KABANATA 4

1068 Words
Lunes, nagmamadali na naman ako pumasok dahil ngayon darating ang mga apo ni Mrs.Fuentilla sa Kompanya,at tulad ng madalas mangyari late na naman  ako sa trabaho dahil di ko alam kung ano oras na ako nakatulog kagabi dahil pinag-aralan ko pa lahat ng binigay ni Madam sa akin kaya tinanghali na naman ako ng gising,dumeretso agad ako sa office ni Mrs.Fuentilla pero biglang napaatras ako ng pagbukas ko ng pinto mabungaran ko ang tatlong naggwagwapuhang lalaki na kanya kanyang nakaupo sa  sofa na nasa loob ng opisina ni Maam para silang mga artista.. ''Good morning po'' ..Nasabi ko na lang sa pagkapahiya ko sa kanila dahil sabay sabay na lumingon ang mga ito sa akin pagbukas ko ng pinto.. ''Good morning'' ..nakangiti bati sa akin ng may singkit ang mata sa kanila ''Hi''..bati naman sa akin ng medyo cute sa kanila siya yung may dimples'' ''Sorry po.. I'm 20 mins late po'' ..Nagkabulol  bulol na sabi ko ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko sa sobrang kaba. ''20 mins late?late pa din yun di ba?'' sabi ng pinaka gwapo sa kanila pero pinaglihi ata sa sama ng loob dahil di man lang ngumiti sa akin at napakasungit pa nakaupo siya sa swivel chair ni Mrs.Fuentilla at alam ko siya na nga si Sir.Cody Fuentilla.. ''Sorry Po Sir,I'm Casey Paz po pala secretary of Mrs.Fuentilla'' ..nakangiti sabi ko pa din sa masungit na mukha nito ni hindi man lang ako nginitian. ''Im hunter, Miss Paz'' ..sabi ng cute na lumapit sa akin at nakipag kamay ''And I'm Auston ,Miss Paz.''. nakangiti sabi sa akin ng may singkit ang mata ''So.. may ideya kana kung sino ang boss mo Miss Paz?'' ..nakangiti sabi sa akin ni Hunter ''Mag eexit na kami ni hunter,ikaw ng bahala kay Cody. Miss Paz,.goodluck'' sabi naman ni auston na inakbayan na si hunter at lumabas na ng pinto.  - Kinakabahan pa din ako ng magsalita si Sir Cody ''tatayo kana lang ba diyan?'' ..Masungit na sabi nito sa akin at tinitigan ako ng maigi nailang naman ako sa pagtitig niya parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga oras na ito ang gwapo niya kahit nagsusungit siya.. ''ah Sir, heto po mga schedule niyo ngayong araw at heto po yung mga pipirmahan niyo'' ..sabay abot ko dito ng folder nakasulat lahat doon ang mga schedule ni Sir na ibinilin sa akin ni Mrs.Fuentilla. - Tinignan lang ni Sir Cody ang nakasulat sa loob ng folder at tinignan ako nito ''Be ready at 1:00 pm may kikitain tayong tao''  ''Po?pero Sir di po kasi ako sinasama ni Maam sa mga meeting niya, madami po kasi ako iencode na mga files lalo na araw po ngayon ng Lunes''...Mabilis na sagot ko dahil yun ang naging trabaho ko kay Maam bilang secretary niya taga encode,taga ayos ng files at schedule niya pero never niya ako sinasama sa mga meeting niya dahil ayaw na daw niya ako maistorbo sa trabaho ko kung kaya naman niya,ganun kabait sa akin si Maam pero itong isang ito mukhang pahihirapan ako. ''So.. kay Lola ka humingi ng sahod mo,.. leave'' Pagsusungit na naman nito sa akin na kina bigla ko ''ah..'' Natunganga ako sa sinabi ni Sir Cody sa akin gusto ko sana tarayan ito pero natakot ako baka hindi nga siya ang magbigay ng sahod ko. ''What?''..Nakakunot ang noo sabi pa nito. ''Nothing Sir,sasama po ako ng 1:00'' ...nasabi ko na lang sa kasungitan ng lalaking ito tumango lang siya sa akin.   Wala ako nagawa ng sumapit ang ala una hinantay ko si Sir sa labas ng opisina niya,buti na lang nakakain na ako sa Canteen sa baba halos 30 mins ko na siyang inaantay sa labas ng opisina niya ng maisipan siguro nito lumabas na dun,tinignan lang ako nito at pinasunod sa kanya, tahimik kami sumakay ng sasakyan niya ng nasa parking area na kami at walang imik ito pinaandar ang makina ng sasakyan niya inabala ko na lang ang paningin ko sa daan.Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant nandoon daw ang kikitain ni Sir,nagulat ako ng si Mrs.Fuentilla pala ang ka meeting ni Sir Cody, agad ako niyakap nito ng makalapit kami sa kinauupahan nitong table. ''Maam, kayo po pala ang ka meeting ni Sir''..tuwang tuwa sabi ko kay Mrs.Fuentilla na parang lola ko na din. ''Oo iha pinasama talaga kita dito,sige na umupo na kayo''..sabi nito di maalis ang ngiti sa labi nakatingin lang sa amin si Sir Cody. Naupo ako sa tabi ni Maam,nasa harap naman namin si Sir Cody ''How's your day iho?''..Pagtatanong  ni Maam sa masungit niyang apo. ''Kumain na muna tayo La at sa bahay na lang natin pag-usapan yan'' Masungit na sagot nito,bad mood ata ito.. ''Ang sungit talaga ng batang ito,sige na umorder na kayo..''nakasimangot na sabi ni Maam. Masaya kami nag-uusap ni Maam,abala naman si Sir Cody sa pagpindot ng Cellphone nito..Ilang minuto lang dumating na ang iniorder ni Maam,kahit kumain na ako kanina wala akong nagawa lindi kumain muli.,habang kumakain hindi tumitigil si Maam ng kakatanong sa akin. ''Iha ano sinungitan ka ba agad nitong apo ko?'' Pagtatanong bigla sa akin ni Mrs.Fuentilla ''po.,hindi naman po masyado Maam ang bait nga po ni Sir''..halos bulong na sabi ko kay Maam para hindi ako marinig ni Sir seryoso pa din ito kumakain. ''naku sabihin mo sa akin kapag pinahirapan kanyan ah''..Nakangiting sabi sa akin ni Mrs.Fuentilla ''I can handle Maam,dont worry po kayang kaya ko siya''..  sabi ko kay Mrs.Fuentilla at lumingon ako kay Sir muntik na ako mabilaukan ng makita kong nakatingin pala siya sa akin napaubo tuloy ako. ''ayos ka lang iha''..alalang tanong ni Mrs.Fuentilla sa akin na inabutan ako ng tubig. ''okey lang po ako Maam''...hindi ko na tuloy tinapos ang pagkain ko at hindi ko na din ako tumitingin kay Sir,bakit ganun siya makatitig sa akin nakakatakot pero ayos lang na titigan niya ko kung ganun kagwapo ba naman sino ako para umayaw,hindi ano ba itong naiisip ko trabaho ang dapat kong isipin at kung paano ko makakasundo ang mga bagong boss ko lalo na ang isang ito. Lumipas ng ilang oras ang pakikipag-usap sa amin ni Maam Fuentilla,nagpaalam na rin ito sa amin bumalik na rin kami ni Sir Cody sa Kompanya at habang nasa daan ay hindi ako mapakali sa kinauupuan ko feeling ko kasi nakatitig sa akin si Sir hindi ko na lang pinansin at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD