CHAPTER TEN

2656 Words
Padabog na tumayo si Brent sa kama. Nagising siya sa ingay ng bata. Nabibingi sya sa iyak na naririnig. Puyat siya kagabi dahil galing pa siya ng Maynila. Wala pa siyang tulog tapos may maririnig siyang ingay ng bata. Padabog siyang lumabas ng silid. Wala siyang pang itaas na damit ng bumaba ng hagdan, nakaboxer lamang sya. Pupungas pungas pa sya. Wala pa ring tigil ang pag-iyak ng sanggol. Daig pa nito ang kinakatay.   “Kanino ba anak yan!?” sigaw niya sa katulong na nakasalubong. Hindi sya sinagot nito bagkus tumakbo ito sa Papa nya. Napansin niyang may nilalaro itong baby na panay pa rin ang iyak. “Sabi ng guard may nag-iwan daw sa labas.”sagot sa kanya ng ama.            “Napakairesponsable naman ng ina ng batang yan. Aanak-anak tapos basta nalang iiwan. Anong tingin niya sa bahay natin ampunan?” inis niyang sagot. Napansin niyang tumigil ang bata sa pag-iyak. Natakot yata sa malakas niyang boses. “Tingnan mo anak napatahan mo.” Tuwang tuwang sabi ng ama. Tinuturo pa nito ang sanggol na nakahiga sa sofa. Halatang sabik ito sa bata. Hindi nya nakikita ang sanggol dahil nakatalikod sa kanya ito “Saka parang kamukha mo ang batang ito noong araw.”dagdag pa ng ama.     “Halika dito, tingnan mo at ngumingiti na.”yaya sa kanya ng ama kaya wala siyang nagawa kundi ang lapitan ito. Napatulala sya ng makita ang sanggol. May dalawang ngipin na ito at nakangiti nga pero ang ikinagulat nya dahil younger version nya ito. Parang siya ito noong araw. Napangiti sya ng ngumiti ito sa kanya. Nangungusap ang mga mata ng sanggol tila gustong magpabuhat sa kanya kaya naman pinagbigyan nya ito. Binuhat nya ang sanggol, ngumiti na naman ito. Parang malapit ang loob niya sa bata ng makita nya ang hitsura nito. Parang nakaramdam sya ng lukso ng dugo ng binuhat ito.   “Hindi kaya anak mo yan iho?”tanong sa kanya ng ama. Napaisip tuloy sya.   “Imposible yon Dad.” pagtanggi niya. Magiliw niyang kinarga ang sanggol.    Natigilan si Brent ng may biglang pumasok sa bahay nila. Kasunod ng mga ito ang katulong nila. Si Ella ang panauhin nya. May kasama itong matanda na pamilyar sa kanya at may dala rin itong sanggol tingin niya nakilala siya nito dadhil namilog ang mga mata ng matanda.   “Anong ginagawa mo dito?”galit niyang tanong sa babae. Bitbit nya pa rin ang sanggol.   “Sinusundo ang anak ko.”sagot nito.   “Anak mo ito?” naguguluhan niyang tanong sabay turo sa batang kalong nya. “Bakit mo sya dinala dito?”dagdag nya pa.   “Gusto ko lang sana silang ipakilala sa ama nila.” nakangiting sagot sa kanya Ella. Ang ganda nito sa suot na bestidang puti. Naging kaakit akit ito sa paningin nya.   “Anak ko ang batang ito?” tanong nya pa. Nanlalaki ang mga mata nya sa gulat.   “Oo Mr. Brent. Duda ka pa ba sa mukha ng batang yan eh halos magkamukha kayong dalawa?” sagot nito. Dahil sa sinabi ni Ella pinugpog niya ng halik ang batang hawak. Tuwang tuwa naman ito dahil nakikiliti sa balbas niyang patubo pa lang.   “Paano naman itong kakambal?” tanong sa kanya ni Ella. Kulang nalang tumalon sya sa tuwa sa labis na kasiyahan. Agad niyang kinuha ang isanag anak sa braso ni Ella at pinugpog rin nya ng halik.   “Ako ang Daddy niyo my little Angels.” tuwang tuwa niyang turan sa kambal. Hindi nya mapigilang umiyak sa labis na kasiyahan. Akala niya hindi na siya muling sasaya pa ng ganito.   “Nainggit naman ako.” turan ni Ella. Napatingin sya dito. Umiiyak na rin ito maging ang ama nya.   Lumapit siya dito. Hindi niya alam ang gagawin.   “Wala bang magagalit kong hahalikan kita?” tanong niya sa babae. Hindi siya nito sinagot bagkus yumakap ito ng mahipit sa kanya. Napuno ng saya ang puso niya ng mga oras na iyon,walang mapagsidlan ang kasiyahan nya. Mabuti nalang at inabot niya sa ama ang kambal dahil kung hindi tiyak na ipit ang mga ito. Hinagkan niya sa mga labi si Ella, mapusok at maalab. Kung hindi pa tumikhim ang kasama nitong matanda makakalimutan niyang nasa harap sila ng ibang tao. Nagtawanan nalang sila. Ang pag-ibig nga naman sobrang mapaglaro. Sa dami ng pinagdaanan nila ito ngayon sila at muling pinagbuklod ng tadhana. “When I saw you my heart stopped, you took my breath away Ella. Nabighani ako sa una nating pagkikita. Hindi kana rin naalis sa isipan ko. Ang mga mata mo ang tangi kong nakikita sa bawat pagtulog ko. Your smile is my favorite sight. Your name is my favorite word. Everyone asked me kung bakit kita mahal pero hindi ko sila sinasagot. Natatakot kasi ako na baka magkagusto din sila sayo. Gusto ko akin kalang, now and forever. I love you until the day after forever.” Brent said. “Brent. Tulad mo minahal din kita sa una nating pagkikita. Akala ko dakilang makulit ka lang talaga kaya hindi mo ako tinantanan pero dahil dun agad kitang minahal. Agad na nagtiwala ang puso ko sayo. So many times, i thought i would never find someone who love me the way i needed to be loved. Then you came into my life at pinakita mo sakin kung ano talaga ang tunay na pag-ibig. Im very thankful dahil tinanggap mo kung ano ako at kung ano ang pinagmulan ko. Labis kung pinagsisihan ang layuan ka pero ito ako ngayon kasama ng mga anak natin nangangako na kahit kahit kailan hinding hindi ka namin iiwan. I love you because you are my life sabi nga Love beyond horizon.”padamdamin niyang bigkas sa vows nya. Hindi nya mapigilang umiyak habang binibigkas ang mga katagang binitiwan. Damang dama niya ang mga yon. Ayaw niya ng balikan ang sakit ng nakaraan dahil kahit ano pa ang gawin niya hindi na niya mababago ang nakaraan pero ang hinaharap marami pang pwedeng gawin. Hindi pa huli ang lahat para maging masaya at bumuo ng masayang alala, kasama ang isat isa. Nagulat pa sya ng maghiyawan ang mga bisita. Kiss na daw. Hindi niya mapigilang kiligin ng angatin nito ang belo nya. Naiilang pa rin sya kahit na may mga anak na sila. “Ang ganda mo kapag nagmumula ka.”bulong nito sa kanya. Sasagot pa sana siya ng biglang sakupin nito ang bibig nya. Narinig nya ang hiyawan ng mga tao. Ang mga saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. Kahit pagod sya sa buong araw na paghahanda para sa kasal nila hindi sya dinadalaw ng antok paano ba naman honeymoon nila ngayon. Unang gabi bilang mag-asawa at kahit na may anak na sila hindi nya pa ring maiwasang kabahan kapag nasa tabi nya lang ang asawa. “Nervous?”kalabit sa kanya ng asawa. Tapos na pala itong maligo. Pinanlakihan niya ito ng mata. “Napakainosente mo pa rin hanggang ngayon. Ganyan ba ang epekto sayo ng kagwapuhan ko?”tanong nito sa kanya sabay bungisngis. Kinurot niya ito sa tagiliran. Pero hinuli nito ang mga kamay niya at dinala sa mga labi. Hinagkan nito ang kamay nya. “I love you.”bulong nito. “And I love you more.”sagot nya sa asawa. “Patawad kong wala ako sa tabi mo noong nahihirapan ka sa pagbubuntis mo. Patawad dahil napagsalitaan kita ng masasakit.”turan sa kanya ni Brent. “Kasalanan ko ang lahat. Kung anuman ang nangyari noon kalimutan na natin. Bumuo nalang tayo na masasayang ala-ala kasama ang kambal at sana wag tayo magpatalo sa pagsubok para strong pa rin ang love natin.”sagot nya. “Napatunayan ko na mahal talaga kita dahil sa tagal ng panahon na hindi kita nakita nanatili ka sa puso ko naghihintay sa pagbabalik mo.”sabi pa ni Brent.   Walang mapagsidlan ng saya ang puso nya dahil sa wakas katabi niya na sa pagtulog ang lalaking laman na bawat panaginip nya. Ang lalaking tutupad sa mga pangarap nya. Ito lamang ang nakikitang niyang pagpapasaya sa kanya ng buong puso. Nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng lahat nandito pa rin ito at patuloy na nagmamahal sa kanya.  “Naisip ko lang. Bakit mo pala ako binalikan?” tanong sa kanya ni Brent. Nakahiga siya sa dibdib nito. Naririnig nya ang malakas na kabog ng dibdib ng asawa. Tumingala sya para makita ito. Tumingin sya s amga mata nito.  “Nang makita kita sa bar natakot ako sa galit mo. Ayokong magalit ka sa akin dahil mahal na mahal kita. Gusto ko rin na makilala ka ng mga anak natin at kung sakali man na may iba ka ng mahal tatanggapin ko ng buong puso.”madamdamin niyang pag-amin.  “At bakit mo naman naisip na may iba?”  Umismid sya.“Nakita kaya kita sa bar. Kung makapulupot sayo ang babaing yon daig pa ang sawa.” “So nagseselos ka pa rin hanggang ngayon?” nakangisi nitong tanong. “Bakit wala na ba akong karapatang magselos? Tao lang po ako Mister!”sabay ismid nya. Hinapit siya sa bewang ng asawa. “Ang cute mo kapag nagseselos.”bulong nito sa kanya. “Natatakot akong lumabas ang pagiging aswang ko lalo na kapag may nakikita akong nakapulupot sayo.”mataray niyang sagot. “At kailan ka pa naging Morgan ha?” “Kapag nagseselos lang naman at pwede ba wag mo ng mabanggit pa si Morgan.”malungkot niyang turan. Tumango naman ito sa kanya. Batid kasi nito na naaalala nya ang mga magulang kapag napag-uusapan nila si Morgan. Hindi madaling makalimot dahil naging parte ng buhay nya ang mga ito kahit pa naging masama ang pagtrato sa kanya. “Your the boss. Takot ko lang na iwan mo uli ako.”sagot nito na ikinatawa nya. “I love you?”turan niya sa lalaki. Hinaplos niya ito sa pisngi. Nakikita nya pa rin ang sakit na nilikha niya sa asawa. “I love you too.” “Pangako hindi na kita iiwan kahit ano pa ang mangyari.” “Talagang hindi na mangyayari yon. Kung kinakailangan na ikulong kita o itali kita dito sa kama gagawin ko wag ka lang mawala muli. Baka Ikamatay ko na.”madamdamin nitong pahayag. Hindi nya mapigilang umiyak dahil sa sinabi nito. “Your love is forever mine. I need you sweetheart.”dagdag pa nito. “Ikaw lang ang kailangan ko at wala ng iba.”sagot nya. Ano pa nga ba ang mahihiling niya sa asawa? Brent is perfect bilang asawa at ama ng kambal niya. Mapagmahal itong asawa at ama. Walang araw na hindi nito pinapakita sa kanya ang pagmamahal na ipinangako nito at ganoon din ang isinusukli niya. Walang araw na hindi nya ito minahal. Walang araw na nagalit siya dito at kung may konting away man agad nilang inaayos bago lumala. Walang perpektong relasyon pero gagawin niya ang lahat para tumagal ang pagsasama nila. Napangiti siya ng mapagmasdan ang mag-aama. Naglalaro ang mga ito sa swimming pool. Tatlong taon na ang kambal at tatlong taon na rin silang nagsasama bilang mag-asawa at ngayon ay buntis na naman siya. Kabuwanan nya na ngayon. “Sweetheart gusto mong maligo?” tawag sa kanya ng asawa. Umiling sya dito bilang pagtanggi. “Baka gusto mong may lumutang na buntis diyan.” nakangiti niyang sagot. Tumawa ito maging ang kambal. Napatitig sya sa asawa ng umahon ito sa tubig. Nakaswimming trunks lang ito. Wala siyang maipipintas sa katawan nito na talaga namang alaga sa exercise. Kapag nakikita nya itong nakahubad talagang napapanganga sya tourist spot yata ang tingin nya sa hubad na katawan ng asawa. Nakangiti ang asawa na lumapit sa kanya. “Baka matunaw ako saka diba hindi ka pwede?” nakangising turan ng asawa. Hinawakan sya nito sa kamay. Napamaang sya sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?”tanong niyang nagmamaang maangan. “Makatitig ka kasi dito kulang nalang