KABANATA 6

2046 Words
 Casey Pov nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko,bumaba na ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig,iniisip ko pa din kung paano ako nakauwi  ng maayos kagabi,naabutan ko si Mama na nagluluto ng paborito kong sinigang na hipon.Agad ako kumuha ng tubig sa refrigerator at lumapit kay Mama sa mesa,naupo ako sa tabi niya habang hawak ang baso may lamang tubig at hinihilot and sentido ko. ''Good morning Ma''..Bati ko sa Mama ko seryosong nanghihiwa ng sibuyas at alam kong sesermunan ako nito. ''bakit lasing ka naman umuwi kagabi?''..sabi ni mama na huminto sa kanyang ginagawa nakapamewang ito habang sinesermunan ako sabi ko na nga ba wala akong ligtas.. '' sorry na ma minsan lang po kami magkayayaan, at isa pa birthday naman po kahapon ni Trish kaya pinagbigyan ko lang po siya ''nagpapaawa sabi ko dito na niyakap pa siya... ''Okey lang naman sakin anak makipagkita ka sa mga kaibigan mo ang akin lang dapat hindi na kayo umiinom,lalo na ikaw dahil hindi ka naman sana'y uminom ng alak ni hindi mo alam kung ano ng nangyayari sa paligid mo pag lasing ka'' ''sorry ma di ko na rin po yun uulitin na magpakalasing Ma,pero maayos naman po ako nakauwi kagabi di ba Ma?inihatid pa nga ako ng mga kaibigan ko kaya tignan niyo maayos ako nakauwi.''sabi ko kay mama na umikot pa sa harap niya para makita niyang walang nangyari sa aking masama. ''Anong inihatid ka nila?hindi mo alam kung sinong naghatid sayo dito kagabi?ay lasing ka ngang bata ka''..nakataas na ang kilay ni Mama sa akin. ''Hindi po ba sila Mace at Trish?nakasakay po ba ako sa taxi Ma?Ah saglit may naalala ako ma,may lalaking lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko parang si.......si Sir?..sabi ko habang iniisip pa din kung si Sir Cody nga ang nakita ko kagabi pero imposible na naroon sa bar ang isang yun. ''Sinong Sir?''..nakatingin pa rin sakin si Mama na nag- aantay ng susunod na sasabihin ko. ''Si Sir Cody po Ma,parang nakita ko po siya kagabi e,pero imposible andun yung masungit na yun baka imahinasyon ko lang pero parang siya talaga Ma hinawakan ko pa nga ang mukha niya''...pabulong bulong na sabi ko ''Si Cody nga ang naghatid sayo kagabi'..'walang ngiti sabi ni Mama at tinalikuran na ako dahil naghugas ito ng kamay sa lababo sumunod naman ako ng lakad dito. ''totoo Ma?''..nanlalaki ang matang tanong ko kay Mama ''oo siya nga,nakakahiya nga sa tao at inabala mo pa,magpasalamat kana lang din at siya ang nakakita sayo sa labas ng bar na yun dahil kung ibang lalaki yun baka kung anu pang di maganda ang nagawa sayo,naku kasing  bata ka pag inulit mo pa talaga yan ewan ko na lang sayo,makakarating sa papa at kuya mo yan pag inulit mo pa''..naiinis na sabi ni mama na pinagpatuloy na ang pagluluto ''Ma totoo si Sir?''hindi pa din ako makapaniwalang tanong ko kay Mama,.si Sir Cody talaga ang naghatid sa akin pero anong ginagawa niya doon. ''ano ba at ginawa pa ko sinungaling ng batang ito.Siya nga naghatid sayo'' ''Hala Ma!,nakakahiya po.'.'impit na sabi ko hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya. ''Nahiya ka pa talaga,,baka mas lalo kang magtitili diyan sa sasabihin ko pa sayo''...Nakangiti pang sabi ni mama sa akin. ''Anu naman po yun Ma?nasukahan ko po ba siya?may nagawa po ba ko sa kanya''..sabat ko sa sasabihin ni Mama .. ''patapusin mo muna ako pwede,naalala mo yung kapitbahay ng lolo mo diyan sa kabilang kanto?,di mo man lang nabanggit sa akin ang pangalan ng Madam mo ay  Mrs. Nenita Fuentilla,siya yung kapitbahay ng lolo mo may ari ng malaking bahay ,at si Cody apo niya,isa siya sa  mga batang lalaki naaabutan natin dun sa malaking bahay na pinapakyaw ang pichi piching dala ko tinitinda natin,tanda mo anak?''..mahabang sabi ni Mama. ''Sila yun Ma?,kaya pala pamilyar sila sa akin,,pero bakit di ko agad sila nakilala,sa bagay Ma ilang years na rin kasi ang nakakalipas kaya nag iba na hubog ng mga mukha nila mas lalo sila gumwapo.Paano na ako haharap nito sa kanila lalo na kay Sir Cody Ma''..napapahiya sabi ko kay Mama. ''ang sabihin mo makakalimutin ka talaga,buti pa nga si Cody naaalala ka pa,kaya nga nakapagkwentuhan pa kami kahit saglit lang kagabi,humingi ka ng pasensiya kay Cody baka tanggalin ka nun sa trabaho,ikaw din minsan dadalawin ko si Mrs.Fuentilla pag pinuntahan ko ang lolo mo sa kabilang Village.'' ''opo Ma magtetext na lang siguro ko sa kanya,pero bakit po diyan na po uli nakatira si Mrs.Fuentilla? ''takang tanong ko sa huling sinabi ni Mama. ''oo bumalik na daw diyan at si Cody daw ang gumawa ng bagong bahay ng lola niya,biruin mo yun  inhinyero pala yang si Cody at natutuwa ako sa kanya kasi handa siyang talikuran ang pangarap niya para lang sa lola nila,sobrang mapagmahal na apo''. Pagtapos namin mananghalian ni Mama agad-agad akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang cellphone kong  nakacharge sa side table ng room ko,di ko alam kung tatawag ba ako kay Sir Cody o itetext ko na lang siya,nahihiya ako sa nagawa kong pang aabala sa kanya kagabi,wala din naman akong lakas ng loob na tawagan ito kaya nagtipa na lang ako ng message sa kanya humingi ako ng paumanhin sa kanya sa pang-aabala nagawa ko kagabi. Cody POV Katatapos ko lang maligo ng makareceive ako ng text mula kay Casey at mukhang nahuhulaan ko na ang laman ng mensahe niya sa akin. ''good morning Sir,Thank you po last night at sorry po na naabala ko pa po kayo..''napangiti ako sa nabasa ko. - Lunes,maaga ako pumasok dahil marami akong mga papeles na pipirmahan,pagpasok ko sa opisina ko nadatnan ko ang mga pinsan kong mga nakaupo sa sofa habang abala sa pagpindot ng mga cellphone nila di ko sila pinansin at agad na nagtungo sa table ko naupo ako sa swivel chair at sinimulan agad buklatin ang mga folder na nakapatong sa table. "Good morning bro andiyan kana pala,ni hindi mo man kami pinansin"..Nakasimangot na sabi ni hunter na alam kong may naiisip na naman kalokohan. "Ano bang ginagawa niyong dalawa dito?wala ba kayong mga trabahong dapat gawin? natapos niyo na ba yung mga pinadala ko kay Casey sa inyo last week?'' ''Isa -isa bro,tapos na namin yun nandiyan na nga sa table mo,and speaking of Casey meron akong nalaman tungkol sa kanya''.nakangisi sabi ni Auston ''Ano naman yun?''walang ngiti tanong ko dito. ''Well nakita ko ang old picture natin kahapon sa bahay ni lola,at nakita kong kasama natin si Casey sa isang picture na nasa album,naalala ko bigla si Pichi pichi girl. "You mean''..napalingon si hunter dito . ''Yes siya si pichi pichi girl,the cute little girl''..tatawang-tawa sabi ni ni Auston,akala ko di nila makikilala si Casey ,nagkamali pala ako.. ''Sabi ko na e,kaya pamilyar siya sa akin una pa lang pero di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita kaya di ko naisip agad na siya si pichi pichi girl ''..Nakangiti sabi ni hunter ''Yun lang ang sasabihin niyo kaya nagpunta kayo ng ganito kaaga dito?''.....naiinis na sabi ko sa mga ito kung alam lang nila unang araw pa lang nakilala ko na si Casey baka mas lalo pa nila akong bwisitin,sa totoo lang nasasayang ang oras ko sa kanilang dalawa kung ang pinunta nila dito ay tinabraho na lang nila sana ngayon tapos na ang pinapagawa ko sa kanila,. "Di ka interesado?o matagal mo ng alam siya si pichi pichi girl?sa pagkakaalam ko crush mo siya ng bata pa tayo di ba?.. - Auston.. ''Oo nga di ba ikaw pa yung lagi nakakaalala ng name niya noon tapos tatawagin mo siya sa may gate ng bahay ni lola kasi di siya pumapasok dahil nahihiya kaso di kanya pinapansin kahit alam natin naririnig ka naman niya''.nakangisi sabi ni hunter ''Shut up!umalis na nga kayo,ang dami ko pa dapat tapusin at kayong dalawa puro kalokohan ang alam''....Pagtataboy ko sa mga ito dahil alam kong di nila ako titigilan sa pang-aasar nila sa akin. ''Sus sige na aalis na...kung alam lang namin ''..Nakangisi sabi ni hunter Casey Pov Inaayos ko ang mga papel sa table ko ng magbukas ang pinto ng office ni Sir Cody at niluwa doon si Sir Auston at Sir Hunter kapwa nakangisi ang mga ito napagtripan na naman siguro nila si Sir Cody na madalas nilang gawin kay Sir,nakangiti binati ko ang mga ito. "Good morning mga  Sir"....nakangiting bati ko sa mga ito "good morning "....hunter "Good morning Casey,by the way pwede ba kita yayain sumabay mag lunch mamaya?''..Tanong ni Sir Auston sa akin ng makalapit ito sa table ko. ''Ah Sir huwag na po madami po kasi ako gagawin pa, baka late na po ako makapag lunch''...tanggi ko dito. ''Sige na Casey kasama din naman ako e meron lang sana kami itatanong sayo.'' -Si Sir Hunter na nakangiti. ''Tungkol po ba saan ang itatanong niyo pwede niyo naman po itanong ngayon sa akin?''... sabi ko sa kanilang dalawa. ''personal kasi e''...sagot ni Auston,napaisip naman ako sa sinabi niyang  personal....ops..huwag nilang sabihing magtatapat sila ng pag-ibig sa akin at dalawa pa sila..hay ano tuloy naiisip ko.. ''Mamaya mo na malalaman,sige na basta antayin ka namin mamaya sa labas kita na lang tayo doon''...Sabi ni Sir Auston Di na nila ako inantay sumagot dahil tanalikuran na ako ng mga ito na  napapaisip pa din kung anong itatanong nila sa akin na personal daw. - Sabay sabay nga kami tatlo nag lunch sa restaurant na malapit lang sa building ng Fuentilla's Corp.Naiilang pa ako sa kanilang dalawa pero sinubukan ko pa din ubusin ang pagkain nasa plato ko pagtapos namin kumain tatlo ay nagsimula na silang magtanong tanong sa akin,nakakatuwa lang dahil naaalala pala nila ako kahit sila ay hindi ko agad nakilala noong una,gusto lang pala nila alamin kung ako ba daw ang bata nagtitinda ng pichi pichi kaya nila ako inaya mag lunch.. "' so pichi pichi girl''..-hunter "pichi-pichi girl?''..kunot ang noo tanong ko "Sorry Casey yun kasi yung tawag namin sayo dati".. Depensang sagot naman ni Sir Auston  "ganun po ba Sir, ok lang po cute naman."... Nakangiti sagot ko dito ''Si Cody nga lang lagi ang nakakaalala ng pangalan mo nun e,matandain kasi yung lalaki na yun ewan ko lang ngayon kung bakit di kanya agad nakilala,.'' Dagdag pa nito,pero kilala na ako ni Cody nais ko sana isagot sa kanya pero nagkibit balikat na lang ako baka kasi ano pang isipin nila. ''So ano nang nangyari sa loob ng 16 years?may asawa kana ba?''....Pagtatanong ni Hunter "Naku Sir wala pa,boyfriend nga wala''...bulong ko sa huling sinabi ko. ''ikaw mawawalan''.... sabi ni hunter na narinig pala ang sinabi ko.. ''Alam ko na kasunod niyan sasabihin mo Sir ,sa ganda kong ito wala pa ko boyfriend.''..sabi ko kay hunter Nagkatawanan kami tatlo..  ''Madaldal kana ngayon ah'' - hunter ''Dati hanggang sa may gate ka lang ng bahay,pero bakit nga ba di ka pumapasok ng bahay ni lola nun?'' -  tanong ni Auston ''Oo nga?''sabi naman ni Hunter. "wala naman mga Sir nahihiya lang ako di lang din kasi ko sana'y makiharap sa mga tao noon"...Simpleng sagot ko. ''Wait,pwede bang wag mo na kami tinatawag na Sir wala naman tayo sa trabaho at isa pa simula ngayon kaibigan mo na kami ni hunter''..sabi ni Sir Auston. ''Pero Sir ko pa din kayo,nakakahiya naman po kung tatawagin ko lang kayo sa pangalan.'' ''Wala ng pero,pero..basta sa pangalan mo na lang kami tatawagin pag di ka sumunod pichi pichi tatawag namin sayo..''..banta pa ni Auston sa akin ''Sige sabi niyo po e''...Final na sagot ko alam ko naman di ako mananalo sa kanila. ''Isa pa yan wala na ring po''...dagdag naman ni Auston "Sige" ....Sagot ko na lang na naiiling sa kanila.. "Good" "Oo nga pala pasabi kay tita kung pwede pumasyal sa bahay niyo namimiss na namin ang pichi pichi luto ni tita e"...hirit naman ni Hunter "Oo ba huwag kayo mag-alala sasabihin ko kay Mama,sigurado matutuwa yun pag nalaman niya papasyalan niyo siya sa bahay''.. "Sasama kaya si Cody?. - Hunter ''Asahan mo pa yun'' ....Kibit balikat sagot ni Auston kay hunter Natutuwa ako sa kanila dahil makukulit pala sila,mga kaibigan ko na sila ngayon at sana mas makilala ko pa sila,at sana rin maging kaibigan ko din si Sir Cody na masungit at seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD