CHAPTER SEVEN

2541 Words
   CHAPTER SEVEN  Kung hindi niya pa narinig ang kalabog ng gate hindi pa sya kumalas sa mga labi ni Brent. Agad siyang sumilip sa labas ng bintana. “Bakit?” nagtatakang tanong nito. “Dumating na sina Nanay.” sagot nya. Muling bumalik na naman ang takot nya. “Tatakas tayo ngayon.”mungkahi nito sa kanya. Hawak nito ang kamay nya. “Hindi pwede Brent dahil nandiyan na sila.” pigil nya. “Makikita nila tayo.”dagdag nya pa. “Hintayin nalang nating matulog sila saka tayo bababa.” “Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi tao ang pamilya ko.” bulong nya dito. Napatingin sa kanya ang nobyo. Hinila nya ito sa may bintana at bahagyang binuksan. Kompleto ang pamilya nya sa bakuran at muli may dalang mga bangkay ang mga ito. Napaurong sa bintana si Brent. Alam niyang natakot ito. Napatitig sya sa nobyo, napansin niyang namutla ito pero hindi ito nagtanong sa kanya. Hindi nya alam kung paano ipapapaliwag dito ang pamilyang pinagmulan. Natatakot din sya na baka maging sanhi ito ng muli nilang paghihiwalay.  “I-sa ka ba sa kanila?” tanong matapos ang namagitang katahimikan. “Paano kung isa nga ako sa kanila?” Hindi nya mapigilan ang maiyak dahil sa seryoso nitong boses. Natatakot sya na magalit ito.  “Alam mong mahal kita pero mahirap para sa akin ang tanggapin ang lahat ng ito.”sagot nito. Ito na ang ang kinatatakutan nya ang talikuran sya ni Brent dahil sa pagkatao nya.  “Kaya mo ba akong patayin?” biglang tanong sa kanya ni Brent na ikinagulat nya. Nanlaki ang mata nya.  “Bakit naman kita papatayin? Mahal kita alam mo yan.”sagot nya. Nilapitan nya ito at hinawakan nya ito sa kamay hindi ito umiwas kaya napangiti sya.  “Hindi ako kabilang sa pamilya ko. Tao ako. Hindi ako aswang.” paliwanag nya dito at sa tingin nya naniwala naman ang nobyo dahil ngumiti ito. Bigla sya nitong niyakap. “Akala ko huli na para sa pagmamahalan natin.”sambit nito. Hinalik-halikan sya nito sa buhok. “Kailangan nating makaalis sa bahay na to bago mag-umaga kapag naikasal ako kay Morgan magiging isa na rin ako sa kanila.” “Anong plano mo?” “Tulad ng sinabi mo kanina aalis tayo mamaya kapag tulog na ang mga tao pero mukhang mahihirapan tayo dahil hanggang ngayon gising pa rin sila.” nag-aalala niyang sagot. Niyakap sya ng nobyo kahit papano gumaan an pakiramdam nya ng maramdaman ang init ng katawan nito. Sapat na ito para makampante sya. “Si Morgan ba ang humabol sa atin noon?” tanong nito.  Tumango sya bilang pagsang-ayon.  Inabot na sila ng madaling araw ni Brent sa kakahintay na matulog ang mga tao sa bahay pero hanggang ngayon naririnig nya pa ring nag-usap ang mga ito. Nawawalan na sya ng pag-asa. Mukhang binabantayan na sya ng pamilya hanggang sa maikasal sya.     Napabuntong hininga sya. “Wag kang mawalan ng pag-asa. Handa akong gawing ang lahat makasama ka lang at handa rin akong mamatay makasama ka lang.”pahayag sa kanya ng nobyo. Hinagkan siya nito sa noo kaya yumakap siya dito ng mahigpit. Bilang na ang mg oras nya, malapit na siyang maging aswang at malapit na rin siyang maging asawa ni Morgan. Kung hindi lang bumalik sa buhay niya si Brent tiyak na kanina pa sya nagpakamatay sa kawalan ng pag-asa. Muli siyang napaiyak. “Wag kang susuko. Isipin mo nalang na magiging masaya tayo pagkatapos ng lahat ng ito. Wag kang mawalan ng pag-asa. Panghawakan mo ang pagmamahal ko para sayo. Magtiwala ka.”turan pa nito. Tumango lang sya sa lalaki. Napabalikwas sya sa kama ng may biglang kumatok sa kwarto nya. Nataranta sya at maging si Brent ay ganoon rin. Napabalikwas ito ng higa. “Magtago ka! magtago ka!”nataranta niyang tulak sa nobyo. Agad naman itong tumalima at agad na nagsuot sa ilalim ng kama. Pilit nitong pinagkasya ang malaking katawan sa ilalim ng kama. Ipinagpasalamat nya nalang na mahaba ang comforter ng kama nya kaya hindi ito makikita. Inayos nya muna ang sarili bago binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ni Morgan. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” agad nitong tanong sa kanya. Tatarayan nya sana ito pero nagtimpi sya, kailangan niyang panindigan na mabait na sya at tanggap nya na ang lahat. “Mahimbing kasi ang tulog ko. May kailangan ka ba?” tanong nya sa mahinang boses. Humihikab hikab pa sya para kunwaring totoong galing sya sa tulog. Napapatingin rin sya sa kama. Agad itong tumuloy sa silid nya. Nakiramdam ito sa loob. Kinabahan sya dahil suminghot singhot ito. Nakalimutan nya na aswang nga pala ito. Matalas ang pang-amoy kapag may tao. Kumabog ang dibdib nya. “Anong meron?” tanong nya kay Morgan para madistract ito. Natatakot sya baka sumilip ito sa ilalim ng kama. “Parang may naaamoy akong hindi pamilyar sa kwarto mo.” sagot nito. “K-anina kasi nagbukas ako ang isang pabangong binili ko kahapon, balak ko siyang gamitin bukas para sa kasal natin.” nataranta niyang sagot pero nakangiti pa rin. Tumango ito at ngumiti. Mukhang nagustuhan ang sagot nya at nagpapasalamat naman sya dahil kinagat nito ang sinabi nya. “Alam mo ba kung bakit ako nandito?” tanong pa nito. Hinawakan nito ang dalawang kamay nya. Gusto nya sanang bawiin ang mga yon pero hinayaan nya nalang. “Bakit?” “Hindi ako makatulog dahil excited ako sa kasal natin. Oras nalang ang bibilangin magiging asawa na rin kita. Matagal kong hinintay ang araw na ito Ella at sa wakas ito na yon.” masaya nitong sabi. Nagniningning ang mga mata nito sa excitement na nararamdaman. Napangiwi sya sa sinabi nito pero pilit na ngumiti. “Kailangan mong matulog para may lakas ka sa honeymoon natin.”sagot nya. Kulang nalang maduwal sya habang binibitawan ang mga salitang yon. Ngumiti na naman ito. Akma itong hahalik sa kanyang mga labi pero umiwas sya. “Oppps! Ilaan mo yan para bukas, mamaya niyan agad na mangatod ang tuhod mo.” sabay ngiti nya ng nakakaakit. Napangiti ito. “Hindi na ako makapaghintay pero kung yan ang gusto mo iginagalang ko. Kailangan ko ng matulog para makabawi ng lakas. Ayoko naman na mabitin ang mahal kong asawa.” ngumisi ito sa kanya. Kumindat pa ito sa kanya bago umalis ng silid. Napasinghap sya ng makaalis ito. Agad siyang umupo ng kama. Nagulat pa siya ng may umaray, bigla tuloy siyang napatayo. “Aray ko!”hawak hawak nito ang ulo. Nakakunot ang noo nito ng umupo sa kama nya. “Sorry na. Nakalimutan kung nasa ilalim ka pala.” agad niyang hinimas ang ulo nitong nasaktan. “Excited ka ba sa kasal nyo?” tanong nito. “Para kang baliw! Kailangan kong gawin yon para hindi sya maghinala na ayaw ko sa kasalang magaganap. Naduduwal nga ako sa mga pinag-uusapan namin.”ingos nya dito. “Talaga?”tanong pa nito. “Oo nga.”natatawa niyang sagot. Natatawa kasi sya sa reaksyon ng mukha nito, para itong batang nagseselos. Kinantilan nya ito ng halik sa labi para matigil na ito sa pagseselos.  Dahan dahan siyang bumaba ng bintana. Nauna na sa kanya si Brent, pinauna nya ito. Sa malaking puno sila magkikita kung saan sila nagtago dati. Nasa likod bahay lang iyon. Ingat na ingat siyang makalikha ng ingay. Hindi naman sya nahirapang bumaba dahil mababa lang ang bintana. Sukbit ang maliit na backpack sabay takbo niya sa malaking puno. Patingkayad lamang ang ginawa niyang takbo para hindi maglikha ng ingay ang mga yapak nya. Walang naging aberya ang pag-alis nya ng bahay hanggang sa makarating sya sa lugar kung saan sila magkikita pero walang Brent na naghihintay sa kanya. Naghintay pa sya ng ilang sandali. Pero kahit anino nito wala pa rin. Napatingin sya sa pambisig na orasan mag-aalas kwatro na ng umaga, tiyak na magigising na ang ama. Inisip nya nalang na sana nasa labas lang Brent at hinihintay sya pero ng makarating sya wala pa rin ito. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip nya. Umiiyak na rin sya sa takot. Nang marinig niyang bumukas ang malaking bakal na gate, agad siyang tumakbo palayo ng bahay baka may makakita pa sa kanya. Palinga linga sya habang tumatakbo. Nagbabakasakali pa rin siyang baka makita nya ang nobyo. Agad niyang tinungo ang punerarya na pag-aari ng nobyo ngunit sarado pa iyon. Pumasok muna sya sa maliit na kainan, katapat lamang iyon ng punerarya kaya kitang kita nya kung darating man ang nobyo. Nag-almusal na muna sya dahil kanina pa sya nagugutom. Malayo-layo rin ang kanyang nilakad. Biglas siyang napatayo sa upuan ng makita si Morgan sa labas ng punerarya, palinga linga ito na tila may hinahanap. Bakas nya sa mukha nito ang labis na galit. Agad niyang binayaran ang bills at agad na pumasok sa cr. Mabuti na ang maingat baka kasi pumasok sa karinderya si Morgan.  Umalis lang sya ng karinderya ng pamansing umalis si Morgan. Patakbo siyang lumabas. Agad siyang lumapit sa guard.  “Nasaan si Brent?”nataranta niyang tanong.  “Wala pa po. Baka mamaya pa.” sagot nito sa kanya na halatang nagtataka. “Hintayin mo nalang muna sa opisina.”dagdag pa nito.  “Kapag bumalik si Morgan sabihin mong wala ako dito. Wag na wag kang aamin ok?” nataranta niyang bilin dito. Diretso siyang pumasok ng opisina ng nobyo. Pabagsak siyang umupo sa sofa. Nanginginig din ang katawan nya sa labis na takot at pag-alala. Butil-butil ang pawis nya sa noo. Napapitlag sya ng may kumatok. Nakiramdam sya, hinawi nya ang kurtina at bahagyang sumilip. Nang masigurong hindi si Morgan agad niyang binuksan ang pinto. Si Fe pala. Binati nya ito at pilit na ngumiti. Gumanti din ito ng ngiti. Niuluwagan niya ang pinto para makapasok ito. “How are you?” tanong nito sa kanya ng alukin niya itong umupo. Tumikhim sya bago sumagot. “Hindi mabuti. Wala pa kasi si Brent.”mahina niyang sagot. “Paanong wala? Diba pinuntahan ka nya?” “Wala sya sa tagpuan namin. Natatakot na nga ako.” sagot nya. Hindi nya napigilang umiyak sa harap nito. Lumapit ito sa kanya at hinagod ang likod nya. “Darating yon. Mahal ka ni Brent.” turan nito.    “Alam mo ba ang bahay ni Brent?” tanong nya dito. Bigla nya kasing naisip na baka sa bahay ito dumiretso. Pumasok rin sa isip nya na baka hindi sya tanggap ni Brent kaya wala ito saa tagpuan nila. Kung ayaw nito sa kanya gusto nya lang masiguro ang kaligtasan nito. Ok na sya dun. Tatanggapin nya ang desisyon nito. Sumakay sya sa kotse ni Fe. Kahit awkward na makasama ang ex ng nobyo hindi na sya nahiya pa. Kailangan niyang makita si Brent. “Kagabi pa po hindi umuuwi si Sir.” sagot sa kanila ng maid ng pagbuksan sila ng gate. Nagkatinginan sila ni Fe. “Baka may masamang nangyari kay Brent.” hindi nya na napigilang umiyak kaya muli siyang inalo sya ni Fe. “Bakit kaya hindi natin sya balikan sa inyo?” mungkahi nito. Napatingin sya sa bababe, seryoso ito sa sinasabi. Nagdadalawang-isip siya sa sinabi nito. Oo gusto niyang balikan si Brent sa kanila dahil tiyak niyang hawak ng pamilya ang nobyo. Nasa panganib ito at lalong mas tiyak niyang manganganib din ang buhay ni Fe kapag sinama nya ito. “Ako nalang ang babalik sa amin. Salamat nalang sa tulong.”nahihiyang sagot niya. “Samahan na kita.”pilit nito. “Naku, malayo ang samin. Mapuputikan lang yang kotse mo.” sabay turo nya sa sasakyan nito. “Friend na ang turing ko sayo at sana friend na rin ang turing mo sakin.”turan pa nito kaya kahit ayaw nya pumayag na rin sya.      Napapiksi si Brent, nahuli kasi sya ni Morgan na may inaabangan sa labas ng bahay ng mga ito. Hinihintay nya kasi si Ella pero nahuli sya ng lalaki. Nagpambuno sila pero ano ba naman ang laban nya sa halimaw, kulang nalang lunukin sya nito ng buo. Tinali sya nito sa basement, hindi lang kamay nya ang tinali maging ang kanyang mga paa. Ngawit na ngawit na sya. “Yan ang napala mo, ang hilig mo kasing makisawsaw sa buhay ng may buhay!”bulyaw sa kanya ni Morgan, anyong ghoul/balbal ito. Nakakapangilabot ang pangil nito. “Hindi ako nakikisawsaw. Ikaw yon!”bulyaw nya. Sasakmalin sana sya nito mabuti nalang at nagbukas ang pinto. Ang mga magulang ng nobya ang niluwa ng pinto. Nasa anyong tao ang mga ito pero mabalasik ang mga mata. Tanda ang sobrang galit sa kanya. “Wag mong papatayin yan! Kailangan natin ang lalaking yan. Tiyak kong babalikan sya ni Ella dito.” Saway sa kanila ng ama ni Ella. “Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ni Ella, samantalang alam niyang pagkain ka lang namin.” pauyam na sabi nito sa mukha nya. Ramdam nya rin ang laway nito sa mukha nya. “Dahil tao ako at mahal ko sya!”sagot niya. Bigla siyang sinakal nito sa labis na galit. Malaking babae ang nanay ni Ella. Naglabasan ang pangil nito sa galit. Sumisinghap singhap na sya sa tindi ng pagkakasakal kung hindi pa ito inawat tiyak na mawawalan na sya ng malay o baka ikamatay nya pa. Napaubo sya. “Hindi nyo mahal si Ella dahil kung mahal nyo sya hahayaan nyo siyang lumigaya at hahayaan nyo siya sa gusto niyang gawin.” sagot nya pa. Nagdilim ang panginin nya ng tumama ang kamao ni Morgan sa kamay mukha nya. Ok lang na mamatay siya basta mailigtas niya lang si Ella sa pamilya nito. Siya lang ang pag-asa nitong makatakas sa pamilya nito pero siya pa itong nahuli. Kung naging maingat lang sana sIya tiyak na hindi sya nahuli ni Morgan. Sana kasama nya ngayon ito. Hiling nya sana hindi na bumalik si Ella at unahin nito ang sariling kaligtasan.   “Nagising sya sa mahinang sampal ni Morgan. Silang dalawa nalang sa basement. Gabi na dahil madilim na ang buong paligid, tanging mata lang ni Morgan ang nakikita nya. Mapulang mapula ang mga yon. Dama nya pa ang pamamanhid ng mukha dahil sa suntok nito pero pinilit niyang magpakatatag.   “Nasaan si Ella?”galit nitong tanong. Nasa anyong halimaw ito dahil damang damang nIya ang mahabang balahibo nito.   “Kahit alam ko hindi ko sasabihin sayo!”seryoso niyang sagot. Sasaklamalin sana sya nito pero nagpigil lang ito.   “Kahit patayin mo pa ako wala kang makukuha sa akin. Tanggapin mo ng ayaw talaga sayo ni Ella!”bulyaw nya.   “Ako lang ang tanging magsasabi kung sino ang dapat niyang mahalin.”sagot nito. Tinulak pa sya nito bago tuluyang umalis. Tumama ang ulo nya sa upuan kung saan sya nakasali. Napaigik sya sa sakit. Kung hindi lang talaga sya nakagapos, lalabanan nya talaga ito kahit pa mas malakas ito sa kanya. Mamamatay muna sya bago makuha nito si Ella. Kahit kailan hindi nya mapapayagan makuha nito ang babaing minamahal. Kanya lamang si Ella dahil sila ang tunay na nagmamahalan. Walang lugar si Morgan sa puso ni Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD