KABANATA 14

1145 Words
Casey Pov Katatapos ko lang maglinis ng bahay,nagpalit ako ng mga kurtina at mga punda na madalas kong gawin pag off ko sa Work,umakyat muna ako sa kwarto ko at umupo sa upuan malapit sa may bintana kinuha ko ang phone ko na kanina pa tumutunog, tumatawag pala sa group namin sa messenger ang kaibigan kong si Trish kinuha ko ang phone ko at nagjoin sa call nila. ''girl tagpuin mo naman kami sobra kana namin na mimiss''.pagmamakaawa ng kaibigan kong si Mace at Trish  na ka video call ko,Halos sa phone ko na lang sila nakakausap madalas kasi ko di nakakasama sa kanila dalawa lagi lalo na pag sa   Bar nila ako inaaya kaya madalas ako magdahilan sa kanila,ayaw ko na kasi magpunta ng Bar,ayoko ng magalit si Mama sa akin at isa pa ayaw din ni Cody sigurado yun. ''saan ba tayo magkikita basta huwag sa Bar bawal na ako pumunta doon''agad na sabi ko sa kanila tiyak naman kasi dun na naman nila ako aayain. ''aawayin ko na yang Cody na yan pinagbabawalan ka''nakirap na sabi ni Mace ''hindi naman si Cody,talagang ayoko na magpunta ng Bar ,isa pa magagalit na naman si Mama pagnalaman niyang sa Bar ako pupunta kilala niyo naman yun ayaw ako umiinom nun''.Pagpapaliwanag ko ''sasamahan mo lang naman kami kahit mag juice ka lang,talagang kailangan ko kayo ngayon ni Mace,please''..sabi ni Trish na tuluyan ng umiyak,mukhang may malaking problema nga ito. ''saglit may problema ka ba?''Paniniguro ko baka kasi naiiyak lang siya dahil namimiss niya lang ako. ''girl kaya nga kailangan niya tayo ngayon''naka nguso sabi ni Mace,kulang na lang sabihin niya sa akin napaka slow ko talaga.. ''sige,sige sasama na ako,anu oras ba tayo magkikita?''.pagsang-ayon ko na lang tutal di naman ako iinom at mga kaibigan ko ito kailangan ako ngayon ni Trish,since high school ay kami na ang magkakasama at kaming tatlo lang ang nagdadamayan pag may problema ang isa sa amin.. ''seven''mabilis na sagot ni Mace ''sige magkita na lang tayo text niyo yung lugar'' ''doon pa din sa madalas namin puntahan'' sagot uli ni Mace ''Ok sige,tahan na Trish sige na maliligo na muna ako para mapuntahan ko kayo mamaya'' Binaba ko na ang cp ko sa side table ng kwarto ko,tinext ko lang si Cody na pupuntahan ko si Trish at hindi na hinintay ang reply niya,bumaba na ako sa sala para makapagpaalam kay Mama,nasa sala sila kasama ng hipag ko at busy silang nanunuod..Pagbaba ko ay agad akong lumapit sa kinauupuan ni Mama at tumabi sa Kanya ng magcommercial ang pinapanuod nila tsaka ako nagsalita.. ''ma,magpapaalam po sana ako''..halos pabulong na sabi ko kay Mama ''Anu naman ipagpapaalam mo?mag-aasawa kana?di naman kita pipigilan kung mag-aasawa kana matanda kana at alam mo na yang ginagawa mo,ayoko din naman tumandang dalaga ka lang diyan''..natatawa sabi sa akin ni Mama sa huling sinabi niya,natawa na rin ang hipag ko sa itsura ni Mamang iniinis ako. ''Ma naman e,pati ikaw inaasar ako''..paglalambing ko sa Mama ko niyakap pa ang isa braso niya ''naku anu naman kaya ipagpapaalam nito at nag papababy pa'' ''magkikita kasi kami ng mga kaibigan ko Ma,pwede po ba ako sumama sa kanila?nagpapacute na sabi ko kay Mama ''e di sumama ka,basta huwag na huwag kayo iinom'' ''Ma,sa Bar kasi nila gusto...pero promise Ma di po talaga ako iinom''sabi ko kay mama na itinaas ko pa ang dalawang kamay ko. ''ano?bakit sa bar pa,kung gusto nila uminom sabihin mo dito na lang sa bahay basta huwag sa labas baka mapaano pa kayo''..tumaas ang boses ni Mama sa sinabi ko alam ko naman di talaga siya papayag kung sa Bar ako pupunta. ''Ma kailangan ni Trish ng makakausap ngayon,alam niyo naman mga matatalik ko kaibigan ang dalawang yun,wala naman ibang mapagsabihan si Trish dahil nasa ibang bansa na lahat ng Pamilya niya kami na lang  ni Mace ang malalapitan niya''..mukhang naawa naman si Mama sa kaibigan kong si Trish,kilala naman na kasi ni Mama ang dalawang yun na noon ay halos araw-araw na nagpupunta dito sa bahay. ''O siya sige papayagan na kita pero huwag na huwag ka iinom ha'' ''opo Ma,promise po talaga''..tumayo na agad ako at hinalikan muna si Mama sa mukha bago umakyat nagmadali na ako baka kasi magbago pa ang isip ni Mama Cody Pov Palapit na ako sa pinto ng office ko ng bumukas ito ''oh uuwi kana?''tanong sa akin ni Auston na siyang nagbukas ng pinto ng office ko ''yeah,pupuntahan ko si Casey''..kinuha ko na ang gamit ko at nagsimula ng maglakad patungo sa pintuan ''may lakad tayo ngayon nakalimutan mo na ung usapan natin ng mga pinsan natin?'inakbayan ako ni Auston,naalala ko nga pala may usapan kami magpipinsan ngayon pero wala ako sa mood magbar ngayon. ''ngayon ba yun?''maang maangan kong tanong ''yeah.,inaantay na nila tayo sa bar ni Paul at tayo na lang ang wala,pinauna ko na si Hunter talagang inantay kita sigurado kasi di kana naman sasama''..sabi ni Auston,pasakay na kami ng Elevator pero nakaakbay pa din ito sa akin ''pagod ako bro''..sagot ko dito,wala talaga ako gana gumimik ngayon ''kahit sumaglit ka lang magpakita ka lang sa mga pinsan natin''..pakiusap sa akin ni Auston ''okey sige'' Sa labas pa lang ng Bar ay maririnig mo na ang malakas na Musika nanggagaling sa loob ng Bar,pagpasok namin ni Auston ay halos mabingi na ako marami na rin ang nagsasayaw sa dance floor,napapailing na lang ako sa mga nakikita kong babae nakasuot ng maiiksing damit at nakikipagsayaw sa mga lalaki,.Hinatak ako ni Auston paakyat sa 2nd floor ng Bar,meron kasing VIP Room doon na pwedeng rentahan kung gusto niyo mapagsolo ng grupo niyo,may videoke din sa bawat Room at hindi mo maririnig ang ingay sa labas pag nasa loob kana ng Kwarto..Pumasok kami sa Room 5 andun na ang apat na pinsan namin naghihintay kabilang si Hunter,andun din si Kurt ang bunsong kapatid ni Hunter nasa 20 na ito kaya siya ang pinaka bata sa amin,si Jack ang nag-iisang anak ng bunsong kapatid nila Dad.,tumabi ako sa kanila sa upuan agad naman silang nakipagkamay sa akin..Ganun ang pang-asar nila sa akin kailangan daw nila ako igalang dahil ako ang tagapagmana ng Lola namin.. ''buti kuya sumipot kana sa amin''..sabi ni Kurt sa akin ''oo nga minsan kana lang namin makabonding tuloy di kita napakilala sa chicks na papakilala ko pa sana sayo''..banat naman ni Jack ''pasensiya na kayo busy lang sa trabaho''...pagdadahilan ko naman.. ''busy na yan kasi lumalovelife na ang kuya niyo''....pang-aasar naman ni Hunter na di ko na lang pinansin,inabutan ako ni Auston ng isang boteng beer,kinuha niya ang mic at sinimulang kantahin ang favorite niya sa videoke ang kanta na ''para sayo'' ng Parokya ni Edgar. Marami na kaming nainom magpipinsan na pasarap din kami sa kwentuhan at kantahan,nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko para magpunta ng Restroom gusto ko din maghilamos dahil ramdam ko ang pamumula na ng mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD