"Tahimik lang ako na nakikinig sa kwentuhan nila,hindi rin umiimik sa tabi ko si Cody na mukhang malalim ang iniisip''
"Gusto mo na bang umalis dito?"...maya maya bulong ni Cody sa akin
"Please"....pakiusap ko dito dahil hindi ko na talaga kayang magtagal doon na kasama si Max lalo na panay sulyap nito sa akin at panay kausap nito sa akin kahit di ko naman sinasagot,..
"Guys mauna na kami ni Casey sa inyo".sabi ni Cody sa mga kasamahan namin.
"Sige mag-magiingat kayo"..sabi ni Raine sa amin,hindi na nila kami pinigilan dahil mukhang nakakahalata na rin silang ayaw namin ang presensiya ni Max.
"Bro ikaw ng bahala kay Casey"..-.si Auston,Tango lang ang sinagot ni Cody dito
"Ingat kayo"...sabi ni Hunter at Dian
- Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang si Cody na nagdidrive,hindi naman ako makapagpigil kaya nagsalita na ako.
"Cody thank you nga pala kanina"..nahihiya pang sabi ko at kung hindi dahil sa kanya baka kung ano pa ang nagawa sa akin ni Max.
"Who is he?"... na hindi man lang pinansin ang sinabi ko ,ito ba ang kanina pang iniisip niya kaya mukhang badtrip siya.
"Si Max.,ex boyfriend ko"...maiksing sagot ko,sa totoo lang ayoko talaga siyang pag-usapan pa hindi sa bitter pa din ako ayoko lang pag-usapan ang matagal ko ng kinalimutan.
"Hindi ko sinasadyang marinig kayo kanina ,Ex mo na lang siya,pero bakit ka pa niya niyakap ng ganun at kung hindi ako dumating baka ano pa nagawa niya sayo"....sabi ni Cody na parang naiinis at dumiin ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan niya.
"Hindi ko alam sa lalaking yun,siguro nababaliw na siya,matagal na kaming di nagkikita siguro mag-iisang taon na sa totoo lang ayaw ko na talaga makita pa siya,Sorry kung nag-oopen ako sayo ng ganito sobrang naiinis lang kasi ako pagtapos niya ayokong lokohin siya pa itong may ganang guluhin ako sa tuwing magkikita kami, akala naman niya babalik pa ako sa kanya pagtapos ng lahat ng sakit na ginawa niya"....mahabang sabi ko na wala na ako pakialam kahit si Cody ang kaharap ko.
"Ganun naman talaga sila".....walang emosyong sabi niya
"Hmpp..don't tell me ang isang Cody Fuentilla ay naloko na ng isang babae?"...
"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong Oo?"seryosong sagot nito na sumulyap pa sa akin at agad na din tumingin sa daan..
"Syempre hindi,pero anong nangyari may babaeng ng nanloko sayo?"...biglang tanong ko na parang kinabigla din ng kausap ko bigla kasi itong nanahimik.
"Sorry masyado na ako madaldal..huwag mo na lang sagutin kung ayaw mo"...dagdag na sabi ko at tahimik na kami buong biyahe.
- Inaya ko pa si Cody pumasok sa loob ng bahay pero tumanggi na ito masyado na daw gabi at baka maistorbo pa si Mama natutulog.Ang sarap pala niyang kausap,buti na lang hindi na ako naiilang sa kanya ngayon,hindi ko naman siya gusto noon kasi sa totoo nung nakikita ko sila sa bahay ng lola nila ng mga bata kami si Auston ang naging Crush ko pero ngayon parang may kakaiba kay Cody,ewan ko kung ano hindi pa ako sigurado...
Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinabukas,inaantok pa ako pero nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom,naghilamos muna ako bago bumaba para kumain..Papalapit na ako sa kusina ng marinig kong may kausap si Mama at parang nasa harap lang nito ang kausap niyang lalaki umuwi kaya sina papa at kuya pero parang iba yung boses na naririnig ko,sino naman kayang bisita niya..
"anak halika ka na dito"..sabi ni Mama pagkakita sa akin,nakalapit na ako sa kanila at nagulat ako sa kausap ni Mama na ngayon nakaharap na sa akin..
"Good morning"...bati nito sa akin na parang naiilang na hindi ako matignan.
"Bakit andito ka?"..tanong kong di ko na pinag-isipan dahil di ko alam ang sasabihin ko..
"Pinasyalan niya ako anak,magluluto nga ako ng Pichi-Pichi para sa kanya"nakangiti sabi ni Mama
"Ma,ah Cody wait lang.."..bigla na lang ako kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko bigla ko kasi naalala nakapantulog pa pala ako na manipis na bestida, nakita niya kaya panloob ko kaya hindi siya makatingin sa akin,Nakakahiya..agad ako nagpalit ng tshirt at short na hindi kaiklian,ayoko na sana bumalik sa kusina pero nagugutom na talaga ako kaya wala ako nagawa kung hindi bumaba uli,nag-uusap pa din si Mama at Cody,nagtimpla ako ng hot choco pinagtimpla ko na din si Cody wala pa kasi akong nakita sa mesang kape para dito..
"Oh anak bakit dalawa yang tinimpla mo,mauubos mo ba yan?"...puna ni Mama sa hawak kong dalawang basong hot choco na pinatong ko sa mesa.
"Kay Cody po itong isa"....sagot ko na iniabot kay Cody ang isang baso.
"Ayaw nga niya kanina ko pa siya inaalok niyan"...sagot ni Mama na abala sa ginagawa niyang pitchi pitchi.
"Ayaw mo ba nito?ano bang gusto mo inumin?..tarantang tanong ko dito nakatitig na naman kasi ito sa akin,hindi naman ako nag make up para magandahan siya sa akin ng ganito...
"Okey na yang tinimpla mo"....nakangiti sabi nito sa akin,bakit ba niya ako nginingitian ng ganito hindi ako sana'y sa kanya sa ganitong ugali niya baka mainlove na ako sa kakangiti niya..
- Sa amin na rin nananghalian si Cody hindi din kasi niya matanggihan si Mama ng pilitin siyang magstay muna sa bahay hanggang tanghalian,nagpaalam na rin ito sa amin pagtapos namin kumain dadaanan pa daw niya ang Lola niya..Naiwan kami ni Mama sa sala na nanunuod ng tv..
"Ang bait ng batang yun,mabait din yung dalawa niyang pinsan pero mas gusto ko siya"....sabi ni Mama tumitingin sa akin ng may kahulugan.
"Ma pare pareho lang naman silang mabait"...pang babalewala ko sa tingin ni Mama
"Oo nga pero mas gusto ko si Cody"....nakangiti sabi ni Mama na parang kinikilig pa.
"Ma lagot ka kay Papa pinagpapalit mo na siya sa bata pa ah"...pagbibiro ko sa Mama ko.
"Loka,ang ibig kong sabihin gusto ko siya para sayo,kung ano-anu pinagsasasabi mo"..
"Ma magkaibigan lang po kami bi Cody at ang isang yun never magkakagusto sa akin yun iba ang type nun wala ako sa level ng mga magagandang babaeng kakilala niya''..naiilang na sagot ko kay Mama posible kaya magkagusto din sa akin si Cody,kasi ako parang nagugustuhan ko na siya..
"Paano mo naman na siguro,at anak maganda ka hindi ka nga lang nag-aayos''..sabi ni Mama.
"Ma alam ko kasi nakakasama ko siya tsaka hindi ko naman nararamdaman na magkakagusto sa akin yun magkakaibigan lang kami."
"Hindi ka pa talaga marunong makaramdam sa mga lalaki anak,sabagay naka isang boyfriend ka lang kaya wala ka alam sa mga ganyang bagay".....pagbibiro nito sa akin na sinabayan pa ng tawa.
"Pagdiinan ba Ma,hindi lang talaga ako mahilig mag boyfriend Ma pero madami naman po nanligaw sa akin"...sabi ko sabay yakap kay Mama..
''Naku dalaga kana nagpapababy kapa diyan paano na pag nag-asawa kana niyan''
''Ma wala pa nga boyfriend e,boyfriend muna Ma bago asawa''...sabay kami nagkatawanan ni Mama.
Ang sarap ng pakiramdam na wala kang tinatago sa magulang mo lalo na sa mga Nanay natin,pwede din kasi natin sila mapagsabihan ng mga nararamdaman natin kaya mapalad ako na may Mama akong sinusoportahan ako sa lahat ng bagay at pwede ko din siyang mapagsabihan ng aking nararamdaman..