CHAPTER 56 “I can really do it, Cecilia. Come on,” sa kanilang dalawa, si Ronnie ang mas marunong mag- igib ng tubig. At kahit sinabi niyang kilala ko siya, sa ngayon ay wala pa akong maalala na kahit ako kaya nahihiya akong magpatulong sa kanya. Lalo na dahil sinabi niya sa aking dati ko siyang boss. At ngayon uutos- utusan ko lang siya? “Frederick, si Ronnie na lang.” pigil ko sa kanya. Wala pa akong ligo, toothbrush, at kahit hilamos man lang. Ngunit nakaharap na ako sa kanila ng ganito kaaga. At talagang nagtatalo pa kung sino ang mag- iigib ng tubig sa kanilang dalawa. Naguguluhan na ang utak ko sa kanila. “Tama si Cecilia, pare. Kaya ko na 'to, rito ka nalang sa loob at hintayin mo na lang akong dumating.” kumunot ang noo ni Frederick at handa na sanang magsalita upang saguti

