Madalas na kami nagkakasabay nila Hunter at Auston maglunch di rin kasi ako makahindi sa mga ito dahil kukulitin lang nila ako,pero mas naging malapit sa akin si Auston dahil na rin siguro may pagkakapareha kaming dalawa,pareho din kami madaldal at makwento at maraming bagay kaming pinagkakasunduan, natatahimik lang kasi ako pag si Sir Cody ang kaharap ko kasi naman ni hindi pa kami ganun kalapit sa isa't-isa parang lagi siyang may sariling mundo,pagtapos pala ng insidenteng inihatid niya ako sa bahay ng malasing ako ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon makapag usap tungkol doon marami kasi siyang trabaho at lagi siyang nasa labas para sa mga meeting niya at sa mga taong investor at kliyente ng Kompanya nila kaya madalas wala siya sa office ,di na niya ako sinasama dahil marami din siya pinapaayos at pinapaencode sa akin na mga papeles.Kasalukuyan kami kumakain ni Auston sa restaurant malapit sa building ng Kompanya nila wala si Hunter ngayon dahil sumama ito kay Sir Cody .
"Nakita ko ang profile mo sa office ni Cody,nurse ka pala dati,anu nangyari bakit napunta ka sa pagiging secretary ni lola?''...Pag-uusisa nitong kaharap ko sa akin habang kumakain kami ng tanghalian.
"Oo dati,kaso nagsawa ako e tsaka nakakastress kaya naghanap ako ng ibang trabaho para maiba naman"...Pagsisinungaling ko sa kaharap ko at nagkibit balikat na lang ako.
"Sa tingin mo naman maniniwala ako sayo,ang tagal na natin magkakilala halos mag-aanim na buwan na tayo sabay kumain at pumasok ngayon ka pa magsisinungaling sa akin at napaka imposibleng iwanan mo ang napakagandang trabahong yon.''..nakataas ang kilay nito.
-Ang tagal na nga pala namin magkaibigan ni Auston, madalas sinasabay niya ako sa pagpasok at hinihahatid,minsan kasama pa namin ang gf niyang si Raine na kaibigan ko na din.
"Ayoko na sana i kwento sayo pero past na rin naman wala naman sigurong masama,ang totoo niyan dahil sa ex ko kung bakit tinigil ko na ang pagiging nurse ko''...pagsisimula ko..nakikinig naman sa akin si Auston na hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
''Nurse din kasi siya at magkasama kami sa iisang hospital,niloko lang naman niya ako,sila ng kaibigan ko nahuli ko silang may ginagawang hindi maganda kaya nakipaghiwalay ako sa ex ko kaso ang mokong di matanggap na hihiwalayan ko na siya,ginugulo niya ako araw araw sa trabaho,hindi daw niya sinasadya at magbalikan na daw kami,as if naman gagawin ko yung gusto niya pagtapos niya akong lokohin.
Anong nangyari pagkatapos?
''lumipat ako ng ibang hospital, ilang beses ako nagpalipat lipat dahil nga sinusundan niya ako,hindi ako makagalaw ng maayos at nasstress na niya ako pina blotter ko siya sa barangay para hindi niya ako malapitan natakot na rin kasi ako baka meron pa siyang ibang gawin sa akin at maganda naman ang ginawa ko dahil hindi siya makapunta ng bahay at kaya nakapagpahinga ako sa kakatago sa kanya ,tapos yung kaibigan ko si Mace may kakilala sa building ng lola niyo at nangangailangan daw si Mrs.Fuentilla ng Secretary kaya inaapply ako ni Mace kaya naging Secretary ako ni Maam.''... kwento ko
''I see,..hirap din pala naging karanasan mo sa ex mo,ano bang pangalan niya para pag lumapit siya muli sayo ako ng makakaharap niya?''
''Hay huwag mo ng itanong kung sino siya ang mahalaga ngayon tahimik na ang buhay ko at don't worry di na makakalapit sa akin ngayon yon,dalian mo na diyan kumain tama na ang interview.''nakangiti sabi ko para tumigil na siya sa kakatanong sa akin,ayoko kasi napag uusapan ang tungkol sa akin lalo na pag tungkol kay Max hindi na kasi dapat pa siyang pag-usapan.
- Pagbalik ko sa building hinarap ko na agad ang trabaho ko,mag aalas nuebe na hindi pa ako natatapos sa mga iencode ko nag sialisan na rin ang mga kasamahan ko sa trabaho maging si Auston dahil susunduin pa nito ang girlfriend niyang si Raine,nananakit na ang batok ko dahil na rin sa katagalan ko sa pag upo,mag alas diyes na ng nagpasya kong umuwi na tutal natapos ko na ang kailangan ni Sir Cody para bukas.
- Matagal na ako nakatayo sa labas ng building namin at wala pa din dumadaan na jeep,nang huminto ang isa ferrari sa harap ko at buksan nito ang bintana ng sasakyan.
"Sabay kana sa akin"...sabi ng lalaking lulan nito,napagwapo..
"Sir,ah Sir Cody huwag na po magjejeep na lang po ako"..nahihiyang sabi ko dito,bakit napaka fresh pa rin tignan ni Sir kahit maghapon na ito sa labas samantalang ako mukhang haggardo na.
"sakay na wala na dadaan na jeep masyado ng gabi"..sabi pa nito na mukhang hindi papayag na tanggihan ko siya.Wala na ako nagawa sumakay na ako ng sasakyan ni Sir,nakakatakot na rin sa daan kaya di na ako nagpakipot pa,wala nagsasalita sa amin dalawa habang nasa biyahe kami at dahil ayoko ng tahimik ako na lang ang bumasag nito.
"Sir kamusta po ang meeting niyo?...pagsisimula ko habang nakatingin ako sa kanya.
''Everything is fine,we have already convinced Ms.Chiu to sign a contract with us'' ...Nakangiti tugon nito,kaya siguro nasa goodmood siya ngayon ng dahil doon.
"Happy to hear that Sir"..nakangiti sabi ko
"Yeah..magaling din kasi mambola si Hunter kaya sinama ko siya Kanina dahil alam ko kaya niyang kumbinsihin si Ms.Chui"
''Oo nga po magaling dun si Hunter e ang mambola kaya talagang di makakahindi sa kanya kung sino mang kausapin niya''...ako nga lang ang hindi nadadaan sa pambobola non dagdag ko sa isip ko.
''Hmp..bakit sila di mo na tinatawag na Sir pero sa akin Sir ka ng Sir at mukhang close mo na yung dalawa?''..seryoso sabi nito habang nakatingin sa daan
"Po?e kasi po Sir mga kaibigan ko na sila at palagay na din po ang loob ko sa kanilang dalawa madalas din po kami ang magkakasama''....kung di ka nagsusungit e di sana mas nauna pa tayong naging mag-close dagdag ko na naman sa isip ko.
"Please just call me by my name tulad ng pagtawag mo sa kanila,wala na rin naman tayo sa office at isa pa pwede ka rin maging kampante sa akin"...sabay lingon nito sa akin,napakagwapo naman talaga niya at wait talaga bang nakikipagkaibigan na siya sa akin,himala lihim naman akong natutuwa..
"Sige po"..simpleng sagot mahirap na baka magbago pa ang isip nito..
"At yang po pakitanggal na rin hindi naman ako ganun katanda sayo "..dagdag pa nito
''Si..sige kung yan ang gusto mo ''
"So gaano mo na ka close ang dalawang yun,mukhang ikaw na ang napagtitripan nila ?''pagpapatuloy nito habang nagdidrive..
"medyo madami na din ako alam tungkol sa kanilang dalawa lalo na kay Auston na sobrang close ko na dami na niya naikwento sa akin about sa buhay niya..."
"Auston is easy to be friends,ganun siya kabait at kabilis kapalagayan ng loob,friendly kasi ang taong yon.."..sabi niya sabay ngiti..
"Sinabi mo pa,masarap din siya kausap at kasama"...dagdag ko sa sinabi niya.
"May girlfriend yung tao baka mainlove ka sa kanya"...sabi nito
''Ah naku hindi, alam ko naman yun at friends lang talaga kamin gdalawa,kilala ko din ang girlfriend niya at magkaibigan na rin kami nito kaya si Auston at ako hanggang magkaibigan lang talaga kami ..''
- Ilan sandali lang ay nasa harap na kami ng bahay,bumaba na ako ng sasakyan nagulat pa ako ng bumaba din si Cody at lumapit sa akin sa gate.
''Thank you Sir,salamat sa paghatid' naabala pa kita''
''Sir?..naka kunot ang noo sabi nito.
''I..I mean Cody sorry di pa kasi ako sanay ,,gusto mo bang pumasok muna sa loob?''...Pag-aya ko sa kanya baka kasi gusto niya muna magkape.
''Hindi na pagod na din sa susunod na lang,sige na pumasok kana aalis na din ako''
''Thank you uli..sige pasok na ako mag iingat ka''...Nakangiti sabi ko dito,pero ang totoo di ko mapigilang kiligin sa kanya meron din pa lang siyang side na ganito sana araw araw ganito ang ugali niya mas lalo kasi siyang gumwagwapo.
''Okey..bye..''..Tumalikod na din ito sa akin at sumakay ng sasakyan niya,sinara ko na ang gate at nang marinig ko ang papalayo niyang sasakyan dun ko na pinakawalan ang kilig na nararamdaman ko.Kilig na di ko nararamdaman pag kasama ko si Auston o Hunter bakit sa kanya kakaiba..
- Nalate na naman ako ng gising kinabukasan paano ba naman kasi di ako pinatulog ng Cody di siya nawala sa utak ko kahit antok na antok na ako tuloy tinanghali na naman ako ng gising,Gulo gulo ang buhok ko ng makarating sa table ko sa pagmamadali di na ako nakapag ayos kahit polbos man lang.
''Anyare sayo?''sabi ni Mina(officemate ko )
''Napuyat na naman ako Girl''..sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko.
''Naku kanina ka pa hinahanap ni Sir at mukhang badmood na naman siya''...- mina
''Oo nga pala yung pinagawa niya sa akin baka kailangan na niya,sige diyan kana dadalhin ko na ito sa kanya baka mamaya mag sungit na naman yon''..sabi ko na nagmamadali naglakad,.Kumatok muna ako bago ako pumasok sa opisina ni Cody.
''Good morning Sir!'' ..Masigla bati ko dito
"Your late"...sabi nito habang seryoso itong nakatingin sa akin habang may hawak na ballpen..