KABANATA 13

2204 Words
Sumandal ako sa upuan ko para hilutin ang sentido ko, katatapos ko lang gawin sa Computer ang mga kailangan ni Cody, tumunog ang telepono nasa ibabaw ng mesa ko agad ko naman ito sinagot. ''Good Morning Maam and Sir,this is Fuentilla's Co,''di ko na naituloy ang sasabihin dahil sa tawa ng lalaking nasa kabilang linya,na alam na alam ko na kung sino. ''good morning Sweety,I need you here in my office,hintayin kita''..yun lang at ibinaba na ni Cody ang tawag Tinignan ko muna ang sarili ko sa maliit na salamin nasa mesa ko at ng masiguro kong maayos naman ang buhok ka ay tumayo na ako at nagtungo sa pintuan ng opisina ni Cody hindi na ako kumatok binuksan ko na lang ang pinto at pumasok sa loob naabutan ko siyang nakasandal sa sofa na may hawak na papel na mukhang pinag-aaralan nakakunot kasi ang noo nito, lumingon naman siya sa akin ng marinig niya sigurong bumukas ang pinto,sumenyas siyang lumapit ako sa kanya naglakad naman ako papunta sa kanya at tumabi sa upuan niya.. ''tired?''..tanong ko sa kanya hinawakan ang isa niyang kamay at minasahe ito.. ''hmpp''..maiksing sagot niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko ''wait pagtitimpla kita ng Juice''..akmang tatayo na ako pero pinigilan niya ako ''hindi ko kailangan yun,dito ka lang sa tabi ko,kailangan ko magrecharge ''..namalayan ko na lang ang labi niya sa labi ko,hindi ko na naman napaghandaan ang ginawa niya kaya nanatili lang ako nakaupo at nakasara ang bibig ko,nagtagal ng ilang segundo ang halik niya at nakabawi lang ako ng pagkagulat ng lumayo na siya sa akin. ''my energy is back,I can finish it now''..ngumiti siya sa akin at kinuha niya muli ang papel na hawak niya kanina ,ako naman nakatingin pa rin sa kanya at hindi pa din gumagalaw,lumingon siya muli sa akin at may balak na naman sana akong halikan ng bumukas ang pinto at iluwa doon si Auston at Hunter na natatawa sa amin ni Cody dahil hawak pa din ni Cody ang ulo ko at pasimple na lang niya inialis ang kamay niya sa likod ng ulo ko. ''i knew it''...nakangisi sabi ni Hunter ''so ngayon alam ko na na totoo ang hinala natin''....sabi naman ni Auston at umupo sa tapat namin ni Cody,para tuloy silang mga police na nag-iimbestiga sa kasalanan namin ni Cody. ''anong sinasabi niyo?''....maang-mangan na tanong ko. ''meron ba kayong di sinasabi sa amin?'';;tanong ni Auston,sabay naman kami sumagot ni Cody ''meron'' - cody ''wala''..sagot ko pero wala na huli na kami dalawa ''ano ba talaga,ikaw na lang Cody tatanungin ko,ano namamagitan sa inyo ni Casey?kay Cody na lumingon si Auston alam naman kasi nito di ako aamin sa kanya,ang galing talaga makatunog ng lalaking ito.. ''she's my girlfriend''...daretso sagot ni Cody na kinalingon ko sa kanya umiwas naman siya ng tingin sa akin. ''sabi ko na nga ba e,last month pa ano,o hindi lang?.....sabi naman ni Hunter nakatayo sa likod namin ni Cody. ''six months''..sagot muli ni Cody,ganun na pala kami katagal na hindi man lang namin namamalayan. ''Casey''...sabi ni Auston na nagtatanong kung totoo,bakit ba hindi ko pa sabihin sa kanila ang totoo at bakit pa ba ako magsisinungaling. ''oo kami ni Cody,sorry ayaw ko naman ilihim sayo yun kaso kasi lagi niyo kami inaasar ,kayong dalawa ni Hunter''...pagpapalusot ko na lang sa bestfriend kong si Auston. ''kasalanan ko pa,kung kailan matagal na kayo dun niyo pa lang pinaalam''..angal naman ni Hunter ''ayos lang yun bestfriend tayo di ba,,Bro basta huwag na huwag mong paiiyakin si Casey kasi kahit pinsan kita Sasapakin kita''..sabi ni Auston tinitigan si Cody. ''hindi yun mangyayari bro''...agad naman sagot ni Cody na palihim kong kinakilig.. ''Auston I think kailangan na natin mag exit dito naiinggit na ko sa dalawang ito''...sabi ni Hunter ng akbayan ako ni Cody ''mas mabuti pa nga para matapos niyo na rin ang trabaho niyo''....sabat naman ni Cody ''tapos na kaya,sa saturday pala sama kayo ni Casey nag-aaya sina Raine at Dian sa labas tutal mukhang di matutuloy ang cebu natin dahil mga busy tayo pare -pareho''....sabi ni Auston ''kayo na muna siguro may lakad kami ni Casey sa saturday'' ''okey,parang alam ko na kung saan'' ''sige na mamaya na lang uli kami manggugulo,goodluck Casey sana tumagal ka sa Pinsan ko..''pagbibiro ni Hunter ''lumabas na nga kayo sinisira niyo ang araw namin e''sabi ni Cody tumayo at lumapit sa dalawa niyang pinsan at hinatak ang mga ito palabas.. Sabado Hindi sinabi ni Cody sa akin kung saan kami pupunta,umidlip na muna ako sa sasakyan at nagising na lang ako ng may tumapik sa balikat ko,pagmulat ko ng mata si Cody agad ang nakita ko nakababa na pala ito ng sasakyan at binuksan ang pinto nasa gawi ko. ''andito na tayo,let's go'' ''kanino bahay ito?''palinga-linga ako sa paligid ng makababa ako ng sasakyan niya nandito lang naman kami sa loob ng malaking gate sa tapat ng napakalaking bahay..Sobrang ganda din ng paligid na punong puno ng mga halaman at iba't ibang klase ng  puno. ''sa parents ko''..nakangiti niyang tugon ''ano?,bakit di mo man lang agad sinabi sa akin''hinampas ko siya sa braso paano ba naman kasi di man lang ako nag-ayos nagsuot lang ako ng skinny jeans at croptop na kulay yellow akala ko pa naman kasi mamamasyal lang kami sa isang amusement park,naisip ko kasi gusto niya maglibang dahil sa isang linggong trabaho.. ''dont worry Mabait si Daddy at Mommy,tara pasok na tayo sa loob kanina pa sila naghihintay ,oo nga pala andiyan din mga kapatid ko,Family Gathering namin ngayon kaya kumpleto sila'' ''hindi ba nakakahiya,hindi man lang ako nakapag-ayos''..nag aalinlangan na tanong ko ''syempre hindi kahit di ka mag-ayos you still beautiful in my eyes''nginitian niya ako at dinampian ng halik sa noo na kinangiti ko din. Pumasok na kami sa loob ng bahay ,dumaretso kami sa kusina pero walang tao,lumabas uli kami sa pintuan ng kusina at patungo kami sa likod bahay,na lalo kinamangha ko ang dami mga orchids at cactus na halaman ang naroon at may swimming pool nakita ko ang mga tao nasa isang malaking kubo para ngang di ito kubo kung tutuusin pero yari kasi ang bubong nito sa kahoy..Nang makalapit kami sa mga ito tsaka ako pinakilala ni Cody humalik siya sa magandang ginang na parang hindi nalalayo sa edad ni Mama nagbless naman siya sa medyo may edad na pero gwapong lalaki hawig  ni Cody. ''mom,dad she's Casey my Girlfriend''pakilala niya sa akin sa mga ito agad ko naman sila nginitian ''hello po magandang umaga po''..nahihiyang sabi ko,lumapit sa akin ang Mommy ni Casey at nakipagbeso sa akin nakipagkamay naman sa akin ang Daddy niya kaya di na ako nakapagmano sa kanila(nagbless). ''Hi iha masaya kaming makilala ka'' nakangiti sabi ni Mrs.Fuentilla ang Mommy ni Cody ''welcome to our Family''..sabi naman ng Daddy niya ''uy saglit bakit sa amin di mo pinapakilala''..sabat naman ng di kalayuan sa aming babae,maganda din siya at matangkad kaharap nito ang dalawang gwapong lalaki kahawig din ng Daddy ni Cody. ''casey sila pala ang mga kapatid ko,si ate Rica,Si kuya Mike at Kuya Cedric''.pakilala ni Cody sa mga ito sa akin. ''Hi Casey''..bati sa akin nung Mike tingin ko siya yung panganay sa kanila ''hi magandang araw po''..sagot ko naman sa kanya ''akala namin wala ng makakabihag sa mailap na puso ng kapatid namin e buti na lang dumating ka''..nakangiti naman sa akin yung Cedric na mukhang bolero ''huwag ka lang sana mauuntog''..dagdag naman nung Mike sa sinabi ni Cedric ''kuya tigilan niyo nga si Casey''..nababadtrip na sabi ni Cody ''halina muna kayo kakain na''..naputol ang pag-uusap namin ng tawagin kami ng Mommy ni Cody pumunta na kami sa malaking mesa at doon pinagpatuloy ang usapan ''oo ng pala ate asan ang mga pamangkin ko''..pagtatanong ni Cody sa ate niya ''nasa kwarto natutulog''..sagot naman ni Rica na sumasandok ng kanin ''ikaw kuya asan ang mag-ina mo?''tanong naman ni Cody sa kuya Mike niya ''nagbakasyon sila sa mga biyenan ko pero uwi na sila bukas isang linggo na sila doon e'' ''kaya pala binatang binata ka ngayon''..pagbibiro ni Cody dito ''heto si Cedric nilayasan na siya ng buntis niyang asawa''..sabi pa ni Michael ''bakit na naman''nakakunot ang noo tanong ni Cody dito. ''maniwala ka diyan kay kuya umuwi lang din sa kanila doon niya gusto manganak e sunod na lang ako kapag kabuwanan na niya'' sagot naman ng nakasimangot na si Cedric ''iha kumain ka lang diyan huwag kang mahihiya sa amin''..baling naman sa akin ng Mommy ni Cody'' ''opo salamat po''..ngiting sagot ko Nang matapos kami kumain ay may lumabas na dalawang maid para ligpitin ang mga pinagkainan namin,naglabas naman ng alak ang Daddy ni Cody,ako naman inaya ng ate ni Cody sa may kahoy na  duyan na pwede umupo ang dalawang tao at doon nakipag kwentuhan siya akin inabutan niya ako ng isang basong may wine,magaan ang loob ko sa kanya at napakabait nila kahit sobrang yaman nila.. ''wine lang yan di ka malalasing,sabi kasi ni Cody bawal ka daw uminom,kamusta naman pala kayo ng kapatid ko? ''ayos naman kami ate,magkasundo naman kami sa lahat bagay''..napapangiti kong sabi ''mahal mo talaga ang kapatid ko,napapangiti ka diyan e''.panunukso nito sa akin ''mahal na mahal ko siya''..hindi akong nahihiyang inamin yun sa ate ng boyfriend ko ''huwag mo sanang iiwan ang kapatid ko,alam kong mahal ka din ng kapatid ko lagi ka kaya niya bukang bibig sa akin everytime na magkausap kami sa phone at para siyang baliw na binabanggit ang pangalan mo,ngayon lang siya nagkaganyan pagtapos nung kay Ashley.. ''ashley?''biglang tanong ko di ko kasi kilala ang binanggit niyang pangalan. ''sorry Casey masyado na akong madaldal''..parang nabigla ito sa pangalan na nabanggit ''sino si Ashley ate?''..na curious ako kaya nagtanong na ako. ''hindi niyo ba siya pinag-usapan ni Cody?''..nag--aalangan pa rin sumagot sa akin ang ate ni Cody. ''wala naman siya nabanggit sa akin''.hindi na kasi namin pinag-usapan ang mga nakaraan namin naging karelasyon ni Cody at hindi rin namin tinatanong ang isa't isa tungkol dito. ''ex girlfriend siya ni Cody,akala nga namin sila na ang magkakatuluyan sobrang mahal na mahal kasi nila ang isa't - isa,mahal na mahal din ni Mommy yun kaya galit na galit siya kay Cody noon ng malaman niyang nakipaghiwalay itong kapatid ko kay ashley di naman kasi alam ni Mom ang tunay dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa actually ako,si Cody at Auston lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan,ayaw din kasi paalam ni Cody kay Mom ang totoo dahil ayaw ni Cody masira ang pagtingin ni Mom sa anak ng bestfriend niya,at isa pa inaanak ni Mommy si Ashley sa binyag.''mahabang kwento nito sa akin. ''bakit ba sila naghiwalay ni Cody''..na curious na tanong ko. ''nasa ibang bansa noon si Cody umatend kasi siya sa event ng mga engineer,akala ni Ashley noon magtatagal ang kapatid ko sa ibang bansa e itong si Cody nag pabook agad ng ticket pabalik dito sa Pilipinas dahil i susuprise niya ng kasal si Ashley two years ago,magkasama na kasi sila sa Condo noon kaya alam niyang maabutan niya si Ashley sa Condo niya pero siya ang nasupresa dahil nahuli niyang may katalik na ibang lalaki si Ashley mismo sa loob ng Condo ni Cody,sobrang desperada pa ang babaeng yun kinausap pa niya si Mommy para lang pagbalikin silang  dalawa ni Cody kaso di naman alam ni Mommy ang dahilan kung bakit naghiwalay yung dalawa kaya tinulungan niya pa din mapalapit si Ashley sa kapatid ko,sa sobrang inis ni Cody  kaya lumipat na lang siya sa ginawa niyang  bahay  buti nga di pa niya nadadala si Ashley doon  kaya di na siya natuntun nito hanggang sa umalis na lang si Ashley at nagpunta ng Macau''mahabang kwento nito ''may pagkakapareho pala kami ni Cody pareho kaming naloko noon ng mga pinagkatiwalaan naming tao''.seryosong sabi ko naalala ko na naman ang naging sitwasyon ko din kay Max noon ng mahuli ko siya nagtataksil sa akin.. ''niloko ka din ng ex mo?.well may ganun talagang mga tao hindi nila kayang iwasan ang tukso kahit na alam nilang may mga tao sila masasaktan,sana nga Casey kayo na lang ng kapatid ko at kahit ngayon pa lang kita nakaharap sigurado akong magiging mabuting asawa ka sa kapatid ko,nasa edad na rin naman kasi siya at isa pa siya na lang ang wala anak sa amin,si Mommy medyo bata pa kaso si Daddy may edad na mukha lang talaga siyang bata dinaan kasi sa kapogian''..sabi ni Ate Rica,pogi naman talaga ang daddy nila kaya di mahahalata matanda na ito kumpara sa Mommy nilang batang bata pa. ''sana nga ate,yun din naman ang hinihiling ko e na sana si Cody na''..nakangiti sagot ko sa ate ni Cody yun din kasi ang talagang hiling ko na si Cody na ang lalaking pakakasalan ko para kasi sa akin wala na akong mahihiling pa kay Cody kahit di pa kami ganun katagal na magkarelasyon alam kung mahal na mahal ko na siya ..Pero di ko pa din maiwasang isipin kung hindi na ba talaga mahal ni Cody si Ashley kung ako kasi ang tatanungin matagal ko ng hindi mahal ang ex ko at siguradong sigurado kong si Cody lang ang mahal ko gusto ko din makasiguradonng wala ng nararamdaman si Cody sa ex girlfriend niyang si Ashley dahil ayoko na muli masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD