Cody Pov
Dalawang buwan na ako sa Kompanya ni lola nakakapag adjust na rin ako kahit papaano dahil
sa tulong na rin ni Casey sa akin na kahit madalas kong sungitan at pagalitan ay mukhang bale wala
naman ito sa kanya,maayos pa din siyang magtrabaho at magalang na sumusunod sa akin.Naudlot ang pagpapahinga ko dito sa bahay ng tumunog ang cellphone ko, tumawag ang pinsan kong si Auston.
."yes bro? sagot ko dito
"Nasan kana,we are waiting you here?..Sabi nito na di ko na masyadong marinig dahil sa maingay tugtugin sa paligid nito at mukhang nasa bar na naman sila..
''saan?''sabi ko na lang,patay malisyang sabi ko.
"Saan pa dito sa bar ni Paul,kanina ka pa namin inaantay"..Irita sagot nito sa akin
"Sorry bro nakalimutan ko,sunod na ako.''..Sabi ko na lang sa pinsan ko,may usapan nga pala kami ngayong araw nakalimutan ko,. wala kaming pasok sa trabaho ngayon dahil nag daday off kami tuwing sabado.Nagkayayaan kasi kami magpipinsan na magkita kita sa bar ni Paul na kapatid ni Auston.Birthday kasi nito ngayon,madalas kami nagbobonding na magpipinsan pag off sa trabaho ng mga ito.Mabilis na ako nagbihis,nagpantalon at polo shirt na black lang ako,sumakay na agad ako sa aking ferrari at pinaandar na ito ng mabilis para maabutan pa ang mga pinsan ko..
Casey Pov
"Bakit dito tayo nagpunta?'...Masungit na sita ko sa mga kaibigan ko ng dalhin nila ko sa bar,sa dami ng tao at sa lakas ng tugtog ng kanta sa dance floor ay halos sumigaw na kami para magkarinigan.
"Pagbigyan mo na kami birthday naman ni trish ngayon at minsan lang tayo magkita kita ano''..Sabi ni mace na napapaindak na sa tugtugin.
"oo nga naman girl''..Sabi ni Trish sa akin
"pero alam niyo naman di ako mahilig sa ganito kung nagmall na lang tayo o kaya nanuod ng sine matutuwa pa ako"...Nakanguso sagot ko
"chill lang girl uwi din tayo ng 10 wala kana mang pasok bukas e at isa pa makapag enjoy ka man lang malay mo may makilala kang gwapong lalaki diyan o kaya si Mr.Right na pala'' - Mace
''Hindi ko hinahanap si Mr.Right kusang darating yun''.. irap ko dito
''di mo ba kami na miss?''..Pagpapacute na sabi naman ni trish
"syempre miss,at parang di tayo nag uusap usap sa phone halos araw araw niyo nga akong tawagan,madrama talaga kayo"
"pero iba pa din pag magkakasama tayo tatlo nakakamiss kaya yon lalo na nung apat pa tayo,,ay oh sorry bigla ko lang kasi naalala.. '' Sabi naman ni mace,mukhang naalala nito si Glenda,wala na kasi kaming naging balita sa kanya .
"sige na wala naman na ako magagawa dahil nandito na tayo basta hanggang 10 lang ako,wala kasama si mama sa bahay at ayokong magalit siya sa akin.''Final na sagot ko.
Makalipas ang ilan minuto naiwan ako mag isa sa table namin magkakaibigan dahil ang dalawang Bruha hayun sa gitna at nakikipagsabayan na ng indakan sa mga babae at lalaki sa dance floor,naparami ata ako ng inom sa alak na hindi ko alam kung ano ang pangalan dahil beer at wine lang ang mga kilala kong alak na madalas makita ko sa mga party at handaan,umiikot na ang paligid ko ng lapitan na ako ng dalawang kaibigan ko.
"Casey,ayos ka lang?'..Tanong sa akin ni Mace
"Tapos na ba kayo?hindi ko na ata kaya nahihilo na ako ,gusto ko ng umuwi"..papungas pungas na sabi ko parang babaliktad na ang sikmura ko.
"Paano naman kasi bakit inubos mo yang alak na yan,hay naku ka talagang babae ka kahit ano ata painom sayo agad malalasing ka" ..Sabi ni trish na inalalayan na ako tumayo.
"Kaya ko pa naman tumayo at maglakad kaya tara na umuwi na tayo" Sabi ko sa kanila na nauna na ako maglakad kahit nahihilo na ako.
Cody Pov
Nakita ko tumayo na sa kinauupuan si Casey at sa tingin ko ay lasing na ito nakasunod naman sa kanya ang dalawang babae na sa tingin ko ay mga kaibigan niya,pagdating ko dito kanina sa bar kung na saan ang mga pinsan ko ay agad na napansin ko siya at simula pa kanina ,siya na lang ang tinignan at pinagmasdan ko baka kasi may lumapit na sinong lalaki dito at bastusin pa siya.Tumayo na Ako para magpaalam na sa mga pinsan ko baka kasi di ko na maabutan sa labas si Casey gusto ko lang ligtas siyang makauwi sa kanila pumayag naman ang mga pinsan kong mauna na sa kanila,lumabas na ako ng bar at agad hinanap ng mata ko si Casey ,nakita ko ang mga ito nasa gilid ng kalsada sa tapat ng isang kotse,iniwan na siya ng dalawang babaeng kasama niya mukhang ayaw na niyang magpahatid sa mga ito kaya nauna na ang dalawa sa kanya, naglakad si Casey at sumandal sa may poste ng ilaw at doon nagsusuka hindi na ako nagdalawang isip pa nilapitan ko na ito.
"Ayos ka lang"..tanong ko dito,hindi naman ito lumingon sa akin .
"Im okey just leave me alone"...Sagot nito sa akin, nagpunas ito ng labi gamit ng panyong hawak niya at Akmang maglalakad na ng ma out of balance ito buti na lang agad ko siya naagapang hawakan sa bewang,napatitig ito sa akin at kumurap kurap mukhang kinikilala niya ako.
Sir?Sir Cody?..Sabi nito sa akin na hinaplos pa ang mukha ko kinabigla ko naman ng pinisil pisil niya ang pisngi ko.....Oy si..r....sirrr ikaw ba yan?....lasing na sabi pa nito.
''Lets go ihahatid na kita sa inyo''...Sabi ko dito na inalalayan ito makatayo ng maayos at inalalayan ko na din sa paglalakad,agad ko siyang pinasok sa loob ng sasakyan ko,sinuot ko ang seatbelt sa kanya at pinaandar ko na ang sasakyan sinulyapan ko pa siya bago kami umalis nakapikit na ito at mukhang nakatulog na dahil na rin siguro sa kalasingan,buti na lang nakakuha na ako ng impormasyon tungkol sa kanya kaya alam ko na kung saan ko siya ihahatid,oo humanap ako ng mga impormasyon tungkol sa kanya dahil unang araw pa lang ng pagkikita namin alam kong siya yun..Ang babaeng hanggang ngayon tinatago ko pa ang larawan sa wallet ko .
''Ilang minuto lang nasa tapat na kami ng bahay nila Casey huminga muna ako ng malalim bago nagdoorbell sa may gate,agad naman akong pinagbuksan ng babaeng hawig na hawig ni Casey na kilala ko din ang Mama niya, hindi ko lang alam kung makikilala pa ako nito nagyon halos ilan taon na rin kasi ang nakalipas.
"Magandang gabi po Maam"..Bati ko sa ginang na nagbukas sa akin ng pinto,napatitig naman ito sa akin .
"Sino kailangan mo iho?"...Nagtatakang tanong pa nito sa akin at pinaikot ang tingin sa paligid akala ata niya naliligaw ako..
"inihatid ko lang po si Casey Maam,mukhang nalasing po ata siya sa bar"...sabay turo ko sa sasakyan ko.
"ano?hala Casey ikaw talagang bata ka..''....Sabi nito na naiinis at lumapit na sa sasakyan ko binuksan nito ang pinto at inalalayan si Casey makalabas,tinulungan ko na din siya dahil sigurado akong hindi nito kayang buhatin si Casey mag isa.
- Inihiga ko si Casey sa sofa sa may sala ng bahay nila,titig na titig naman sa akin ang ginang na alam kong kinikilala ako..
"Iho salamat ah,saglit kasama mo ba si Casey?sina Mace magkakasama ba kayo?..Naguguluhang tanong nito sa akin.
''Ah hindi po,nakita ko lang po siya sa labas ng bar nagkataon din po na andun ako ako sa lugar na yon kasama ko po ang mga pinsan ko ''
"ganun ba,ibig sabihin magkakilala kayo ng anak ko dahil inihatid mo siya?boyfriend ka ba niya? kaibigan?katrabaho?...Sunod sunod na tanong nito sa akin.
"Opo magkakilala po kami,by the way ako po ang boss ni Casey Maam"..Nakangiti sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya.
''Hala!Sir pasensiya na kayo sa anak ko hindi naman talaga umiinom yan nag kayayaan lang sila magkaka
Ibigan kaya nag-inom pero mabait na bata po yan''sabi nito akala siguro niya paaalisin ko na sa trabaho ang anak niya.
"Okey lang po yun huwag po kayo mag alala,ako nga po pala si Cody,Cody Fuentilla po"..pagpapakilala kong muli dito gusto ko din malaman kung natatandaan pa niya ako kaya sinabi ko na dito ang pangalan ko....
Fuentilla?(nag-iisip na sabi nito) kaano ano mo si Nenita Fuentilla?...Tanong nito sa akin na kinangiti ko dahil kilala pa niya si Lola.
"lola ko po siya''..nakangiti sagot ko.
'' iho..ikaw yung bata laging nagbabakasyon sa kanila hindi ba,dating nakatira ang lola mo sa kabilang
Village sa may kabilang kanto ,,sa tabi ng bahay ng lolo ni Casey ?
"Opo,actually diyan na po si lola uli ngayon nakatira, inayos ko po yung bahay niya para sa kanya,'' ....Nakangiti sagot ko dito.
"Oo bago na nga ang bahay na nakatayo dun,akala ko nga ay may nakabili na sa lupa nila doon,si Maam Fuentilla pala uli ang titira doon,hindi mo ba ako natatandaan iho?''tanong nito sa akin.
"Tanda ko po kayo Maam,kayo po yung lagi nagdadala ng kakanin sa bahay nila lola nun"...Nakangiting tugon ko,madalas kasi siya nagtitinda ng kakanin noon at napapadaan siya sa bahay ni Lola kaya bumibili kami magpipinsan sa kanya.
"oo ako nga, si Casey siya ung lagi kasama ko magtinda nun yung batang babaeng mahiyain yung nagpapa iwan lang sa gate dahil ayaw pumasok sa bahay ng lola mo,''..Sabi nito na kinalingon ko kay Casey na nakahiga sa sofa.
"opo,hindi ko lang po agad nasabi kay Casey ng unang pagkikita namin na kilala ko po siya dahil hindi pa po ako sigurado kung siya nga po iyon at mukhang di na rin po niya ako natatandaan kaya di ko na lang din po sinabi sa kanya.''
''pagpasensiyahan mo na ang anak ko makakalimutin na din kasi yan kahit napabata pa,at pasensiya kana kung naistorbo kapa niya pero buti na lang at ikaw ang nakakita sa kanya dahil nagkakilala uli tayo.''
''wala po yun''..
Pagtapos namin mag usap ni Mrs.Paz ay nagpaalam na rin ako sa kanya nangako akong papasyalan na lang uli siya pag nagkaroon ng pagkakataon .Hindi ko alam kung bakit di mawala ang ngiti sa labi ko ng makasigurado ako si Casey yun,ang batang babaeng matagal ko na gusto makaharap muli,siguro nga di ko talaga siya kinalimutan,may bahagi ng puso ko ang sobrang saya ngayon.