(pasensiya na po kung mabagal ang pag-update, iniba ko na kasi ang kwento sa original na story nito na sinulat ko sa notebook,pasensiya na din kung medyo magulo)
Hinatid ako ni Cody sa bahay,at nahihiya naman ako kung hindi ko muna siya papapasukin sa bahay kaya inaya ko na din siya para makapagkape man lang hindi naman ito tumanggi sa alok ko kahit di naman talaga siya nagkakape.Pagpasok namin sa loob ng bahay naabutan namin sina Mama at Papa nanunuod ng tv.Agad naman nagbigay galang si Cody sa mga magulang ko.
''Magandang gabi po Tita,tito''.sabi ni Cody sa mga ito
''iho kaw pala,halika maupo ka''...sabi naman ni Papa, na parang kilala na si Cody na pinagtaka ko.
''Di mo sinabi pupunta si Cody dito anak''...si Mama ngiting ngiti
''hinahatid lang naman niya ako Ma,wala ata si Kuya?..di ko kasi napansin ang kapatid ko
''naliligo,bababa na rin yun,maiwan ko muna kayo may gagawin lang ako sa kusina''...sabi ni Mama tumayo na at nagtungo na sa kusina sumunod naman ako sa kanya.
Pinagtimpla ko ng hot choco si Cody,si Mama naman ininit uli ang niluto niya hapunan lumamig na daw ito kakahintay sa akin gusto kasi nila sabay sabay kami kumain.
''Ma bakit parang kilala na ni Papa si Cody?''..nagtataka pa rin tanong ko kay Mama
''Di ba umuwi sina Papa mo nung minsan na andito si Cody''..sabi ni Mama di ko naman matandaan
''kailan yun Ma?''
''wala ka nun,nasa mall ka ata kasama mo sina Mace dumaan dito si Cody dahil may ibinigay sa akin pinabigay ng lola niya,di ko na pala nabanggit sayo yun''
''Ganun ba Ma kaya pala kilala na siya ni Papa,sige ma balik na ako sa sala malamig na tong choco tinimpla ko''...sabi ko na lang na hindi na nagusisa pa
Bumalik na ako sa sala saktong pababa naman si kuya agad siyang nakipagkamay kay Cody na parang close na close sila.
''brad kamusta na?''...sabi ni Kuya dito tumabi pa kay Cody sa upuan si Papa naman nagtungo na sa Kusina.
''ayos naman,natapos mo ba yung huling Project natin?''..tanong ni Cody kay kuya,nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap ang mga ito.
''oo brad sobrang nahirapan ako dun,iniwan mo ko sa ere e''...natatawa sabi ni Kuya
''pasensiya na kinailangan ako ni Lola'' pakamot kamot sa ulo sabi ni Cody..
''ayos lang,kamusta na ung alam mo na,mukhang tinotoo mo sinabi mo ng huling magkita tayo ah,ayos na ba?''
''hindi pa nga e''.. nahihiyang sabi ni Cody kay Kuya
''ang hina mo naman,baka maunahan kapa niyan ikaw din''..sabi ni kuya
''ganyan kayo ka close?e kakikita niyo lang ngayon''..sumingit na ako sa usapan nila dahil nahihiwagaan na ako sa kanila para silang mag ex kung makalapit sa isa't-isa.
''bubwit matagal na kami magkasama ni Cody sa mga Project kaya magkakilala na kami at napag alaman ko sila pala dati ang kapitbahay nila lolo kaya mas lalo kami naging mag close tandem kami sa mga proyekto pinapagawa sa amin..
''bakit di mo nabanggit sa akin kuya?at ikaw di mo man lang sinabi sa akin Cody kaya pala para kayong ewan diyan kanina ko pa kayo pinagmamasdan at nagtataka kung bakit kayo close na close''....nakairap na sabi ko.
''di ka naman nagtatanong e at madalang lang ako makauwi alam mo naman busy ako kaya di ko na nabanggit sayo maganda kong kapatid''
''tse,ano pa bang di ko alam sa inyo?''..nakakunot ang noo ko tanong ko
''ano wala na magkaibigan kami nito ni Cody yon lang?''...sagot ni Kuya
''anong di ko pa alam baka meron pa kayo di sinasabi sa akin ?''pagtataray ko na sa kanila
''wala na,si Cody ang tanungin mo baka meron pa siyang di sinasabi sayo''...sabi ni kuyang tumingin ng makahulugan kay Cody napapalunok naman si Cody.
''ano?''meron pa ba ko di alam?ano yon Cody?''...sabay harap ko kay Cody
''mamaya mo na siya tanungin bubwit tara na sa kusina kumain muna tayo''..sabi ni kuya umiwas na sa usapan at tumayo na ito at nalakad papunta kusina,inaya ko na din si Cody nakatingin pa din sa akin agad na kami sumunod sa kusina para makakain na.
- Pagtapos ng hapunan namin nagkwentuhan lang saglit sina Papa,kuya at Cody,ako naman nakapagbihis na ng pambahay,agad na din nagpaalam si Cody sa amin dahil medyo gabi na din,inihatid ko naman siya sa may gate..
''thank you sa masarap na hapunan''..- Cody
''Si Mama lang ang nagluto nun kaya sa kanya ka lang dapat magpasalamat''
''kahit na kung di mo ako inaya pumasok sa bahay niyo di ko matitikman ang luto ni tita''..- Cody
''maiba ako,ano yung sinasabi ni Kuya kanina?nahihiwagaan na talaga ako sa inyo dalawa e''...pangungulit ko na naman dito.
''e kasi,paano ba di ko alam kung paano ko kasi sisimulan''....pakamot-kamot sa ulo sabi nito
''sabihin mo na kaya ngayon anu ba yun gusto mong sabihin?''
''nagpaalam na kasi ako sa parents mo at sa kuya mo''...parang kinakabahang sabi nito,naalarma naman ako bigla baka kasi sabihin niya sa akin na aalis na siya papuntang ibang bansa ganun kasi nangyayari sa ibang love story na nababasa ko .
''na?mag-iibang bansa kana?''..kinakabahang tanong ko
''hindi,anu naman gagawin ko sa ibang bansa kung nakita ko na ang kasiyahan ko dito''..natatawa sabi nito
''kung ganun naman pala, ano yung dapat ko pang malaman''...napawi bigla ang kaba ko
''gusto kita''..pag-amin nito
''ah''
''i like you Casey at gusto ko sana ligawan ka '' walang preno sabi nito
''saglit?nagtitrip ka ba?o nalasing ka sa hot choco?''...hindi pa rin ako makapaniwala na sinasabi nito sa akin .
''I'm Serious,kung kailan ko naman sinabi sayo tsaka kapa magbibiro,hindi mo lang alam kung gaano ako kinakabahan ngayon.''.
''sorry,sorry nabigla kasi ako hindi ko kasi inaasahan na sasabihin mo yan sa akin,pero seryoso sige ,gusto kong sumubok ulit Cody...nakatingin na rin ako sa mga mata niya bakit pa ako magpapakipot kung alam ko din sa sarili kong gusto ko siya.
''thank you Casey''...nagulat ako ng bigla akong hatakin nito at yakapin,sobrang bango niya kahit di pa siya nakakapagpalit napayakap na din tuloy ako pero hindi ko pa siya sinasagot napayakap na siya...
Nagpaalam na siya pagtapos naming mag-usap, ako naman di pa din mawala ang ngiti ko hanggang pagpasok ko sa bahay,naabutan ko pa ang pamilya kong nanunuod ng tv at mukhang hinintay talaga nila ako,pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto agad na nagsalita ang Kuya ko na parang alam ko na ito yung tinatanong niya sa akin nung isang araw na kung nanligaw na ba sa akin.
''ano,okey na ba?''
''anong pinagsasabi mo kuya?''...patay malisya sabi ko
''heto naman,ano nagsabi na ba siya sayo,si Cody nagsabi na ba?..paulit-ulit na tanong nito
''So alam niyo naman pala talaga ang balak niya pero wala kayo sinasabi sa akin''...umupo ako sa tabi ni Mama na kunwari nagtatampo.
''sorry anak,matagal na siya nagpaalam sa amin manligaw siya sayo,akala nga namin nagliligawan na kayo madalas kasi kayo magkasama na e may pagkatorpe pala ang batang yun.''..sabi ni Mama
''gustong gusto ko nga yong bata na yun anak para sayo kaya huwag mo na masyado pahirapan''...sabi ni papa.
''oo nga anak para pagtapos ni kuya mong ikasal ikaw naman''...dagdag pa ni Mama
''Ma,wala pa nga kami sa stage na yan,hay ang advance niyo mag-isip,makaakyat na nga po''...nahihiya sabi ko.
''Ma ,pa huwag natin sila pangunahan baka maudlot pa ang lovelife niyan,baka bigla mauntog si Cody at bigla umatras''...tumatawa sabi ni kuya
''kuya!,..nakakainis ka talaga,,akyat na nga ako''..nagmamaktol akong umakyat sa kwarto ko tawa naman sila ng tawa sa akin.