Nakabalik na ako sa mga pinsan ko,ilang minuto lang din at nagkayayaan na kami bumaba sa may dance floor gusto daw kasi nilang sumayaw muna bago kami magsipag-uwian,Bumaba na kami sa 1st floor ng Bar kung saan makikita ang Dance floor,hindi na ako sumama sa mga pinsan ko ng dumaretso na sila sa may stage at nagsasayaw pumunta na lang ako sa bakanteng table at tumawag ng waiter para umorder uli ng beer,agad naman dumating ang iniorder ko,patingin tingin ako sa paligid ko nakikita kong ang dami babaeng nakikipagsayawan sa mga lalaki,may ibang babae din lumalapit sa table ko at gusto makipagsayawan sa akin pero tinatanggihan ko sila,napadako ang paningin ko sa tatlong babae nagsasayaw sa gilid ng stage at mukhang pamilyar sa akin ang dalawa,di ko masyado makita ang mukha ng isa dahil nakatalikod ito sa gawi ko,may lumapit na lalaki sa mga ito pero sa babeng naka black na dress lang ito nakikipag-usap ng mapadako sa gilid ang mukha ng babae tsaka ko ito namukhaan,,mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na nakalapit sa kanila,hinatak ko ang braso niya at laking gulat niya ng makita ako doon..
''Cody''
''let's go''
Hinatak ko siya palabas ng Bar,hindi ko na naisip kung nasasaktan ko siya sa paghawak ko sa braso niya ang alam ko lang naiinis ako sa kanya
Casey Pov
Hinatak ako ni Cody palabas ng Bar nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan ko
''Cody nasasaktan ako,saglit lang hindi pa ako nakakapag paalam sa mga kaibigan ko'',,nasa labas na kami ng Bar binitiwan niya ang kamay ko ng nasa harap na kami ng sasakyan niya,amoy na amoy ko ang alak na ininom niya at sigurado ako lasing siya kaya ganito siya sa akin
''what?''sigaw niya sa akin,sa tinagal naming magkasintahan ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito
''magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko saglit lang'',tinalikuran ko na siya at lumapit sa mga kaibigan kong nakasakay na sa kotse ni Mace
''ayos lang ba kayo?''tanong ni Mace na di naman gaano lasing dahil hindi ito masyado uminom, si Trish lang ang nalasing sa amin at ako hindi ako malalasing dahil Juice lang talaga ang ininom ko.
''sorry''..sabi ni Trish na namumungay na ang mata.
''hindi mo yun kasalanan hindi ko din kasi alam na andito siya,sige na mauna na kayo huwag kayo mag-alala sa akin,,ingat sa pagdrive Mace tawagan niyo ko pag nasa bahay na kayo''nakangiti sabi ko sa mga kaibigan ko
''sigurado ka kaya mo na siya ah,,mukha pa naman siyang nakakatakot''sabi pa ni Mace
''don't worry di naman kami mag-aaway,sige na umuwi na kayo''..pinaandar na ni Mace ang makina ng sasakyan niya at umalis na sila,bumalik naman agad ako kay Cody na naghihintay na sa loob ng sasakyan niya,pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan niya ng hindi nagsasalita,nakayuko lang siya sa manibela at hindi ako iniimikan.
''Cody''..ako na ang unang nagsalita alam ko namang may kasalanan ako sa kanya..
''Bakit di mo sinabi sa akin pupunta ka sa Bar?nakailang tawag at text ako sayo pero di ka sumasagot?''.nag-angat na siya ng ulo at tinititigan ako umiwas naman ako ng tingin sa kanya di ko kaya labanan ang matalim na titig niya sa akin.
''sorry naiwan ko yung phone ko sa may table ng room ko,hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmadali na akong puntahan sila may problema kasi si Trish''
''may problema?enjoy na enjoy nga kayo makipagsayawan dun tapos sasabihin mo may problema ang kaibigan mo,alam mo din naman ayokong nagpupunta ka ng Bar''
''alam ko pero kaibigan ko yun kailangan nila ako,ikaw din naman di ka nagsabi sa akin pupunta ka ng Bar''.Balik ko sa kanya
''nagtext ako sayo at kaya nga tinatawagan kita dahil sasabihin ko sayo pero hindi ka nga sumasagot''
''sige na kasalanan ko ng lahat kaya nga humihingi na ako ng Sorry sayo''..hindi siya sumagot sa halip pinaandar na lang niya ang sasakyan at wala siyang imik na nagdidrive hindi na rin ako nagsalita ayoko na rin kasi makipagtalo pa at isa pa kasalanan ko naman talaga,ngayon lang kami nagtalo ng ganito,dahil din iyon sa kagagawan ko
Nasa harap na kaming ng gate ng bahay,bumaba na ako ng sasakyan niya hindi pa rin niya ako iniimikan,.sinara ko na ang pinto ng sasakyan niya agad naman niyang pinaandar ang sasakyan niya at mabilis na pinaandar ito..
Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko,hindi dahil sa may hang- over ako kundi sa kakaisip kay Cody kagabi,tinatawagan ko kasi siya kagabi pero di siya sumasagot sa akin pati sa mga text ko,bumangon na ako at dali daling kinuha ang phone ko sa side table ng higaan ko,wala pa din siya text sa akin samantalang araw araw agad may text na siya sa akin ng mga sweet messages,,galit pa din talaga siya sa akin,hindi pa naman ako mapanuyong girlfriend.Napagpasiyahan kong tawagan na si Cody pero nag riring lang ang number nito,tinadtad ko na din siya ng text ko humingi ako ng tawad sa kanya aminado ako kasalanan ko naman.,ito ang una beses na nag-away kami hindi ako sanay na ganito kami dalawa,
''