko ring kumalma nang sa gayon ay hindi naman halatang kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
“Hazel Eirlys Soriano,” simpleng sagot ko.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang hindi ko man lang siya narinig na nagsalita. Buong akala ko pa man din ay sasagot siya pero mukhang hindi.
Kaya naman itinuon ko na lamang ang aking sarili sa mga katabi naming table na masayang umiinom. Nagsisigawan pa nga sila at alam kong may mga ngiti sa kanilang labi kahit hindi gaanong maliwanag sa aming puwesto.
“Hazel? Aze?”
Tumalon naman ang puso ko sa naging tanong ng lalaking ’to. Hindi ko alam kung inulit niya ba lamang ako kusa lang lumabas sa bibig niya ang pangalan ko. Saka Aze? Hindi naman Aze ang nickname ko. Most of the time, Haze talaga.
Aaminin ko namang humaplos ang boses niya sa aking puso. Hindi ko naman puwedeng ikaila ang bagay na ’yon dahil ultimo ako, aminado. Ramdam ko ring nagsisimulang lumipad ang mga paruparo sa aking tiyan na animo’y may gumugulo sa kanila.
“It’s Hazel,” pagko-correct ko sa kaniya dahil naaalibadbaran ako sa kaniyang sinabi.
May kaunting ilang at ramdam ko ang pagsisigaw ng utak ko sa simpleng bagay lamang. Ang kaso, bakit malaki ang epekto sa akin?
“You’re Aze,” he stated, using his husky voice.
Napairap na lamang ako dahil pinapipilitan niya talaga ang kaniyang gusto. Hindi ko man lang magawang maipagtanggol ang sarili ko dahil sa lalaking ’to. Hindi ba niya naisip na ayaw ko ang Aze?
Nang humaplos naman ang lamig ng air conditioner sa aking balat, napayakap ako sa aking sarili. Tulala rin ako sa aking harapan hanggang sa makita ko na lamang na may tumigil sa harapan ko.
“It’s cold,” komento niya.
Umangat naman ang aking ulo sa taong nagsalita sa harap ko pero natigilan ako nang maramdaman ko ang isang mainit na tela na ipinatong niya sa aking mga balikat.
Ang panglalaking amoy niya—pinaghalong mint, vanilla at wooden scent ang naamoy ko sa bagay na ipinasuot niya sa akin. Hindi naman maitago ang gulat ko sa ginawa ng lalaking ’to—ang Rivanov na gumugulo ngayon sa isipan ko.
Tila nakalimutan ko na nga rin ang mga lalaking humahabol sa akin lalo na nang umupo sa tabi ko ang lalaking ’to.
“Thank you,” paos na wika ko at napayuko na lamang. Pinaglaruan ko rin ang mga daliri ko dahil walang space sa pagitan namin. Talagang malapit siya sa aking gawi at medyo tumatama ang kaniyang hita sa aking hita.
Nahigit ko naman ang aking hininga lalo na nang sumagi sa isipan ko na hindi lang basta-bastang lalaki ’to. Isa siyang Rivanov at wala man lang akong idea na magkukrus ang landas namin ngayong may mga iniisip ako. f**k!
“I’m Hunter Vile Rivanov, by the way.”
Inipon ko naman ang hangin sa aking pisngi at tumango na lamang dahil parang nawalan talaga ako ng boses. Tama rin ako sa part na Rivanov nga siya. Isang kilalang pamilya sa larangan ng business.
Nagtagal ako sa bar nang hindi nagsasalita. Siguro malapit na ring mag-isang oras ang pamamalagi ko rito at sa mga minutong lumilipas, never umalis ang lalaking ’to sa aking tabi. Ipinatong pa nga niya ang kaniyang bisig sa ibabaw ng sandalan ko na para bang inaakbayan niya ako.
Tumikhim naman ako at hindi na nagsalita pa. Nakailang shot na rin kasi siya ng alak. Um-order pa nga ng pulutan niyang chicharon.
“Hindi ka ba nalalasing?” bulalas ko na lang bigla. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko dahil nakakapagtaka talaga kung bakit patuloy siya sa pag-ipon. Wala naman kasi siguro siyang problema. Hindi ko naman ramdam sa kaniyang aura ang bagay na ’yon.
“No. Mataas ang alcohol tolerance ko,” sagot naman niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang mga mata sa aking gawi. “What about you? Are you not going to drink?”
Napalunok naman ako habang nakatingin sa chicharon na nasa table namin. Masarap ang chicharon pero ang alak? Hindi. Umiinom naman ako noon, sanay pa nga ako pero natigil lang dahil kinakailangan ko talagang kontrolin ang sarili ko. Hindi makakabuti ang gano’n sa aking katawan kung sosobrahan ko.
Kahit pa naman mabigat ang problema na mayroon ako ngayon, wala akong balak maglasing. Mababa lang din kasi ang alcohol tolerance ko at ’yon talaga ang problema.
“Wala akong balak,” lintaya ko hanggang sa inilihis muli ang aking mga mata.
Pinili ko na lamang kunin ang cellphone ko sa purse ko para mag-scroll sa social media account ko. Kailangan ko rin namang mag-isip kung paano ko matatakbuhan ang problema ko. Natatakot kasi ako dahil baka mamaya, hindi maganda ang buhay ko sa lalaking ipinakasal sa akin ni Daddy.
Maganda ngang maging mayaman pero hindi maganda ang ganitong bagay—kapag kokontrolin na nila ang buhay ko. Ang gusto ko ay ako mismo ang mamimili ng taong mamahalin ko. Ayaw ko iyong ganito na ikakasal ako tapos hindi ko man lang siya kilala.
“Be my girlfriend.”
Para naman akong nabingi sa sinabi niya—sa sinabi ni Hunter. Wala akong idea kung illusion ko lamang iyon o hindi. Baka kasi hindi naman ako ang kinakausap niya kaya iwinaksi ko sa aking isip ang sabi niya.
“Aze, pretend to be my girlfriend.”
Nanglamig naman ang aking mga kamay sa kaniyang sinabi. Hindi na yata illusion ang narinig ko. Paniguradong hindi rin ako bingi dahil tinawag niya akong Aze.
Pero teka nga! Ano raw? Girlfriend?