Kahit anong pilit nya na wag ng sumama sa bahay si Fe hindi ito nagpaawat. Tulad nya isa lang ang gusto nito. Ang masigurong ligtas si Brent pero kahit siya hindi niya sigurado kung ligtas pa nga ba ang lalaki sa kamay ng mga magulang. Tiyak niyang si Brent ang pagbubuntunan ng galit ng pamilya lalong lalo na ni Morgan.
“Ano yon?” Tanong sa kanya ni Fe. Napalingon sya dito. Nasa likod nya kasi ito.
“Alin?” tanong nya. Sa likod ng bahay sila dumaan para walang makakita sa kanila.
“May narinig akong umuungol.”sagot nitong pabulong. Bahagya siyang tumigil sa paglalakad at pinakinggan ang sinasabi nito.
“Pakitanggal naman ng sapatos mo?” pakiusap nya. Nadidistract kasi sya sa tunog ng sapatos nito.
“Pero hindi ako sanay mag-paa.”reklamo nito kaya napataas sya ng kilay. Hinubad nya nalang ang sapatos para ipagamit dito.
“Wag kang mag-alala wala ako fungi at lalong wala akong alipunga.”sabi nya ng atubili nitong suotin ang sapatos nya.
“Hindi naman yon. Iniisip lang kita. Paano ka?”
“Wag kang mag-alala. Kaya kong mag-paa.”nakangiti nya ng sagot. Napahinto sya sa paglalakad ng marinig ang ungol na tinutukoy ni Fe.
“Sa basement nagmumula.”bulong nya sa kasama.
“Puntahan na natin.”yaya nito. Akmang pupunta na ito sa basement na itinuro nya ng biglang hatakin nya ito.
“Hindi ganun kadali yan binabalak mo. Delikado.”saway nya dito.
“Pero malapit lang sa atin ang basement?”nagtataka nitong turan. Ang ikinatatakot nya lang kasi baka nasa loob ng basement ang pamilya nya.
“Paano kung hindi lang si Brent ang nasa loob?” tanong nya. Bigla itong napaisip sa sinabi nya kaya naghintay muna sila ng ilang sandali.
“Pagod ka na ba?” tanong nya kay Fe. Nakalupaypay na kasi ito sa lupa. Halata ang labis na pagod dahil sa malayong nilakad.
“Wag mo akong alalahanin. Tuloy ang misyon.” nakangiti nitong sagot kaya ngumiti na rin sya.
“Maraming salamat sayo. Hindi ko ito magagawang mag-isa kung wala ka. Tiyak na kanina pa ako nawalan ng pag-asa.”turan nya. Tumabi sya sa babae habang nagmamasid.
“Hindi pa natin naliligtas si Brent kaya wag ka munang mag thank you. Ang tapang mo kaya, bilib nga ako sayo. Napakaswerte ni Brent sayo.” turan pa nito. Babae rin sya kaya nararamdaman nya na mahal pa rin nito ang lalaki. Kahit madilim nakikita nya sa mga mata nito ang sakit na nararamdam. Napakabuti nito.
“Ang swerte ni Brent sa atin.” turan nya dito kaya napabungisngis silang dalawa, bigla nilang nakalimutan kung ano ang misyon nila. Muli nilang narinig ang ungol. Napaayos sila ng upo ni Fe, ngawit na ang leeg nila sa kakasilip sa basement.
“Sa tingin ko walang ibang tao sa basement.” ani Fe.
Isang oras din ang hinintay nila bago nila pinasok ang basement. Alam nya kung paano buksan iyon kaya madali lang silang nakapasok. Agad niyang naaninag ang taong nakaupo sa silya, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag.
“Si Brent.”turo ni Fe. Agad niyang tinakbo ng yakap ni Brent. Nagliwanag ang mukha nito ng makita sya. May bahid rin ng dugo ang mukha nito. Tanda lamang ng pinahirapan ito.
“Bakit bumalik ka?” tanong nito habang kinakalas nya ang lubid na nakatali.
“Dahil hindi ko makakaya na wala ka. Hindi ko hahayaang may mangyari sayo.” natataranta niyang sagot. Mahigpit ang pagkakatali kaya Nagtulungan sila ni Fe para tanggalin ang mga tali ng lalaki. Siya sa kamay at ito sa paa. Nagyakap muli sila ng makalas na ang pagkakatali. Saksi lamang si Fe sa kanilang pagmamahalan.
“Umalis na tayo baka maabutan pa tayo dito.” pukaw sa kanila ni Fe kaya sya na ang unang kumalas sa lalaki pero huli na ang lahat dahil nasa pinto na ang pamilya nya. Nakalimutan pala nilang ilock ang pinto.
