CHAPTER SIX

2638 Words
   Nangangalumata na si Brent dahil sa kaiinom. Halos magdadalawang araw na rin siyang ganito, lango sa alak. Iniwan na sya ng babaing pinakamamahal nya at kasalanan nya kung bakit. Sya ang nagtulak kay Ella na layuan sya. Alam niyang labis nya itong nasaktan. Nakipagrelason sya dito kahit sila pa ni Fe. Balak nya naman talagang aminin dito ang lahat at iwan si Fe alang alang dito pero pinalala nya pa ang sitwasyon, galit na galit ito sa kanya at ngayon ikakasal na ito kay Morgan. Paano nya pa ito mababawi lalo pa at hindi nya na ito nakikita? Labis na siyang nangungulila dito. Walang oras na hindi nya ito naiisip at binabalik balikan ang mga nakaraang araw na kapwa sila masaya. “Brent?” pukaw sya kanya ng ama. Nakapasok na pala ito sa silid nya nang hindi nya namamalayan paano ba naman lango na naman sya sa alak. Hindi nya ito tiningnan. Sunod sunod na ininom nya ang beer na nasa harapan ng mesa. Nakalugay na ang ulo nya sa labis na kalasingan. Nainis sya ng kinuha ng ama ang mga beer sa mesa. “Bakit ka nandito?” bulyaw nya sa ama. Hindi nya pa rin maiwasang magalit kapag nakikita ito. Tiningnan nya ito ng masama. “Gusto mo bang magpakamatay?” tanong nito sa kanya. “Wala kang pakialam sa buhay ko! Nang dahil sayo nawala si Mama. Nawala ang nag-iisang taong kakampi ko!”bulyaw nya pa. “Labis akong nagsisi sa mga pagkakamali ko. Mahal ko ang Mama mo.” sagot nito na ikinagalit nya. “Ikaw ang dahilan kung bakit sya namatay. Ikaw ang pumatay kay Mama at dahil sa ginawa mo natatakot akong maging katulad mo!”dagdag nya pa. “Natukso lamang ako. Mahal ko kayo ng Mama mo. Alam mo yan.”turan pa nito. Hahawakan sana sya nito pero tinabig nya ang kamay nito. “Hindi mo alam ang salitang pagmamahal dahil kong mahal mo ang isang tao hindi mo sya sasaktan!”angil nya pa. Inagaw nya ang beer sa kamay nito at tinungga. “Lalaki ka anak. Masakit sa ating mga lalaki na mawala ang babaing minamahal nang dahil sa mali nating desisyon. Kung nagkamali man ako labis kong pinagsisihan yon. Sana mapatawad mo pa ako.”turan nito. Hindi na sya sumagot hanggang sa makaalis ito sa silid nya. Tinapik pa sya nito sa balikat bago umalis. Aminado siyang masakit ang mawalan ng minamahal dahil nararamdaman nya iyon ngayon pero sya totoo ang nararamdaman nya ewan nya lang sa ama. “I love you Ella.” bulong nya sa kawalan hanggang sa makatulog sya. Magaan ang pakiramdam nya ng magising. Napanaginipan nya kasi si Ella naghihintay daw ito sa pagbabalik nya. Nasapo nya ang ulo ng bahagyang kumirot, dala ng sobrang pag-inom. Agad niyang tinungo ang banyo para maligo. Napatingin sya sa tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto. Ang tumawalyang yon ang ginamit ni Ella sa opisina nya. Inuwi nya talaga yon para ipalaba. Muli, napangiti sya ng maaalala ang nahihiyang nobya na nagsusumiksik sa hindi kalakihan tuwalya para takpan ang katawan. Tuloy tuloy sana siyang lalabas ng bahay ng madatnan nya ang ama na nagbabasa ng diyaryo. Hindi nya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para huminto sa harap nito.          Tiningnan sya ng ama na nagtataka. Naghihintay ito sa sasabihin nya.   “Im sorry Dad.” turan nya. Hindi pa rin ito kumikibo, kumurap kurap pa ang mata nito. Alam niyang hindi ito naniniwala na kinakausap nya ito ngayon.   “Hindi ba ako nananaginip?” tanong ng ama nya sa kanya. Nanlalaki ang mata nito. Hindi nya alam kong matatawa sya o maiinis.   “No Dad, hindi ka nananaginip.” nakangiti niyang sagot. Tumayo ito at niyakap sya ng mahigpit.   “Matagal kong hinintay ang araw na ito Brent. Im sorry son.” garalgal ang boses na turan nito. Hinagod nya ang likod ng ama.   “Its ok Dad. Alam kong hindi natutuwa si Mom sa pag-aaway natin. Its time to move on at harapin ang ngayon.”turan nya pa. Kumalas ito sa pagkakayakap at tinitigan sya.   “Sino ang taong naging inspirasyon mo at ng makapagpasalamat ako sa kanya?” tanong sa kanya ng ama na bahagyang ngumiti.   “Si Ella Dad pero sa ngayon maiwan ko muna kayo kailangan ko siyang makausap dahil kasal nya na bukas.” natatanta nyang sagot.   “Then, what are you waiting for? Go! Kunin mo ang babaing mahal mo bago pa bumalik ang pagiging masungit mo.” utos nito.   Hindi na sya sumagot sa ama dahil pinag-tulakan na siyang lumabas ng bahay. Ang totoo hindi naman si Ella ang pupuntahan nya kundi si Fe. Magtatapat na sya sa babae. Gusto niyang makausap ito. Kung kinakailangan na lumuhod sya dito para pakawalan sya gagawin nya. Gusto niyang maging malinis ang relasyon nila ni Ella kung sakali man na magkakabalikan sila.    Tumikhim muna sya bago nag door bell. Hindi alam ni Fe na darating sya kaya hiling nya na sana nasa bahay lang ito.    “Pasok po kayo Sir.”sabi sa kanya ng katulong. Niluwagan nito ang gate para nakapasok sya.    “Si Fe?” tanong niyang medyo kinakabahan.    “Nasa taas po, tatawagin ko nalang.”    Pinaupo sya ng katulong bago tinawag si Fe. Hindi naman sya nainip sa paghihintay dahil nakita nya na itong bumaba ng hagdan. Napabuga sya ng hangin. Agad itong lumapit sa kanya at hinagkan sya sa labi. Iiwas sana sya pero huli na.    “What happen? May problema ba?” nagtataka nitong tanong. “You look nervous.” dagdag pa nito.    “May gusto sana akong sabihin.”    “What is it?”    “Im sorry Fe.” turan niyang hindi makatingin ng diretso.    “Sorry for what?”    “May iba na akong mahal.” sagot nya. Hindi ito umimik sa sinabi nya.    “Fe, hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang magmahal ng iba. Hindi ko sinasadyang lokohin ka.”dagdag nya pa ng hindi ito kumibo.    “Pero ginawa mo.” madiing sagot nito. Matalim ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ramdam niyang galit ito.    “Maniwala ka Fe. Hindi ko sinadyang magmahal ng ganito. Alam mong ayaw kitang saktan.”turan nya pa.    “Akala ko sapat na ang pag-mamahal ko sayo. Lahat ginawa ko para sayo. Kung nasaan ka nandoon ako para hindi ka malungkot sa pagkawala ng Mama mo. Binigay ko sayo ang lahat ng pagmamahal ko pero kulang pa pala.” umiiyak na nitong sumbat. Hinawakan nya ito sa kamay.    “Wala kang kasalanan Fe. Sapat ang pagmamahal mo para sa akin. Ako ang may kasalanan and thank you dahil palagi kang nasa tabi ko.”    “Kilala ko ba sya?” tanong nito.    Tumango sya.    “My secretary. Sya ang mahal ko.”sagot nya.    “The girl in your office?” tanong nito kaya tumango sya ulit.    “Mahal ka ba nya?”    “Oo pero sinaktan ko sya. Hindi ko sinabing may girlfriend na ako. Dahil sa pagsisinungaling ko nawala sya sa akin.” garalgal ang boses na sagot nya.    “You need my help?” tanong nito na ikinalaki ng mata nya. Tinitigan nya ito.    “Anong sabi mo?” ulit nya.    “Tutulungan kitang magexplain kay Ella.” sagot nito kahit na umiiyak. Niyakap nya ito ng mahigpit.    “Im sorry kong nasaktan kita Fe. Nagpapasalamat pa rin ako dahil naunawaan mo ako. You deserve someone na mamahalin ka ng totoo at hindi ako yon.”turan nya pa.    “Masakit man na pakawalan ka tatanggapin ko. Ngayon lang kita nakita na ganyan kasaya kaya sino ba naman ako para hadlangan ang kasayahan mo? Napakaswerte sayo ni Ella.”turan pa nito habang tinatapik ang pisngi nya. Hinagkan nya ito sa noo bago nagpaalam.      Gumaan ang pakiramdam nya ng umalis sa bahay ni Fe. Napatingin sya sa pambisig na orasan. Alas dos na pala at hindi pa sya kumakain, kaya pala kanina pa nagwawala ang  mga alaga nya. Masaya siyang kumakain kahit na mag-isa. Ngayon lang uli sya kumain ng marami dahil parating alak ang kaharap nya nitong mga huling araw. Napaangat sya ng tingin ng may umupo sa bakanteng upuan sa mesa nya. Si Morgan. Ang sama ng pagkakatitig nito sa kanya kaya lumaban sya ng titigan. Lalaki sa lalaki.   “Parang wala kang nasaktang tao kung kumain ka ah?” pauyam nitong sabi sa kanya. Binagsak nya ang mga kutsara sa pinggan.   “Kung si Ella ang tinutukoy mo inaamin kong nasaktan ko sya pero babawi ako sa kanya. Mahal ko sya at alam kong mahal nya rin ako.” seryoso nIyang sagot dito. Napansin niyang nainis ito sa sinabi niya.   “Sa susunod na araw na ang kasal namin kaya wala ka ng magagawa. Kinalimutan kana ni Ella kaya pabayaan mo sya! Naging magulo ang buhay namin simula ng dumating ka. Kaya pwede ba umalis kana sa buhay namin lalo na sa buhay ni Ella!” galit nitong sabi. Napapatingin na tuloy sa kanila ang ibang costumer.   “Hindi ko ginugulo ang buhay mo dahil wala akong pakialam sayo!”sagot nya. Kulang nalang magsuntukan sila sa loob ng restaurant sa tindi ng galit sa isat isa. “Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pinipilit mo ang sarili mo kay Ella samantalang hindi ka nya mahal.”dagdag nya pa na lalong ikinagalit nito. Nakita nya ang pagkuyom nito sa kamao. Nagbabaga rin ang mga mata nito. Lihim siyang napangiti dahil naapektuhan ito sa sinabi nya.    “Ang mahalaga akin sya.”sagot nito.    “Babawiin ko sya.”banta nya.      Nagtagumpay sya sa binabalak. Nakuha nya muli ang tiwala ng mga magulang. Akala ng mga ito pinatay nya ang taong nakakita sa ina pero ang totoo nakiusap sya sa mag-asawa na umalis nalang sa lugar nila bago pa mapahamak ang buong pamilya nito. Nang una ayaw sanang pumayag dahil baka daw isa rin siyang aswang, nakumbinsi nya lang ang mag-asawa ng sabihin niyang tatakas din sya sa araw ng kasal nya. Inabutan nya rin ng pera mga ito bilang pasasalamat.    “Kung hindi dahil sayo tiyak na kalat na sa buong bayan ang itinatagong lihim natin. Mabuti naman at natanggap mo na ang itinakda.”nakangiting sabi sa kanya ng ina ng ibalita ni Morgan ang kabayanihang ginawa nya para sa pamilya.    “Nagising na po ako sa realidad na ang mga tao ay nilikha lamang para maging pagkain natin. Minsan na akong sinaktan ng isang tao kaya hindi na ako makakapayag na masaktan muli.” seryosong anunsyo nya sa buong pamilya. Napangiti ang ama nya maging ang mga magulang ni Morgan na kakarating lang.    Inakbayan sya ni Morgan.   “Ibig sabihin tuloy na tuloy na ang kasalan?”tanong pa ng ina ni Morgan.   Tumango sya bilang pagsang-ayon. Naghiyawan ang pamilya nya.   “Salamat dahil wala ka ng pagtutol sa mga nangyayari.” turan sa kanya ni Morgan ng mapagsolo sila.   “Dapat noon ko pa tinanggap. Sana hindi na ako nasaktan ng ganito.”sagot nya.   “Hayaan mo tutulungan kitang makalimutan sya.”turan pa sa kanya ni Morgan bago sya hinagkan sa noo.       Lihim siyang napangiti. Dahil umaayon sa kanya ang mga plano. Tatakas sya sa araw ng kasal nila Morgan habang abala ang mga tao sa paghahanda. “Mukhang masaya ka?” puna sa kanya ni Morgan. Kadarating lang nito dahil namili ito ng mga kakailanganin sa kasal nila. “Naisip ko lang na madali lang pala ang buhay kung tatanggapin mo ang kapalaran mo.”pagkakaila nya. “Ayaw ko sanang sirain ang gabi mo pero gusto ko lang maging tapat sayo. Nakita ko kanina ang Boss mo sa restaurant.”sabi nito. Napatigil sya at humarap dito. Ayaw niyang isipin nito na interesado pa sya sa lalaki kaya kahit na sabik siyang malaman ang tungkol sa lalaki nagpigil sya ng emosyong wag magtanong. “May kasama siyang magandang babae sa restaurant. Masaya silang kumakain habang nag-uusap at magkaholding hands pa. Muntikan ko ngang sapakin kung hindi lang nakakahiya.”sabi nito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili dahil sa sinabi nito, ayaw nyang umiiyak sa harapan nito. Tanggap nya namang ginamit lang sya ni Brent. Hindi hihinto ang plano nya kahit sinaktan sya nito. Lalayo sya sa mga taong nanakit sa kanya. “Hayaan mo sya, tanggap ko na niloko nya lang ako. Wag mo nalang ipaalala sa akin ang mga pagkakamali ko. Lalo lang akong nagagalit sa sarili ko.”sagot niyang nakatingin sa mga mata nito. Alam niyang tinitingnan nito ang reaksyon niya kung maaapektuhan pa sya. Kinabig sya nito at niyakap kaya niyakap nya rin ito.          “Pinapangako kong hindi kana masasaktan pa ng lalaking yon.”bulong sa kanya ni Morgan bago siya hinatid sa sariling silid. Kanina pa siya nagpipigil ng mga luha kaya ng makapasok sya sa sariling silid binuhos nya ang sama ng loob. Hindi nya na namalayang nakatulog siya sa labis na pag-iyak. Naalimpungatan sya ng may maramdamang kaluskos sa bintana. Napaupo sya sa kama at napalingon sa bintana. May anino siyang nakita sa labas ng bintana. Ang lakas ng kaba ng dibdib nya. Kumatok ito ng mahina. Hindi nya iyon pinansin pero ng marinig niyang tinatawag nito ang pangalan nya parang naging pamilyar sa kanya ang boses ng tumatawag. Kumabog muli ang dibdib nya. Nang masiguro niyang si Brent ang tao sa labas ng bintana dahan dahan niyang binuksan. Ayaw niyang makalikha ng anumang ingay. Agad na pumasok sa loob ng silid nya si Brent. Agad sya nitong sinalubong ng yakap.   “Anong ginagawa mo dito?” nataranta niyang tanong.   “Gusto kitang makita.”sagot nito na hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa kanya.   “Delikado ang ginawa mo. Paano kong makita ka ng mg aswang?” bulong nya pa.   “Hindi sila ang sinadya ko. Mas matatakot ako kung ikaw ang mawala sa akin.”sagot pa nito na kinulong ang mukha niya sa palad nito.   “Paano mo nalaman na ito ang kwarto ko?” tanong nya.   “Nakita ko kayo kanina ni Morgan. Bukas ang bintana kaya nakita kita na dito ka pumasok.” sagot nito. Hindi nya alam kong magagalit ba sya dito o matutuwa dahil sinadya sya nito. Mas nakaramdam siya ng takot sa pagpunta nito sa bahay nila. Paano nalang kung nakita ito ng pamilya nya? Tiyak na papatayin ito.     “Im sorry Ella. I love you. Im dying kung mawawala ka sa akin. Inayos ko na ang lahat sa amin ni Fe wala na kami.” natataranta nitong paliwanag sa kanya. “Nakita kayo kanina ni Morgan, kasama mo raw si Fe sa restaurant at masaya kayong magkaholding hands.” kompronta nya dito kahit na ang totoo gustong gusto nya ito yakapin at pugpugin ng halik. “Liar. Wala akong kasama kanina. Oo nagkita kami ni Morgan sa restaurant pero ako lang mag-isa. Hnid ko kasama si Fe. Tapos na kami.” paliwanag pa nito. Hindi nya na napigilang umiyak. Niyakap nya ito ng mahigpit. Gusto niyang magmatigas pero iba ang sinisigaw ng puso nya. “Miss na miss kita Sweetheart. Kung alam mo lang hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip sayo. Sorry kung nasaktan kita at sana mapatawad mo na ako. Siguro natakot lang ako na mawala ka sa akin dahil kay Morgan kaya ako nagkaganun.”turan pa nito. “Ang mahalaga nandito kana. Akala ko hindi kita mapapatawad hindi pala dahil hanggang ngayong mahal na mahal pa rin kita. Ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.”sagot nya. Siniil sya nito ng halik. Tumagal ang halik nito. Mas magkakaroon na sya ng rason para lumayo sa pamilya. Ngayon nagkaayos na sila ni Brent dapat lang na nakatakas sila sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat. “I love you Ella.” “I love you too Brent.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD