CHAPTER 52 C E C I L I A' S POV “Kalahati lang? Isang kilo na lang para maubos na, pogi! 350 na lang 'to, 400 'yong benta ko sa iba.” nilagay ko na sa lagayan upang makilo ko na 'yon. “Sige na nga! Ang galing mo talagang mambola!” tumawa ako bago nilagay sa plastic ang isdang binili niya. Inabot niya sa akin ang five hundred pesos kaya binigyan ko siya ng sukli. “Salamat po! Balik po kayo sa susunod!” Lumingon ako kay Nanay Dalia nang umubo ito. “Cecilia, anak, ako na muna d'yan, kumain kana.” Nakaupo siya sa kanyang wheelchair. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang isang bangungot na aksidente sa amin. Si Nanay Dalia ay nagkaroon ng problema sa kanyang paa kaya tatlong taon na siyang hindi nakakalakad. Si tatay naman ay kamay niya lang ang nagkaroon ng problema a

