CHAPTER 51 Nung gabing 'yon, naisip kong tumakas sa puder nila. Buhay ng magiging anak ko ang nakasalalay dito. Alas dos na ng madaling araw. Tahimik ang aming kwarto at mahimbing na ang tulog ng mga kasama ko. Isang maliit na bag lamang ang dala ko, ang laman ay ang mga mahahalagang bagay na kailangan kong dalhin. Maraming damit ang naiwan, ang mga binigay ni ma'am Pia ay hindi ko na dinala. Lima libong piso lamang ang hawak ko. At hindi ko alam kung saan ba ako patungo ngayon. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Ang mahalaga ay makaalis ako dito. Maingat akong lumabas ng kwarto namin. Bawat hakbang ko ay sinisikap kong ‘wag makagawa ng tunog. Kulay itim ang suot kong damit, at kulay itim din ang pantalon ng sa ganoon ay hindi ako makita. May isang daan sa likod ng