Napaurong silang lahat pero dead end wala silang madadaanan, puro pader na ang nasa likuran nila.
“Tama nga ako, kung nasaan ang manok nandun din ang palay.” pumapalakpak na turan ng ina nya. Nasa anyong tao ang mga ito.
“Pabayaan nyo na po ako Nay! Buong buhay ko binigay ko sa inyo kahit labag sa loob ko ginagawa ko kaya sana hayaan nyo na akong lumigaya.”pakiusap nya sa mga ito. Nasa unahan sya ng katawan ni Brent at Fe para hindi magalaw ang mga ito ng pamilya.
“Tonta ka talaga Isabella! Ito ang buhay mo!”Sigaw sa kanya ng ina ni Morgan.
“Hindi nyo ako katulad!”sagot niyang hindi mapigilang umiyak.
“Gusto mong mamatay ang mga kasama mo?” tanong sa kanya ni Morgan. Nagliliyab ang mga mata nito.
“Pakiusap wag niyo silang idamay!” sigaw nya.
“Kung ganun lumapit ka sa amin.” sabat ng ama nya. Napatingin sya kay Brent. Hindi ito sang-ayon sa gusto ng ama dahil hindi nito binibitiwan ang kamay nya.
“Bibilang ako ng sampu!” sigaw ng ama nya.
“Brent makinig ka, papatayin nila kayo. Ginagawa ko ito dahil mahal kita kaya pakiusap iligtas mo ang buhay mo!” umiiyak niyang paalam sa lalaki.
“Ella, sumama ka sa amin.”turan ni Fe sa kanya. Umiiyak na rin ito.
“Hindi ganun kadali Fe...” Napatingin sya sa mata ng nobyo galit na galit ito. Taas noo itong nakatingin sa pamilya nya. Nakikipagsukatan ng tingin.
“Isa!!” bilang ng ama nya. Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng basement kasabay ang pagpalit nito ng anyo kaya gumaya na rin ang iba pang kasama nito. Napasigaw si Fe sa pagkabigla kaya naman napaurong sya. Niyakap sya ni Brent maging si Fe.
“Brent, hayaan mong gawin ko ito para sayo para maligtas kayo.”umiiyak niyang pakiusap sa nobyo pero tila bingi ito sa sinasabi nya. Pilit siyang umaalis sa pagkakayakap nito pero hindi sya binibitawan.
“Dalawa!!”
“Tay, pakiusap. Maawa naman kayo sa amin! Pakawalan mo na kami!”umiiyak niyang pakiusap.
“Tatlo!!”
“Apat!!”
Nataranta sya sa bilis ng pagbilang ng ama. Tinulak nya ng malakas si Brent para makawala sya.
“Brent patawad!” umiiyak niyang turan.
“Wag, Ella. Mahal na mahal kita. Hindi ako papayag na makuha ka nila.”sigaw ni Brent. Malapit na sana sya pamilya ng bigla siyang hilahin ng nobyo pabalik. Napasubsob sya sa dibdib nito. Nagulat nalang sila ng biglang dambahin ni Morgan si Brent. Binuhat nito ang nobyo at parang papel na tinapon sa labas ng bahay. Napahiyaw din si Fe ng itulak ito ni Morgan. Gusto niyang tulungan ang dalawa pero hawak sya ng ina at tiyahin. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Nakita niyang pinipilit tumayo ni Brent kahit na nahihirapan ito, nilabanan nito sa Morgan nagpambuno ang dalawa pero dahil malakas si Morgan walang magawa ang malaking katawan ng nobyo. Awang awa sya dito. Hirap na hirap na ito sa suntok na tinamo. Kulang nalang lunukin ito ng buhay ni Morgan. Napasigaw sya ng kunin ni Morgan ang matulis na kawayan sa gilid ng pinto, naging alerto naman si Brent. Kahit hirap ito nagagawa nitong umiwas sa bawat atakeni Morgan kaya tumulong na ang ama.
“Tay, parang awa nyo na!”paghihisterikal nya. Pilit siyang nagwawala sa kamay ng ina at tiyahin. Napatingin sya kay Fe, takot na takot ito na umiiyak. Awang awa sya dito dahil wala man lang siyang magawa.
Nagulat pa sya ng mapasigaw ang ina. Natulala sya. Ang ama nya ang nasaksak ni Morgan at hindi si Brent. Tagos ang matulis na kawayan sa katawan ng ama. Naging sanhi iyon para makawala sya sa ina at tiyahin. Tumulong na rin ang ama ni Morgan para mapatay si Brent pero bigo itong makalapit sa nobyo dahil dalawang matulis na kawayan ang hawak nito. Galit na galit ang mga ito dahil nalagasan ng isa. Napatingin sya sa ama. Bulagta ito sa lupa at hindi na gumagalaw. Niyugyog pa ito ng ina pero wala na talaga itong buhay.
Hindi nya maiwasang malungkot. Naging ama nya rin ito sa mahabang panahon at naging parte ng buhay nya. Napansin niyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ng tiyahin iyon pala ay dahil napuruhan ni Brent ang asawa nito para itong nabarbeque kaya naman sinamantala nya ang pagkakataon. Hinila nya ang kwentas nito na ayon sa mga ito ay ating-ating at doon nanggagaling ang kapangyarihan ng pagiging balbal ng mga nito. Hindi naman sya nabigo dahil agad na napigtas ang kwentas nito. Agad itong bumalik sa anyong tao kaya inatake nya ito ng suntok. Mabilis itong nanghina lalo pa at matanda na ito. Labag sa loob nya nag ginagawapero kailangan niyang iligtas ang mga kasama.
“Morgan!!”sigaw nya. Hawak nya sa leeg ang ina nito. Tinutukan nya ito ng kutsilyo sa leeg. Napalingon sa kanya ang lalaki.
“Papatayin ko ang ina mo kapag hindi mo kami pinaalis!”sigaw nya pa.
“Tiyahin mo yan!”sigaw ng ina nya pero hindi nya ito pinansin. Ayaw niyang magpadala ng awa dahil tiyak na sila ang mamamatay.
“Bitawan mo sya!”utos sa kanya ni Morgan pero hindi sya nagpatinag. Nagulat nalang sya ng biglang sumugod si Fe. Tinulak nito ang kamay nya kaya bumaon ang kutsilyo sa leeg ng tiyahin. Napasigaw si Morgan sa galit. Dadambahin sana nito si Fe mabuti nalang at naging maagap si Brent agad na sinaksak nito ng kawayan si Morgan at tulad ng ama nito tuhod din ang lalaki. Tigalgal sya sa bilis ng pangyayari. Pakiramdam nya tumigil ang mundo nya ng mga oras na iyon. Naramdaman nya nalang ang mabilis na pagpatak ng mga luha.
“Its over!” turan sya kanya ng nobyo. Napatingin sya dito. Hilam ang mga luha kaya niyakap sya nito ng mahigpit.
“Im sorry.” turan sa kanya ni Fe. Alam nya ang tinutukoy nito, ang pagtulak nito sa kamay nya. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin dahil sa totoo lang hindi nya kayang patayin ang tiyahin, kung hindi naman sya nito tinulak tiyak na sila ang mamatay. Wala silang laban sa halimaw lalo na sa tulad ni Morgan na galit na galit. Pilit siyang ngumiti dito. Sa isang iglap nawalan sya ng pamilya. Kumalas sya sa pagkakayakap sa nobyo.
“Si Inay?”tanong nya. Napalingon din si Brent dahil hindi rin nito napansin ang ina nya.
“Tumakbo sya kanina ng makita niyang patay na ang mga kasama nya.”sagot ni Fe. Bigla niyang nahiling nasa sana ligtas ito kung saan man ito pupunta at sana rin hayaan na siyang mamuhay.
Dinala siya ni Brent sa bahay nito. Hindi pa rin sya makapaniwala sa mga nangyari. Tulala pa rin sya. Para siyang patay na naglalakad. Agad siyang dinala ni Brent sa kwarto na gagamitin nya.
“Its ok!”kalma sa kanya ng nobyo. Hinagkan pa sya nito sa noo bago ito nagpaalam na ihahatid si Fe. Tango lang ang isinagot nya. Hindi nya na rin naramdaman ang paglabas nito ng silid. Pakiramdam nya naging manhid ang buong pagkatao nya. Hindi nya magawang magdiwang dahil sa wakas wala na ang pamilya niyang kampon ng kadiliman pero sa kabila ng lahat nagdadalamhati sya sa pagkawala ng buong pamilya. Sana kung nasaan man ang mga ito ay matahimik na ata sana makahanap rin ng katahimikan.
“Nalulungkot ako sa mga nangyari sa pamilya ni Ella. Sa isang iglap lang nawala sa kanya ang pamilya nya. Isa rin ako sa mga naging dahilan kung bakit nawalan sya ng pamilya. Dapat pinabayaan ko nalang ang gusto niyang mangyari.”turan ni Fe kay Brent. Lulan sila sa sasakyan. Ihahatid nya ito.
“Ginawa mo lang ang alam mong tama.” sagot nya.
“Pero nakita mo naman, nasaktan sya.”
“Lahat ng sugat ay naghihilom at tutulungan ko siyang makalimutan ang lahat ng sakit. Pupunuin ko ng saya ang bawat araw niya hanggang sa makalimutan nya na ang lahat ng sakit. Tutulungan ko siyang makalimutan ang lahat.” umaasa niyang sagot. Sana lang mapasaya nya si Ella at nang makalimutan nito ang lahat ng pangit sa buhay nito at hiling nya lang na sana maging sapat sya sa panibago nitong buhay.
“Mahal na mahal mo talaga sya no?”
“Wala ng mas hihigit pa sa kanya. Kung tatanda man ako gusto ko siya lang ang tanging kasama ko at wala ng iba. Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko at siya lang ang tanging magpapatibok nito.”
“Nalungkot naman ako bigla. Nanghinayang ako dahil hindi pala ako ang susi ng puso mo.” turan pa nito ng ngumiti ng mapakla.
“ Hindi man ikaw ang susi ng puso ko naging parte ka naman ng buhay ko. Maraming maraming salamat sayo dahil naging parte ka sa pagbuo ng pagmamahalan namin ni Ella., maging sa pagbuo ng pagkatao ko.” sagot nya. Ginagap niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan.
Brent,
Patawad kong gagawin ko ito pero gusto ko pa mahanap ang pagkatao ko, litong lito ako sa mga nangyari. Naisip ko lang paano kong hindi pala kita mahal? Paano kong ikaw lang ang naging dahilan ko para magkaroon ako ng dahilan para mawala sa landas ng pamilya ko? Kailangan ko munang lumayo para hanapin ang sarili ko at sana sa pagbalik ko pwede pa ako sa buhay mo. Ito ang sinasabi ng puso ko MAHAL NA MAHAL KITA pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Sa pagbabalik ko sana sigurado na ako at kaya kung panindigan ang lahat.
ELLA
Kulang nalang sunugin nya ang sulat ni Ella sa labis na galit. Hinatid nya lang si Fe at bumili lang siya ng ilang damit na gagamitin nito sa pagbalik nya wala na naman ito. Hindi nya maintindihan ang rason nito, napakababaw para sa kanya . Bakit kailangan sya nitong iwan? Pwede namang magkasama nilang tutuparin ang lahat, kung hindi man magwork ang relasyon nila atleast sinubukan nila. Hanggang kailan nya ito hihintayin? Hanggang kailan ito magiging handa? Kapag matanda na sya? Kapag may asawa na sya?
Kahit masakit pinilit niyang tanggapin ang desisyon ni Ella. Mahirap tanggapin pero kailangan. Akala nya makakalimutan nya ito. Ilang beses din siyang sumubok na magmahal pero lahat ay nauuwi sa hiwalayan. Isa lang ang rason may nagmamay-ari pa ng puso niya at alam niyang si Ella pa rin ang may hawak ng susi ng puso nya. Mahigit limang buwan na itong hindi nagpapakita. Hinanap nya ito pero walang nakakaalam kung nasaan ito.
Kahit minsan hindi sya sumukong maghintay na babalik ito tulad ng sinabi nito sa sulat at hanggang ngayon umaasa pa rin sya sa pagbabalik nito at muling madugtungan ang pagmamahalan nila.
“Babalik din sya.” turan sa kanya ng ama. Nagkaayos na sila nito at naging maayos na ang turingan nila bilang mag-ama. Nakita niya rin ang labis na pagsisisi nito ng mawala ang ina.
“Sana nga po.” sagot nya sabay lagot ng alak sa kopita. “Hindi po naging dahilan ang paglayo nya sa akin para hindi ko sya mahalin. Walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya bagkus sobra ko pa siyang minahal.”dagdag nya pa.
“Napakaswerte ni Ella sayo at sana nga bumalik na siya para naman bumalik na ang mga ngiti mo at kislap ng mga mata mo.”turan pa ng ama. Simula ng umalis si Ella nawalan sya ng gana ngumiti, para sa kanya kasi si Ella lang ang dahilan ng bawat ngiti nya. Gustuhin nya mang ngumiti hindi nya magawa hindi tulad dati na laging nakapaskel sa mukha nya ang maganda niyang ngiti. Hindi na kailangan pang sabihin na ngumiti sya dahil sa tuwing nakikita nya si Ella tila authomatic na lumalabas ang matatamis niyang ngiti at hindi na kailangan manduhan pa o pagsabihan.
Nang umalis ang ama niligpit nya na rin ang iniinom. Hindi na sya tulad ng dati kong uminom. Ayaw niyang maging panget sa muling paghaharap nila ni Ella. Gusto niya na gwapo pa rin sya sa paningin nito at walang nagbago.