KABANATA 12

1183 Words
 walang palya ang bulaklak na natatanggap ko sa mesa ko  araw-araw ,ako tuloy ang tuksuhan sa building namin,nginingitian ko na lang sila,walang pangalan na nakalagay sa card ng bulaklak na natatanggap ko pero alam ko naman na galing yun kay Cody dahil magtetext ito sa akin kung natanggap ko na ang bulaklak na pinadala niya..Napag-usapan namin dalawa na kami na lang muna ang makakaalam na nililigawan na niya ako ayoko kasi malaman ng mga pinsan niya dahil sigurado tutuksuhin ako ng mga ito.Abala ako sa Computer ko ng lapitan ako ni Auston,nakangiti pa ito sa akin habang nakatingin sa bulaklak na nasa mesa ko na parang may gustong sabihin. ''anong nginingiti mo diyan?''...taas ang kilay tanong ko dito buti na lang busy mga kasamahan ko sa trabaho kaya di nila kami pansin. ''wala naman,may dinner pala tayo mamaya pagtapos ng work kasama sina Dian at Raine''...paalala nito sa akin. ''oo nga pala tumawag sa akin kagabi si Raine magkikita kita pala tayo mamaya,sige sabay na lang ako sayo'' ''bakit sa akin?,hindi pwede yun gusto mo magalit si Cody pag ginawa mo yun''....nanunuksong ngumiti ito sa akin ng nakakaloko na parang may alam na siya tungkol sa amin ni Cody. ''bakit naman siya magagalit''..hindi ko pagpansin sa panunukso niya. ''huwag ako Cassandra'' ''Casey ang pangalan ko hindi Cassandra''..alam kong inaasar lang ako ng kausap ko at hinuhuli lang ako nito. ''lumalaki talaga butas ng ilong mo kapag napipikon ka kaya gustong gusto ka asarin ni Hunter,sige na mamaya na lang..''iniwan na ako nito at pumasok sa opisina ni Cody at malamang si Cody naman ang pagtitripan nito.. - Dinner,nauna na sa amin sa restaurant ang mga kasama namin magdidinner malapit na rin kami ni Cody sa restaurant,..kanina pa walang kibo itong kasama ko at parang may iniisip.. ''ayos ka lang ba?''..pukaw ko sa kanya ''Yeah,okey lang ako napagod lang siguro''....tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. ''umuwi na lang kaya tayo para makapagpahinga kana''..suggestion ko sa kanya ''dont worry, okey lang ako''...nginitian ako nito at hinawakan ang isang kamay ko habang ngdidrive siya lihim na kinakilig ko.Ilang minuto lang nasa Restaurant na kami,nakapag-order na ang mga kasama naming Couple tabi tabi na rin sila sa upuan at kami ni Cody ay magkatabi din.. ''ang tagal niyo kaya inorder ko na ang mga Favorite niyo''..sabi ni Auston na abala na sa sariling pagkain. ''medyo matraffic''...tipid na sagot ni Cody - abala na kami sa pagkain at nag-uusap-usap sila kung anung pwede gawin sa Holy Week malapit na kasi magsummer.. ''Mag boracay tayo?''..suggest ni Hunter ''sawa na kami ni Raine dun,every year yata kami pumupunta dun''..kontra ni Auston ''palawan?''...sabi ni Dian ''bohol na lang kaya''..si Raine naman. ''ikaw Casey?may gusto ka ba puntahan?...pagtatanong ni Hunter sa akin ''sa totoo niyan wala ako alam na lugar na pwede puntahan,kung saan lang ako yayain tsaka ako sumasama,sorry guys.. ''malapascua island in Cebu'' ...suggest uli ni Dian na mukhang nagustuhan ng mga kasama namin ''oo dun na lang hindi pa natin napupuntahan yun''...sagot ni Hunter ''ano Cody ayos naba sayo yun?...tanong ni Auston ''kahit saan okey ako basta kasama si Cas... kayo..''akala ko itutuloy na ni Cody ang pagbanggit ng pangalan ko buti na lang nakalusot. ''ang sweet talaga ng pinsan ko''..sabi ni hunter  - Pagtapos namin kumain nagkanya kanya na kami,nauna na kami ni Cody pupunta pa daw sa bar ang apat para uminom inaaya nila kami pero ayaw ni Cody.Nasa biyahe na kami ni Cody,Panaka naka ko siyang sinusulyapan,ang sarap talagang titigan ng mukha niya.. ''tapos ka ng pag-aralan ang buong mukha ko''...sabi nito sa akin,napapahiya akong ibinaling sa labas ng bintana ang paningin  ko. ''hindi naman kaya kita tinitignan''...pagpapalusot ko ''okey lang titigan mo ko ng titigan basta huwag ka lang tititig ng ganyan sa iba'' ''ang corny ng mga banat mo''..natatawang sabi ko. ''hindi ako nag pipick up lines,..gusto ko sa akin ka lang titig ng ganyan,maliwanag.. ''okey sabi mo e'' nasa labas na kami ng gate ng bahay hindi pa ako bumababa ng sasakyan ni Cody pinatay na muna niya ang makina ng sasakyan niya. ''hindi kana ba papasok sa loob?''..tanong ko sa kanya. ''hindi na baka magising pa si tita'' ''sige,bababa na ako'.'..bumaba na ako ng sasakyan pinigilan ko na siyang pagbuksan ako ng pinto para agad makaalis siya dahil gabi na din at alam ko pagod na rin siya sa maghapong trabaho. ''goodnight'' ''goodnight Cody'' ''sige na pumasok kana sa loob aalis na din ako''...sabi niya sa akin sa  nakabukas  na  bintana  ng sasakyan niya. ''sige,(tumalikod na ako sa kanya at muling bumalik sa kanya)oo nga pala may nakalimutan akong sabihin sayo''...kinakabahang sabi ko ''ano yun?'' ''sinasagot na kita''...sabi ko at tinalikuran na siya naglakad na ako papuntang gate at ng bubuksan ko na ang pinto bigla na lang ako hinatak ni Cody nakababa na pala ito ng sasakyan niya ng di ko namamalayan at pagharap ko sa kanya dinampian niya ako ng halik sa labi. ''goodnight,i love you,sige na pumasok kana sa loob aalis na ako'' ''sige''...napapatulalang sabi ko..hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari pumasok na ako sa gate at sinara ang pinto nagmadali na ako pumasok sa loob ng bahay baka kasi magtitili pa ako dahil  sa kilig na nararamdaman ko.. - Nang gabing iyon di ako dalawin ng antok,hindi naman ito ang isang beses na kiligin ako naramdaman ko din naman ito kay Max pero iba si Cody ramdam kong mahal talaga niya ako,ganun din naman ako sa kanya mahal ko na siya kaya para sa akin sapat na ang limang buwan panliligaw niya kaya sinagot ko na siya dun din naman kami pupunta bakit patatagalin pa, kung mahal at gusto naman namin ang isa't-isa at isa pa natatakot din akong tumandang dalaga na tulad ng sinasabi ni kuya at iyon ang ayokong mangyari.. Hindi kami sabay na pumasok ni Cody kinabukasan dahil maaga ito sa opisina marami kasi siyang kakausapin na malalaking tao..Sakto namang paglabas ko ng gate nang  bahay may pumaradang kotse sa harap ko at si Kuya yon na kasama ang magiging hipag ko malapit na silang ikasal sa Church at mukhang magsisimula na sila maghanda para sa nalalapit na kasal.. ''kuya,hi ate''..bati ko sa mga ito ng makita ko silang bumaba ng Kotse at lumapit sa akin. ''hi Sis,si Mama?''...sagot ni Nina ang magiging asawa ni Kuya ''nasa loob,hindi niyo kasama si Papa?''...tanong ko sa mga ito napansin ko kasi sila lang ang bumaba ng Kotse. ''May lakad sina Papa kaya di nakasama,papasok kana ba?..si kuya ang sumagot sa akin ''oo papasok na ako,magtatagal ba kayo dito ''oo hanggang sa kasal na kami dito,ihahatid na kita Bubwit'' - kuya ''huwag na kuya,sige na papasok na ako baka mahuli pa ako sa trabaho,pasok mo na yang sasakyan mo,bye ate mamaya na uli tayo mag-usap''..paalam ko sa mga ito ''sige hipag,mag-iingat ka'' ''bubwit ingat ka ah'' ''oo kuya'' Ikakasal na ang Kuya ko buti naman at nakatagpo na rin siya ng babae para sa kanya,ang sarap din tuloy mangarap na ikasal,okey lang sa akin kahit hindi bongga ang magiging kasal ko ang mahalaga makakasama ko ang taong mahal ko,at pinagdarasal kong si Cody na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD