CHAPTER 53 “Kilala n'yo po ako?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Ito ang unang beses na may taong hindi ko kilala pero kilala niya ako. “Of course, kilalang- kilala kita. Why? You don't remember me?” matagal akong nakasagot dahil tinitigan ko siya sa kanyang mga mata bago ako sunod- sunod na umiling. “Sorry po, hindi ko po kayo maalala. Pasensya na po talaga.” paghingi ko ng paumanhin dito. “May amnesia ang anak ko. Kilala mo ba siya? Anong pangalan mo?” sumingit si nanay sa usapan namin. “My name is Caleb, Caleb Monteverde. Tama nga ako, ikaw ang nakita ko kahapon. Buong akala ko namamalik- mata lang ako. Fvck, my friend will be happy with this.” wala pa rin akong maalala kahit binanggit na niya ang pangalan niya. Kung kilala niya ako, malaki ang posibilidad na marami siyang alam

