CHAPTER NINE

2684 Words
Nagising si Ella sa sakit ng tiyan. Hindi nya pa kabuwana pero kung sumakit ang tiyan nya para na siyang manganganak. Pitong buwan na siyang buntis. Nang-iwan nya si Brent dalawang buwan na pala siyang buntis na hindi niya alam. Sa Manila siya dinala ng mga paa para hanapin ang sarili. Sa bitbit niyang pera nakakuha sya ng maliit na bahay at nagpatayo siya ng tindahan. Namuhay siyang mag-isa, malayo sa lugar na maraming masasamang alala. Kung may gusto man siyang balikan sa lugar na iyon walang iba kundi ang ama ng anak nya. Si Brent. Dahan dahan niyang ginising si Manang Nancy, kapitbahay nya ito. Walang pamilya kaya tinuring sya nitong anak. Dito nya natagpuan ang pagmamahal ng isang ina, kahit hindi siya nito kilala may malasakit ito sa kanya. Ito rin ang katu-katulong niya sa tindahan. “Bakit?” tanong sa kanya ng matanda. Mukhang naalimpungatan ito. “Pasensya na po Manang Nancy masakit kasi ang tiyan ko.” daing nya. Napapangiwi na sya sa sakit. Pakiramdam nya parang lalabas na ang anak nya. “Teka, teka hihingi ako ng tulong.” agad na sagot nito. Patakbo itong lumabas ng bahay para maghanap ng masasakyan. Agad siyang dinala sa delivery room sa tindi ng p*******t ng tiyan nya. Para siyang hihimatayin sa sakit na nararamdaman pero pinipilit niyang maging malakas alang-alang sa anak at sa ama nitong matagal na naghihintay sa pagbabalik nya. Ilang araw ng nasa Manila si Brent dahil inatake ang ama nya. Sa Manila nya ito dinala dahil kompleto ang mga kagamitan hindi tulad sa probinsya na kapus sa gamit pangmedisina. Nasa recovery room na ang ama nya at nagpapagaling. Mild stoke lang naman pero ayon sa doctor mabuti daw at naagapan. Nagulat pa sya ng mag-ring ang telepono, lumabas muna sya ng silid at sinagot ang tawag. Wala siyang maupuang bakante kaya sa labas ng delivery room sya nakaupo. Tanging isang matanda lang ang nakaupo at panay ang dasal nito. Tuloy naiilang siyang makipag-usap sa telepono. Pinatay niya nalang ang tawag at tamang tama namang bumukas ang delivery room, niluwa ng pinto ang doctor na nagpapaanak. “Ikaw ba ang ama?” tanong nito sa kanya kaya napamaang sya. Napalingon sya sa matanda. “Ay, hindi sya ang ama Doc, kumusta po sya?” tanong nito sa doctor. “Masama ang lagay niya dahil wala pa sa buwan ang panganganak niya lalo pa at kambal ang dinadala nya.”sagot ng Doctor sa matanda. Nakita niya napasign of the cross ito. “Kailangan natin siyang ecesarian.”dagdag pa ng doctor.. Nakikinig lamang sya sa mga ito. Napansin niyang nanginginig ang matanda. “Ok lang po ba kayo?” tanong nya pero hindi ito sumagot. Tumayo ito kaya inaalalayan nya. Nagpumilit itong pumasok sa loob ng delivery room kaya wala siyang nagawa kundi ang ihatid ito sa loob. Nakaagapay sya sa matandang nanginginig. Naaawa sya dito at naiinis sa asawa ng babaing buntis dahil wala ito sa tabi ng asawa. Sumenyas sya sa doctor na lalabas na sya pero bahagya siyang natigilan. Pamilyar sa kanya ang babaing nakahiga sa hospital bed.  Nakapikit ang mga mata nito. Duda niya natusukan na ito ng pampatulog dahil sa cesarian nga ito. Bahagya pa siyang lumapit para makasiguro. Lumakas ang kabog ng dibdib nya. Si Ella nga at wala ng iba. Medyo tumaba ito dahil buntis nga ito. Natigilan sya.  “Nasaan ba ang asawa niya?” tanong uli ng Doctor sa matanda. Sinulyapan nya ito.  “Wala pa po eh.” sagot ng matanda. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng matanda. May asawa na pala si Ella. Ang bilis naman yata siya nitong pinalitan. Nakakasama lang ng loob dahil hanggang ngayong hinihintay nya pa rin ito. Galit ang nasa puso niya ng lumabas sya sa silid na yon. Nagagalit sya dahil hanggang ngayon mahal nya pa ito. Nagagalit sya dahil matagal siyang umaasa na babalik ito, yon pala nag-asawa na ito. She betrayed me. Iyon ang pakiramdam nya. Nang makita nya ito kanina kulang nalang yakapin nya ito ng mahigpit at halikan ang buong mukha nito. Namiss nya ito ng sobra at sa totoo lang umasa sya na baka sya ang ama ng dinadala nito dahil parang kailan lang silang naghiwalay. Hindi nya mapigilang umiyak sa tindi ng sama ng loob. Dumiretso siya sa silid ng ama. Gising na ito ng madatnan nya. “What’s wrong son?” takang tanong ng ama nya. Pilit nya kasing pinapahid ang mga luha. “Mamamatay na ba ako?” tanong nito. Napangiti sya dahil sa sinabi nito. “No, Dad. Malakas pa kayo para mamamatay. May nakita lang akong hindi maganda sa mata.”paiwas niyang sagot. “I guess nakita mo si Ella.”panghuhula nito. Hindi na sya nagtaka sa sinabi nito. Alam kasi nitong si Ella lang ang tanging dahilan ng pag-iyak at pag-ngiti nya. Ngumiti sya ng mapatla. “I hate her.”maikli niyang sagot. Tiim ang mga bagang nya sa galit. Napaarko ang kilay ng ama nya. Bahagyang nagtaka. Kumuha sya ng upuan malapit dito. “Nasa delivery room siya ngayon at maya maya lang darating na ang asawa nya.” malungkot niyang sagot. Hindi rin nakakibo ang ama nya. Wala na sigurong maisip na dahilan. Number one fan nya ito pagdating kay Ella. Namagitan ang katahimikan sa kanilang mag-ama. Walang gustong magsalita. Galit ang namahay sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang magwala. Gusto niya itong sumbatan pero paano? Magmumukha lang siyang tanga kung ipipilit nya ang sarili dito. Hindi pa naman sya despirado. Sobra lang talaga siyang nasaktan. “Bakit hindi mo sya kausapin. Tanungin mo siya kung bakit sya nag-asawa at kung bakit ka nya pinaasa?”turan sa kanya ng ama. “Nakakasama lang ng loob na pagkatapos ng ginawa kong sakripisyo makasama lang siya binalewala nya lang. Pinaniwala nya akong mahal nya iyon pala ginamit nya lang ako para takasan ang pamilya niya at ako namang si tanga kulang nalang ibuwis ko ang buhay ko para sa kanya at ang masakit pa hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang pagbabalik nya. Ginawa nya akong tanga!”sagot nya. Hindi nya mapigilang maghimutok dahil sa nararamdamang sakit. “Kaya nga kausapin mo siya malay mo may dahilan ang lahat.”udyok pa nito sa kanya. “Niloko nya ako iyon ang dahilan na alam ko. Ayoko na siyang makita pang muli. Ayoko ng mabuhay pa sa mga kasinungalingan nya. Pinaasa nya lang ako sa wala.” sagot niyang masama pa rin ang loob.  Nahirapan si Ella sa panganganak dahil kambal pala ang ipinagbubuntis nya. Hindi kasi sya nagpaultrasound. Dahil kulang sa buwan ang kambal nya kailangan itong ipasok sa incubator kaya naman halos maubos ang ipon niya. Mabuti nalang at medyo malaki-laki ang dala niyang pera ng umalis sya ng probinsya. Bago kasi sya umalis sa bahay ni Brent dumaan muna sya sa lumang bahay nila. Kinuha nya ang ilang mga gamit at perang matagal nya ng naipon at ngayon nanganganib na maubos ang pera nya dahil sa panganganak. Paano nya ngayon bubuhayin ang kambal? “Bakit hindi mo puntahan ang ama ng mga anak mo?”ani kanya ni Manang Nancy. Gusto nya mang gawin natatakot naman siyang muling magpakita kay Brent. Paano nalang kung may asawa na ito at sariling pamilya? Matagal din siyang nawala tapos bigla bigla magpapakita sya na parang walang nangyari. Napabuntong hininga. “Tiyak ko pong galit sya sa akin.” malungkot niyang sagot. Karga nya ang isang kambal. Lalaki at babae ang anak nya. Hindi maikakaila na anak ni Brent si Bryan dahil kuhang kuha nito ang mata ng ama. Si Bea naman ay halos carbon copy nya. “Hindi yon magagalit basta aminin mo sa kanya ang lahat at dahilan kung bakit hindi ka nakabalik. Saka anak nya rin itong kambal mo. Karapatan niyang makilala ang mga yan.”sabay turo nito sa kambal. “Paano kung may asawa na sya?” tanong nya. “Ang mahalaga naamin mo sa kanya ang totoo. Gusto mo bang magalit nalang sya sayo habang buhay?” tanong pa nito. Napailing siya sa sinabi ni Manang Nancy. Tama ito, tiyak na habang buhay siyang kamumuhian ni Brent kapag hindi niya ito kinausap. Pinaasa nya lang ito kapag nagkataon. Napabalikwas sya ng bangon. Ang sama ng napanaginipan nya. Sinusumbatan daw sya ni Brent dahil sa ginawa niyang pang-iiwan dito. Galit na galit ito kanya habang dinuduro sya. Wala siyang magawa kahit anong paliwanag niya dahil hindi ito nakikinig. Bingi ito sa mga sinasabi nya. Naramdaman nya nalang ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi. Umiiyak na pala sya. Walang araw na hindi nya naiisip ang lalaki. Mahal na mahal nya ito. Naguguluhan lang siya noon dahil sa mga nangyari sa buhay nya saka naisip niya na mas bagay ito kay Fe. Maganda na at mayaman pa. Nang makilala nya si Fe, nainggit sya dito. Lahat nandito na tiyak na kapag nawala sya magkakabalikan ang dalawa lalo na at mahal pa rin ni Fe ang nobyo. Wala rin siyang maipagmamalaki kay Brent. Iyon ang tanging dahilan kaya iniwan nya ang nobyo pero bakit hanggang ngayon mahal niya pa rin ito? At bakit galit na galit ito sa mga panaginip nya? Naguguluhan sya sa mga napapanaginipan. Sinulyapan nya ang kambal sa crib. Mahimbing ang mga tulog nito, para itong mga munting anghel. Napangiti sya. Ano kaya ang isasagot niya kapag tinanong sya ng mga ito kung nasaan ang daddy nila? Magsisinungaling ba sya? Ayaw niyang lumaki ang kambal na walang ama. Bakit nya pagkakaitan ang mga ito na makilala ang ama at ano ang kasalanan ni Brent para ipagkait nya ang anak nila? Ang tanging kasalanan lang nito ay ang mahalin ang tulad niya na walang paninindigan at madaling sumuko. Hindi sya nararapat sa pagmamahal ng lalaki. Alam niyang mahal na mahal sya nito pero ano ang ginawa nya? Sinaktan nya ito. Paano niya ngayon maibabalik ang pagmamahal nito at paano siya nito mapapatawad?  Hindi inaasahan ni Ella na makikita nya sa Manila si Brent. Waitress sya sa isang night bar sa Ortigas. Napatigil sya sa paglagay ng alak sa mesa ng mga ito ng makita nya ang lalaki. Nagkatitigan sila pero siya din ang unang bumawi dahil sa mga titig nitong puno ng hinanakit. May katabi itong babae. Tantiya nya ay nobya nito dahil sweet ang babae dito. Nasabik siyang yakapin ito pero wala na siyang karapatan pa. May nagmamay-ari na ng iba dito. Umiwas siya kay Brent dahil kahit saan sya magpunta nakatingin ito. Naiilang siya at syempre hindi nya maiwasang masaktan sa nakitang may kasama itong iba. Akala niya handa na siya kapag nalaman niyang may iba na ito pero iba pala kapag nakita mo na ng harapan. Makakaramdam ka ng labis na panibugho. Sabagay kasalanan niya naman. Iniwan niya ito kaya wala siyang karapatang mag- inarte. Palihim siyang sumusulyap kay Brent at sa kasama nito kapag wala siyang ginagawa. Balak niya itong kausapin kapag mag-isa lang ito kaso hindi sya nagkakaron ng tiyempo. Malapit na siyang mag-outpero hindi nya pa ito nakakausap. Nawawalan na siya ng pag-asa hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng bar. Labis siyang nanghinayang sa pagkakataon na makausap ito. Naghihintay siya ng jeep ng biglang may tumikhim sa likuran nya. Napalingon sya sa pinanggagalingan ng boses. “Brent?” bulalas nya. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nya. “Mabuti naman at natandaan mo pa ang taong pinaasa mo.”pauyam nitong sagot sa kanya. Nawala ang ngiti nya sa labi. Tama siya galit na galit nga ito. “Im sorry.”nakayuko niyang sagot. “Hindi mo na ako madadala sa mga paawa effect mo. Minsan na akong nadala sa mga yan at ako naman si tanga naniwala.”pauyam nitong turan. Hindi niya alam kong ano ang sasabihin. Hinayaan niya lang ito na maglabas ng sama ng loob sa kanya. “Wala ka man lang bang sasabihin?” “Brent may kailangan kang malaman kung bakit hindi ako nakabalik.”umiiyak niyang turan pero ngumisa lang ito. “Ang galing mo talagang umarte no? Hindi ka nakabalik dahil ano? Nabuntis ka? Ang bilis mo naman magpalit ng lalaki. Pang-ilan na ba ako sa mga naloko mo?” sarkastiko nitong tanong. Agad na nagdilim ang paningin nya kaya umigkas ang kamay niya sa pingi nito.  “Im sorry hindi ko sinasadya, nabigla lang ako.”agad niyang turan. Nataranta sya sa paghimas sa nasaktan nitong mukha. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong kinabig at mapusok na sinakop nito ang mga labi nya. Wala siyang nagawa sa lakas nito. Nakapulupot kasi ang kamay nito sa bewang nya. Bigla siyang nakalimot kung nasaan sila dahil gumanti sya ng halik dito. Mas mapusok at mapanghanap nagulat pa siya ng bigla siyang itinulak nito.  “Namiss mo ba yan?” tanong nitong ngising demonyo. Pinamulahan sya ng mukha. Hindi nya alam ang isasagot dahil sa pagkapahiya. Gusto nya itong sampalin pero nagpigil sya.  Tatalikuran nya sana ito pero hinablot sya nito. Lumaban sya ng titigan sa lalaki. Nagsukatan sila ng tingin.  “Anong pakiramdam na nakuha mo ang gusto mo?” tanong nito sa kanya. Nanliliit ang mata nito sa galit. Hindi nya rin maitindihan ang ibig nitong sabihin. Kanina pa nga siya nga sya nagatataka kung bakit nalaman nito na buntis sya.  “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.  Napabuntong hininga ito bago ito bumalik ng tingin sa kanya. Mapanuri ang mga mata nito. “Hanggang ngayon ang galing mo pa ring umarte. Nabili ko na yan, kaya wag mo na akon utuin. Ngayon isa lang ang alam ko iyon ay ang kinasusuklaman kita. Gusto kong malaman mo na kahit ano ang mangyari hinding hindi kita mapapatawad.”sabi nito. Sasagot pa sana sya pero pinigilan sya nito. “Wag ka ng magsalita dahil kahit ano ang lalabas diyan sa bibig mo alam ko na pawang kasinungalingan ang mga yan. Nagsisisi ako dahil minahal kita.”galit nitong duro sa kanya. Daig nya pa ang binuhusan ng mainit na tubig ng makaalis ito. Hindi nya kayang salubungin ang galit nito. Hindi man nga lang sya makatingin sa mga mata nito. Kasalanan nya ang lahat kaya may karapatan itong magalit sa kanya. Tama ito pinaasa nya ito sa mahabang panahon. Wala siyang karapatang magalit dahil siya ang nagtulak dito para kamuhian. Napahagulhol sya ng iyak dahil sa mga nangyari. Hanggang sa bahay hindi nya mapigilang umiyak mabuti nalang at tulog na si Mang Nancy, ito kasi ang inatasan niyang magbantay sa kambal kapag may pasok sya. “Anong problema?”kalabit sa kanya ng matanda. Katabi nya ito sa higaan kaya siguro ito nagising. Napasinghot sya dahil sa pagpigil ng sipon. “Nagkita po kami kanina ni Brent.” umiiyak niyang sumbong. Umayos naman ng upo ang matanda at niayakap sya. Galit ho sya sa akin.”dagdag nya pa. Muli na naman siyang napaiyak. “Nakinig ba siya sa paliwanag mo?” “Hindi po dahil lahat daw ng sasabihin ko ay puro kasinungalingan.” Napabuntong hininga ito. “Hindi sya magagalit kung nagawa mong sabihin ang lahat lahat. Gaya nalang sa mga anak niyo. Sigurado akong maiintindihan ka rin nya.”payo nito sa kanya. “Ano ho ang gagawin ko?”sumisinghot niyang tanong. “Ang gawin ang tama, saka wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Saksi ako na mahal mo pa rin sya dahil hindi ka naman maaapektuhan ng ganyan kung hindi mo na sya mahal.” Niyakap sya nito ng mahigpit kaya naman niyakap nya rin ito. Kung hindi dahil dito baka nasiraan na siya ng ulo.  Tulog na si Manang Nancy pero nanatili siyang gising. Kahit anong gawin nya hindi sya dinadalaw ng antok. Nasa isipan nya pa rin ang mukha ni Brent. Ang mukhang matagal niyang pinanabikang makita at mahalikan pero ngayon kulang nalang sinumpa siya nito. Hindi nya kayang magalit ito sa kanya dahil napakabuti nitong tao. Kung hindi dahil dito tiyak na kabilang na rin sya sa pamilya ng kadiliman. Utang nya lahat kay Brent. Ang kalayaan nya at lalong lalo ang buhay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD