KABANATA 10

1331 Words
Nagising si Casey sa maingay na tugtugin sa may sala ng bahay nila,bumangon na siya para makapaghanda na sa pagpasok,bumaba na siya para mag-almusal na muna bago maligo,di pa siya nakakahakbang pababa ng hagdan nang  biglang may humatak sa kanya at yakapin siya.. ''na miss ko tong bubwit na to e'' ''kuya!,,namiss din kita kuya,andiyan din ba si papa?''..gumanti ako ng yakap sa kuya kong matagal ko ng di nakikita.. ''oo nasa kusina na ikaw na nga lang inaantay namin para kumain e,halika  na baba na tayo''..inakay na ako nito pababa ng hagdan . - Nadatnan namin si Mama at Papa kumakain na,agad ako yumakap kay Papa sobrang na miss ko din ito madalang lang kasi sila umuuwi ni Kuya,magkasama sila nagtatrabaho sa Manila,Engineer si Kuya,si Papa naman driver ng isang mayamang Pamilya hindi makaalis si Papa sa Boss niya dahil malaki magpasahod ito.Pero sabi naman niya isang taon na lang at magreresign na din siya para may kasama na si Mama sa bahay lalo na daw pag nag-asawa at nagkapamilya na kami ni Kuya.. '' Ang sarap talaga magluto ng asawa ko,ito talaga ang isa sa namimiss ko''....pambobola pa ni Papa kay Mama na kinakilig naman ni Mama.Hanggang ngayon talagang pinapakita at pinaparamdam nila mahal na mahal nila ang isa't isa. ''Kilig na kilig na si Mama,Pa baka masundan pa si Casey niyan''....pagbibiro naman ng Kuya ko sa magulang namin. ''pwede pa naman anak,kaso matanda na si Mama para manganak,antayin na lang namin ang mga magiging apo namin sa inyong dalawa ng kapatid mo''...sagot naman ni Papa. ''sa akin papa makakaasa pa kayo ng apo,ewan ko lang dito sa bunso niyo baka tumandang dalaga na to.''.....sabi ni kuya ginulo pa ang buhok ko ''excuse me kuya,mag-aasawa pa ako noh,anu naman akala mo sa ganda ko aber?''....isnab ko dito ''so nanligaw na ba siya sayo?''...tanong nitong di ko maintindihan kung sino sinasabi niya ''sino naman sinasabi mo?yung kaibigan mong si Boknoy?e katorpe torpe nun di yun magkakalakas ng loob ligawan ako''...tinutukoy ko ang kapit bahay naming kaibigan ni kuya na ubod ng torpe pero di ko din siya gusto kaya magkaibigan lang kami.Di ko na nga nakikita baka busy din sa trabaho yon. ''paano tinatarayan mo si buknoy yun tuloy umalis na dito'' ''kuya friend lang kami at hindi ko na din nakikita yun baka nag-asawa na'' ''hindi naman siya ang tinutukoy ko e iba yon,''...seryoso sabi ni kuya sa akin ''e sino naman kuya wala naman akong ibang kilala na kaibigan mo maliban kay buknoy''.. ''mamaya na yang usapan niyo kumain na muna kayo,Casey dalian mo na diyan baka mahuli kana naman sa trabaho mo''....pag -awat ni Mama sa amin. - Hinihatid ako ni kuya sa trabaho gamit namin ang Kotse niya,di rin kasi papayag ito na hindi ako magpapahatid sa kanya at isa pa na miss ko din na ginagawa ito ni kuya sa akin nung nag-aaral pa kasi ako ng College halos araw-araw ako sumasabay sa kanya. ''thank you Kuya sa paghatid,huwag mo na ako sunduin mamaya''...sabi ko bago ako bumaba ng kotse niya. ''bakit may maghahatid ba sayo sa bahay''...ngumiti na naman ito na nakakaloko ''wala,baka kasi mag overtime ako,o kaya baka may daanan ako,napaka usisero mo kuya,sige na later na tayo mag-usap at ikwekwento mo pa sa akin ang magiging sister in Law ko,bye''....sabi kong kinaway ang kamay sa kanya,kaya pala umuwi din sila ni Papa dahil magpapakasal na si Kuya. - Pasara na ang Elevator ng may kamay na humarang dito ''good morning''..nakangiting bati sa akin ng gwapong lalaki.. ''good Morning Cody''..at yes si Cody Fuentilla lang naman ang nakasabayan ko na ilang araw na rin nagpapagulo ng isip ko.,amoy na amoy ko ang panglalaking pabango niya at ngayon nakikita ko ng madalas ang ngiti niya,ngiti na nakikita ko pag magkausap kami dalawa..Natigil ang pag-iisip ko ng kung ano-anu ng tumunog na ang elevator at bumukas ito,lumabas na kami ni Cody.,nakatingin sa amin ang mga empleyado,bumabati ang mga ito kay Cody at napapatingin sila sa amin hindi ko tuloy maiwasang mailang. Nasa tapat na akong ng table ko at bago pumasok si Cody sa opisina niya bumuka ang bibig nito. ''paki sunod mo sa akin ang papers na pipirmahan ko'' ''ok po''.sagot ko Agad kong nilagay ang mga gamit ko sa table,kinuha ko ang papers na pipirmahan ni Cody,agad na akong sumunod sa kanya,pagkatok ko sa pinto ng office niya ay binuksan ko na ito naabutan ko siyang nakaupo sa malaking sofa at nakaharap sa maraming folder na nakapatong sa lamesa.Lumapit ako sa kanya at iniabot ang papel na hawak ko. ''heto na yung mga pipirmahan mo'' ''sit down''..mahina sabi nito,umupo naman ako sa tabi niya. ''may kailangan ka pa ba?''.umupo ako sa may dulo ng sofa ayoko masyado dumikit sa kanya dahil masyado akong kinakabahan.. ''I have something to tell you''..pagka ano sabi nito ''ano yun?,sa trabaho ba?..naalarma naman ako seryoso na naman kasi ang mukha ng kausap ko na nakatingin sa akin,.. ''no,i want.... - Di na niya natuloy  ang sasabihin niya dahil dumating na naman ang mga pinsan niya,iniisip ko tuloy kung anu gustong sabihin  ni Cody,napakamot din ito sa ulo ng makita ang mga pinsan niya. ''Bro,Hi Casey''...masiglang bati sa amin  ni Hunter na alam kong mang-aasar na naman.Lumapit na ito sa amin at umupo sa may pang isahang upuan. ''Hi''....tipid na sagot ko..tumabi sa akin si Auston nasa kabilang side ko naman si Cody kaya nasa gitna nila ako . ''meron na naman ba kayong mahalagang pinag-uusapan?''...pang-aasar na naman sa amin ni Hunter  ''hunter di oras ng pagbibiro ngayon''...naiiritang sabi ni Cody hindi ko alam kung bakit na badmood na naman ito,seryoso itong nagbabasa ng mga papers na binigay ko. ''bakit wala kang kibo Auston?may problema ba?...napansin ko naman ang isang ito na may malalim na iniisip habang nakatingin sa amin ni Cody. ''may iniisip lang ako..''...sagot nito hinawakan pa ang baba niya ''ano naman yun?'....'curious na tanong ko ''hindi kasi ako makapaniwala Ex mo ang mokong na yun'' ''Sino si Max?,nasabi ko naman na sa inyo matagal na yun,at bakit ba naisip mo na naman siya?'' pagtapos kasi ng nangyari sa Party binanggit sa kanila ni Max na ex ko siya sinamantala ng mokong na yun ang pagkakataon ng ihatid na ako ni Cody nang gabing yun.. ''kinukulit niya kasi si Raine kung saan ka nagtatrabaho sinabi ni Raine ang isang hospital sa kanya para tumigil kaso pinuntahan daw ni Max wala daw Casey Paz na nurse na nagtatrabaho doon kaya kumontak uli kay Raine,pinagsabihan ko na nga rin si Raine na magpalit ng number at kung tatawag uli ang mokong na yun sabihin sa akin'' mahabang lintanya nito. ''desperado dude''..si Hunter ''bakit di mo na lang siya i report sa police baka mamaya bigla kana lang hatakin nun kung saan,sasamahan kita ipablotter siya''..nag-aalalang sabi ni Cody mas lalo lumukot ang mukha nito sa sobrang inis na kanina lang busy sa mga files na nasa harap niya. ''dude hindi pwede agad magreport si Casey sa police lalo na wala naman ginagawa si Max''...sigunda naman ni Hunter. ''hihintayin pa ba natin may mangyari'' ''Cody,huwag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko at walang gagawin si Max sa akin,kaya huwag na kayo mag-alala sa akin,hindi na muli makakalapit sa akin yun..''...nginitian ko sila ayoko din mag-alala pa sila sa akin. ''pero casey di mo alam ang pwede gawin ng lalaking yun para siyang obsessed sayo''...sabi ni Auston ''kaya Cody mamaya isabay mo na si Casey sa pag-uwi mahirap na hindi tayo makakasigurado baka mamaya  nasa labas na ang mokong na yun,pero subukan niya patitikimin ko siya ng suntok ko..''sabi ni hunter inilabas pa kunwari ang muscle niya sa braso kahit kailan talaga ang isang ito. ''gagawin ko yun kahit di mo sabihin Hunter,maiba ako bakit nandito pa kayo di ba may trabaho ako pinapagawa sa inyo dalawa kailangan ko na ang report niyo''.. ''heto na aalis na''...tumayo na si Hunter na tinatamad. ''sige mauna na kami mukhang may pag-uusapan pa kayo''..singit naman ni Auston na tumingin pa sa akin at kumindat..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD