CHAPTER 57 เซซิเลีย Dati, noong highschool pa lang ako, mahilig kami ng mga kaklase kong magsulat ng mga pangalan namin gamit ang lennguwahe ng ibang bansa. Kaya nang makita ko ang tattoo niya sa dibdib niya, hindi na ako naguluhan kong ano ang meaning nun. Alam ko na agad. Galing sa Thailand iyon, at isa lang ang ibig sabihin, Secilia. . . pangalan ko. Pangalan ko ang nakalagay sa dibdib niya. Isang kakaibang halo ng pagtataka at pagkalito ang bumabalot sa akin. Ang Frederick na nasa harapan ko ngayon ay ibang- iba sa sinabi niya. Ang sabi niya boss ko siya? Ang mga kilos niya, hindi ko masasabing naging boss ko siya dati. Sino nga ba siya sa buhay ko? Boss ba talaga? Narinig ko ang mahinang pasasalamat ni nanay, “Salamat sa pagtulong sa pag- igib, Frederick.” “Wala pong problema.

