CHAPTER 29 Hindi ko mabilang kung ilang beses na nangalabit sa akin si sir Frederick habang nasa byahe kami. “Tumigil ka, malapit na akong mapikon sa 'yo.” banta ko sa kanya nang panay ang kalabit niya sa akin. “Isa,” “Dalawa,” kumalabit pa rin ito. “Tatlo,” kumalabit ulit “Apat, kapag umabot ng lima ewan ko kung ano ang magagawa ko sa 'yo.” Nang makarating na kami sa beach ay napaawang na lang ang labi ko sa aking nakita. Ang turquoise na tubig ay umaabot hanggang sa abot- tanaw. Pino ang mga puting buhangin na yumayakap sa aking mga paa. Ang mga matataas na puno ng niyog, makapal ang mga berdeng dahon, at marami ang mga bunga ng puno. Ang hangin ay nakatigil at matamis, ang amoy ng asin at mga tropikal na bulaklak ay dinadala ng isang mahinang simoy. Walang tao kahit sino maliba