dakmain mo.”sabay turo nito sa p*********i nito. Pinamulahan siya ng mukha. Pilit niyang inabot ito para kurutin pero umiiwas ito sa kamay niya. “Gusto mo putulin ko yan.”banta niya. “Ikaw din ang kawawa.”bungisngis nito. Napahakhak na rin sya sa sinabi nito. Inakbayan siya ng asawa at hinagkan ang mga labi nya. “Ang taba mo na sweetheart.” bulong pa nito sa kanya kaya pinandilatan nyya ito. Kukurutin niya sana ito ng biglang humilab ang tiyan nya. “Manganganak na ako sweetheart”sigaw nya. Tiningnan niya ng asawa. Nataranta ito. “Sweetheart wag muna. Nakabrief lang ako.”pigil nito sa kanya. Natatawa siya dahil ang totoo binibiro nya lang ito para makaganti. Hindi nito alam ang gagawin kung bubuhatin ba sya o papasok ng bahay para magbihis. Nang mapansin nito na nagbibiro lang sya dahil hindi nya mapigilang tumawa bigla sya nitong kinagat sa braso. Nanggigil yata sa inis. “Sorry!”nakangiti nitong sabi kaya wala siyang nagawa kundi ang gumanti ng ngiti. “Masakit kaya.”sabay ismid niya sa asawa. “Nakakainis kaya yang biro mo. Paano nga kung manganganak kana? Tatakbo akong nakahubad? Gusto mo?” asar nitong tanong. “Wag na uy, baka sa halip na sa hospital ako dadalhin baka sa police station pa kapag may nakita akong nakatitig diyan” sabay turo niya sa harapan ng asawa. Inakbayan siya nito. “Wala akong pakialam kung nakahubo ako basta dadalhin kita sa hospital. Bakit makukuha ba nila ito?”natatawa nitong pang-aasar sa kanya. “At tuwang tuwa ka naman na makita yan ng ibang tao?” inis niyang tanong. Kung hindi pa lumapit sa kanila ang kambal hindi sila titigil sa pag-aasaran. “Daddy, swimming na tayo.” yaya ni Bryan sa ama. Napangiti siya ng kumamot si Brent sa ulo. “Pwede bang samahan muna natin si Mommy dito? Masakit kasi ang tiyan ni Mommy eh.”reklamo ni Brent sa anak kaya hindi na nagpumilit ang kambal na maligo. “Mommy why do you love Daddy?” tanong sa kanya ni Bea na ikinagulat niya. Napatingin siya kay Brent. “Mommy, answer please!” pangungulit pa sa kanya ni Bryan kaya wala siyang nagawa kundi ang sumagot. “Makulit kasi noon si Daddy kaya ito, siya ang kasama ko ngayon.” sagot niyang natatawa. Inirapan siya ni Brent dahil sa sagot niya. “Eh ikaw Dad. Why do you love Mommy?”tanong ni Bryan sa ama kaya sila naman ni Bea ang nakinig sa sagot nito.  Tumikhim muna si Brent bago nagsalita. Pinandidilatan niya ito para sumagot ng maayos pero ngumisi lang ito.  “Ginayuma kasi ako ni Mommy kaya ito ako ngayon mahal na mahal ko siya.”natatawa nitong sagot sa mga anak.  “Daddy naman eh hindi ka naman sumasagot ng maayos eh.”sabat ni Bea kaya inirapan niya sa Brent.  “Mahal ko ang Mommy niyo dahil siya lang ang tanging babaing nagpapasaya sakin at wala namang rason kung bakit mahal mo ang isang tao dahil ang puso mo ang tanging nakakaalam kung sino ang dapat na mahalin mo.” sagot nit Brent na sa kanya nakatingin. Natuwa naman ang kambal sa sagot ng ama na tila nakontento. Hinarap niya si Brent ng makaalis ang kambal.  “Thank u for loving me.”turan niya sa asawa.  “Thank u din for making my life complete.”sagot nito. “Mahal na mahal ko kayo ng mga anak ko.”dagdag pa nito. Hinapit siya nito sa bewang hinagkan siya sa mga labi. Hindi naman siya tumanggi. Hinayaang niyang halikan siya nito ng buong puso at buong pagmamahal.     “Brent nakakahiya sa mga anak natin.”pigil niya sa asawa ng maramdaman ang kamay nito sa dibdib niya. Tumigil ito at tumingin sa kanya na tila nagmamakaaawa na pagbigyan niya.  “Buntis ako.”natatawa niyang sab sabay turo sa tiyan. Napakamot nalang ito sa ulo sa pagkabitin.                                 END                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD