CHAPTER 50 “What happened to your face, Cecilia? Bakit namamaga 'yan?” sa tanong pa lang ni sir Frederick ay pakiramdam ko tutulo na ang luha ko. Gawa 'to ng mommy mo. Kaya kung gusto mong 'wag madagdagan ang pasa ko, 'wag mo na akong lapitan at kausapin, sir. “Masakit po ngipin ko, sir.” tipid na sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pinggan. Nasa gilid ko siya at pinapanood ako. Wala akong sinabihan kahit kanino nang lumabas ako ng kwarto ni Ma'am Bernadine kanina. Pinapasok niya ako sa banyo niya upang linisin ko ang sarili ko. “Don't fool me. What happened to your face, Cecilia?” “Masakit nga ang ngipin ko, sir.” napangiwi ako nang kumirot ng kaunti iyon. May sugat ang gilid ng labi ko. Pero binigyan ako ni ma'am Bernadine ng concealer para matakpan iyon. “I

