CHAPTER 28 Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa mga oras na 'to. Nagtataka ako kung bakit niya hinalikan 'yon. Ano'ng ibig sabihin nun? "Pilit ko silang inaangat, pero ako naman ang lumulubog." naiiyak na sambit ko. Patuloy niya lamang na hinahalikan ang aking palad. "Binibigay ko naman lahat. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko, pero bakit kulang pa rin para sa kanila? Ubos na ubos na ako para lang mabuo sila. Kahit wala ng matira sa akin basta nasa maayos silang kalagayan." tumigil ako sa pagsasalita at humikbi. Kapag ganito na ang pinag- uusapan nawawala ang pagiging makulit ko. Lumaki akong makulit na bata. Kaya hindi nila napapansin kung gaano kabigat ang dinadala ko. "Inuuna ko sila kesa sa sarili ko. Pero hindi pa rin nila makita ang tunay na halaga ko." inuuna ko ang panga

