CHAPTER 58 “Anong pinagsasabi mo? Anong nabubuhay?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Gumalaw ang isang kamay niya na hindi ko hawak. Sinundan ko ng tingin kung saan papunta iyon. At nakita kong tinaas niya ang kanyang kamay. Upang ayusin ang strap ng suot kong damit. Nagulat ako sa ginawa niya kaya dumiin ang hawak ko sa kamay niyang may sugat. “Aw! It hurts, Cecilia.” reklamo nito sa akin sabay agaw sa kamay niya. “Nanghahawak ka kasi! Nagulat tuloy ako!” kinuha kong muli ang kamay niya para punasan iyon pero hindi na niya binalik pa sa akin. “Akin na! Dumudugo pa rin! Punasan natin!” akmang aagawin ko ulit pero iniwas niya ang kamay niya. “'Wag kang yumuko, nakikita ko.” ngumuso siya upang ituro ang dibdib ko. Napahawak agad ako sa dibdib ko upang takpan iyon sabay hampas sa kany

