KABANATA 8

1725 Words
"Your late" "Pasensiya na po Sir natraffic po kasi ako".dahilan ko na lang kay Sir na hindi ko alam kung epektibo pa. "Traffic? pang ilang beses mo na bang naging dahilan sa akin yan, sa tuwing na lalate ka?...nangingiti pang sabi nito..ngiti na madalang ko lang makita dito mas dagdag pogi points pa ang malalim na dimple nito na ngayon ko lang napansin kasi nga paano ko mapapansin na may dimple siya kung lagi siyang seryoso... "Di ko na po mabilang Sir,Ah Sir heto pala yung kailangan niyo ngayon,nakausap ko din po si Mrs.Fuentilla tatawagan daw po niya kayo mamaya"...pag-iiba ko ng usapan dito. "Si lola?ano na naman kaya kailangan niya sa akin"..nag-iisip na sabi nito. "Hindi ko lang po alam Sir" "Sir?"...sabi nito na tumitig sa akin.. "Bakit po Sir may problema po ba?"..pagtatanong ko dito . "Why Sir?,sa pagkakatanda ko Cody lang tawag mo sa akin last time na magkasama tayo.''..may himig na pagtatampo ang boses nito. "E kasi nasa trabaho tayo baka may makarinig at isipin na hindi kita ginagalang"...paliwanag ko dito "Pero tayong dalawa lang ang nandito ,wala makakarinig sayo." - Cody - Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto ng opisina ni Cody at iluwa doon ang dalawang pinsan niya. "Dude,oh andito pala si Casey mukhang seryoso yang pinag-uusapan niyo ah"...sabi agad ni hunter ng makita ako nasa harap ng mesa ni Cody. "May pinapaliwanag lang ako sa kanya,sige mamaya na lang kita uli tatawagin pag natapos ko na pirmahan ito''..sabi na lang ni Cody sa akin para makaiwas siguro sa mga pinsan niya.Naglakad na ako papuntang pinto ng harangan ako ni Auston. "Casey,pinabibigay pala bi Raine"..iniabot sakin nito ang isang sobre "Ano ito auston?" "Invatation yan ng kapatid niya debu sa saturday,kaya may lakad tayo nun ah,sunduin na lang kita"...sabi ni Auston . "Sige sasama ako"...simpleng sagot ko. - Ilang araw din ako naging abala sa trabaho at ngayon  ay Sabado na makakapag relax relax din kasama ng mga bagong kaibigan ko,may ilan minuto na ako nag-aantay kay Auston dito sa may sala ng bahay,sabi kasi nito bago mag six kami pupunta ng party pero ano oras na wala pa ito,nagsuot lang ako ng simpleng cocktail dress na blue,nagpahid ng simpleng make up at nilugay ko lang ang lagpas balikat kong buhok.. Cody Pov Tahimik na naman ang bahay,ako lang kasi mag-isa dito sa bahay na tinayo ko 2 years ago,ito sana ang supresa ko sa ex girlfriend kong niloko lang ako ,akala ko kasi noon siya na ang babae para sa akin gustong gusto din kasi siya ni Mommy para sa akin pero hindi rin pala siya mapagkakatiwalaan, isa din siya sa mga taong manloloko at buti na lang hindi ko nasabi sa kanya itong bahay na ito dahil sigurado ako ipagpipilitan niya pa rin ang relasyon naming sinira na niya ,dito sana kami titira pagtapos ng magiging kasal namin pero sinayang niya lang ang lahat ayos na rin at nangyari yon dahil kung di niya ginawa yon hindi ko matatagpuan muli ang batang babaeng nasa wallet ko,..bigla tumunog ang phone ko kaya napatigil ako sa pag-iisip sa nakaraan. "bro asan kana?"...bungad agad sa akin ng pinsan kong nasa kabilang linya. "dito sa bahay"...simpleng sagot ko "Ano?,wala ka ba balak pumunta sa Party?"..dismayadong sagot nito sa kabilang linya.. "Wala na siguro,kayo na lang bawi na lang ako nexttime"...wala talaga akong balak umalis na bahay ngayon,tinatamad ako.. "bro hindi pwedeng hindi ka pupunta wala susundo kay Casey nandito na kasi kami ni Raine sa party hindi ko pwede tawagan si Casey baka di na yun pumunta pag sinabi kong nandito na kami ni Raine''...sabi ni Auston kinangiti ko bigla tuloy akong ginanahan umalis... "Sige,sige sabay na lang kami ni Casey"....tugon ko dito at dahil dun may dahilan na ako magpunta ng party na yon... Casey Pov Naiinip na ako kanina ko pa tinatawagan si Auston pero di ito sumasagot aakyat na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit nang may marinig ako humintong sasakyan sa may gate, agad ko kinuha ang shoulder bag ko at lumabas ng bahay nag doorbell na din kasi ang taong nasa labas na inaakala kong si Auston. "Cody"....laking gulat ko ng si Cody ang makita ko sa pinto ng gate nakasunod naman sa akin si Mama "Cody,ngayon ka lang uli napasyal!"...nakangiti bati ni Mama dito at mukhang gwapong gwapo si Mama dito iba kasi kung makatitig.. "Magandang gabi po tita,pasensiya na po tita naging busy lang po sa trabaho kaya hindi na po ako nakapasyal"...pagpapaliwanag nito kay Mama. "Naku okey lang yun iho basta sa susunod sana makasama ka nila Auston dito,madalas ang mga yon pumasyal.." "Opo tita makakaasa po kayo"..sagot ni Cody "Si Auston?.singit ko sa kanilang dalawa.. "Nasa party na kaya sa akin kana lang niya pinasabay"..tumango na lang ako sa kanya. "Sige na umalis na kayo baka hinihintay na kayo ng mga kasama niyo at para di kayo gabihin"...pagtataboy naman sa amin ni Mama na halatang kinikilig.. "Sige Ma alis na po kami''..sabi ko kay Mama na humalik sa pisngi niya. "Aalis na po kami"..paalam naman ni Cody dito. "Sige mag-iingat  kayo'' Sobrang ganda ng mga decoration sa Party ng kapatid ni Raine sa entrance pa lang pang mayaman na,agad naman kami nilapitan ni Raine na nag aantay sa amin ni Cody at dinala kami para sa table namin,andun si Hunter ang girlfriend na nitong si Dian,Auston,Raine,Cody at ako..Pagtapos namin kumain ilan minuto lang at nagsimula na ang Program,kasama sa 18 Roses si Auston Hunter at Cody.Pagtapos ng program ay nagsimula ang sayawan,.at naglabas ng alak si Raine at ng abutan niya ako ng isang bote ay kinuha ko dahil ayoko naman tanggihan siya..Makalipas ang isang oras unti-unti ng nagsisialisan ang mga bisita,nakakaramdam na din ako ng pagkahilo nagpaalam ako sa mga kasama ko para magpunta ng Restroom para maghilamos ng mukha feeling ko kasi namumula na ako madali lang talaga ako tamaan ng alak.. Pagtapos kong makapaghugas ng mukha ay nagretouch naman ako para naman hindi halatang lasing na ako  pagkatapos nagpasiya na akong bumalik sa mga kasama ko pero may nakita akong maliit na garden sa may gilid ng pader na pinagmulan ko kaya nagtungo muna ako doon umupo ako sa isang bench at pumikit ,maya maya nakaramdam ako na parang may nakatayong tao sa likuran ko at ng lingunin ko ito laking gulat ko sa nakita kong tao na hihilinging kong huwag ng makita kahit kailan. "I knew it,likod mo pa lang kilala ko na Casey"...nakangisi sabi nito "Max...,what are doing here?".iritang sabi ko sa lalaking kaharap ko at the same time kinakabahan ako dahil baka ano na lang gawin nito sa akin kami lang dalawa ang tao dito. "Di mo man lang ba ako kakamustahin Casey,di mo ba ako namimiss tulad ng pagka miss ko sayo"..seryoso sabi ni Max,pumayat ito ngayon di tulad dati na may mga malalaking muscle ito sa katawan. "Max mauna na ako sayo baka hinahanap na ako ng mga kasama ko"...akmang tatalikuran ko na siya ng hawakan nito ang kamay ko.. "Please Casey kausapin mo naman ako ang tagal kong hinintay makaharap ka at makausap ka,pakinggan mo ko sa huling pagkakataon please magbalikan na tayo.."pagmamakaawa nito sa akin.. "Max tapos na tayo matagal na ,wala na dapat tayong pag-usapan at ayusin pa ,matagal na kitang kinalimutan at sana ganun ka din kalimutan mo na ako mag move on kana''.. "Pinilit ko Casey,pero di ka pa din mawala sa isip ko,mahal na mahal pa din kita alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo pero hindi ko naman yon ginusto"..pagsusumamo nito sa akin na akala niya madadala pa niya ako sa pagmamakaawa niya,hindi ginusto kaya pala ng makita ko sila ni Glenda noon grabe siyang makahalik dito. "Max Im sorry pero hanggang doon na lang talaga tayo hindi na rin kita mahal, aalis na ako baka hinahanap na ako ng mga kasama ko"...sabi ko dito ng bigla na lang ako hatakin nito at yakapin nagpumiglas ako sa kanya pero lalo nito hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin,naiinis na ako sa ginagawa niya pero wala ako magawa sa lakas niya naiiyak na ko sa takot ,hindi na talaga siya ang Max na minahal ko. "What do you think your doing"?...may galit na boses ng lalaking humablot sa akin kay Max at si Cody iyon na madilim ang mukha sa sobrang galit,pero bakit naman siya magagalit o guniguni ko lang ito. "At sino ka para pigilan ako,girlfriend ko yan kaya kahit anong gawin ko wala kang pakialam"?...mayabang na sabi ni Max. "I'm her Boyfriend,kaya kung ako sayo pare huwag na huwag ka basta basta nangyayakap ng hindi na sayo,ex kana lang niya"...halata pa rin ang panggigil ni Cody dito. "Boyfriend?talaga lang ah"....hindi naniniwalang sabi ni Max na nakipagtitigan pa sa akin. "Max pwede ba tumigil kana..oo boyfriend ko siya kaya tumigil kana,tumigil ka sa kahibangan mo ,lets go babe,huwag mo na lang siya intindihin mukhang lasing na siya"....kinuha ko na ang braso ni Cody at hinatak na ito palayo kay Max.. - Nang makalayo kami kay Max tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa braso ni Cody "Thank you"...sabi kong kinatigil niya sa paglalakad . "Mamaya na natin pag-usapan,hinahanap kana nila"....sabi niya tinutukoy ang mga kasama namin "Sige" sabi ko na sumunod na dito sa paglalakad.Nakabalik na kami sa mga kasama namin na nagkwekwentuhan na lang at sabay sabay na napatingin sa amin ni Cody. "Saan ka galing akala ko sa Cr ka lang?..pagtatanong ni Raine "Oo dun talaga ako galing may nakita lang ako garden kaya umupo ako saglit doon"...simpleng sagot ko "Nahilo ka ba sa nainom mo ?''... Pag-aalala naman ni Auston sa akin "Hindi ayos lang ako"..pagkukumbinse ko sa kanila na ayos lang ako.. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng iwanan namin si Max sa may garden andito na naman siya para talagang sinasadya nitong guluhin ako na madalas niyang gawin sa akin noon hindi pa din talaga siya nagbabago. "Hi"...bati nito sa mga kasama ko "Hey Max pasensiya na di na kita nalapitan kanina,guys si Max pala kaibigan ko"....pagpapakilala ni Raine dito.Nakipag kamay naman dito sina Hunter,Auston at dian maliban lang sa amin ni Cody. Ang nakakainis pa sa lahat ng tumabi ito sa akin,hinatak naman ni Cody ang upuan ko palapit sa kanya na dahilan para tignan kami ng mga kasama namin at nagtinginan sila na napapangiti sa ginawa ni Cody kahit ako naguguluhan na sa kinikilos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD