Masakit ang ulo ko paggising ko kinabukasan napuyat ako kakaisip kay Cody tinatawagan ko siya kagabi pero di niya sinasagot ang phone niya,bumangon na ako at dali dali kinuha ang phone ko umaasang nagtext na siya sa akin pero nalungkot lang ako ng makita na wala siyang message sa akin..Naghilamos na ako at bumaba na sa kusina para makapgalmusal nadatnan ko ang hipag ko kumakain na sa mesa lumapit ako sa kanya at sinaluhan siya sa pagkain..
''may lakad ka ngayon?''tanong sa akin ni ate Nina(ang hipag ko)
''wala naman,bakit?''tanong ko sa kanya
''papasama sana ako sayo sa Mall bibili pa ako konting gamit namin ni Baby malapit na rin kasi ko manganak nextweek pa kasi uuwi ang kuya mo''..oo nga pala ang bilis talaga ng panahon magkakaroon na ako ng pamangkin kaya pala nagmadali din sila ikasal ni kuya dahil dinadala na niya ang magiging pamangkin ko,.
''sige sasamahan kita gusto ko din lumabas ngayon e''..agad na tugon ko sa kanya gusto ko din mawala ang stress ko kahit papaano.
Hapon na kami nagpunta ng hipag ko sa Mall nagtungo agad kami sa department store para mamili pa ng ibang gamit ni Baby,abala na ang hipag ko sa pagpili ng damit pang baby ako naman pumili din ng damit para sa akin ,nang matapos kami mamili inaya ko muna kumain ang hipag ko at napili niya kumain sa Restaurant na paborito daw nila ni Kuya pinagbigyan ko naman siya..pagkaupo namin ay agad kong tinawag ang waiter abala na kami sa pagkain ng mapatingin ako sa labas ng kinakainan namin ni ate Nina napansin ko agad ang isang lalaking naka khaki short at white shirt, naka white shoes din ito, sa simpleng suot niya di pa din nababawasan ang kagwapuhan niya,,kumunot ang Noo ko ng makitang may kasama siyang matangkad at sexy babae papunta sila sa department store..
''sino tinitignan mo?''tanong ni Ate Nina sa akin at lumingon na din sa tinitignan ko pero di na niya nakita sina Cody dahil nakapasok na ito sa Department Store.
''wala ate para kasing may Familiar na tao lang ako nakita''pagkakaila ko sa hipag ko,pinagpatuloy ko na ang pagkain ko kahit ang isip ko ay na kay Cody.
Pagtapos namin kumain ay inaya ko na si Ate umuwi para kasi biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita ko kanina.
''wait Casey may nakalimutan pala ako bilhin''..pigil ni ate sa Kamay ko
''may nakalimutan kapa ang dami na nating binili''..sabi ko sa kanya
''last na to please''..pakiusap niya sa akin
''okey sige''
Muli kami pumasok sa department store ng Mall,patingin tingin ako sa paligid ko dahil ayoko makita si Cody,agad naman nagtungo ang hipag ko sa Cashier para bayaran ang kinuha niya,pagtapos niyang magbayad ay hinatak ko na siya palabas ng may bumangga sa akin..
''sorry''
''sorry''..sabay na sabi namin ng babaeng nakasagi sa akin,napatingin din ako sa lalaking kasama niya na ngayon ay titig na titig sa akin..
''casey''..usal niya..
''cody''..matabang na sabi ko hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan
''magkakilala kayo honey''..sabi ng babaeng pinaglihi ata sa linta kung makakapit sa braso ng boyfriend ko kung di ko lang iniisip na maraming tao sa paligid namin baka kanina ko pa hinatak ang buhok nito buti na lang nakapagpigil pa ako.
''stop calling me Honey Ashley''..naiirita sabi ni Cody dito,..
- Ashley?so siya siguro ang ex girlfriend niya..sabi ng isip ko.''sige mauna na kami sa inyo,tara ate''..sabi ko sa kanila hinatak ko na ang kamay ni ate Nina at naglakad na kami palayo kina Cody.
''casey sandali''..hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Cody mas lalo ko pa binilisan ang lakad ko hawak ang kamay ng hipag ko na nakalimutan kong buntis pala..
''saglit hipag hinihingal na ako''..pagpigil ni ate sa kamay kong nakahawak sa kanya ng nasa labas na kami ng Mall.
''oppss sorry ate di ko sinasadya,may masakit ba sayo?''sabi ko na hinawakan ang malaki na ng tiyan,bigla ako na guilty sa ginawa ko.
''okey lang ako,ikaw okey ka lang ba?''ngumiti siya sa akin ng pilit,di rin mawawala ang pag aalala niya sa akin sa mga mata niya.
''oo naman saglit tatawag ako ng taxi''..tinalikuran ko na siya dahil di ko na napigilan tumulo ang luha ko pinahid ko agad ito para di na niya makita.Ganun ba kalaki ang naging kasalanan ko sa kanya para pagpalit niya ako agad parang hindi naman tama yun.
Agad naman ako nakakita ng taxi at agad na pinara iyon,gusto ko ng makaalis sa lugar na ito bago pa tuluyan bumagsak ang mga luha ko,...pagdating namin sa bahay ng hipag ko agad ako nagtungo sa kwarto ko...Narinig ko pa si Mama nagtanong sa hipag ko buti na lang di sinabi ng hipag ko ang nangyari sa Mall
Cody's Pov
Naiirita na ako sa kasama ko kung hindi lang ako pinakiusapan ni Mommy ay hindi ko talaga sasamahan ito sa Mall,nagulat na lang ako ng maabutan ko siya kanina sa bahay nila Mommy wala akong idea nakauwi na siya ng Pilipinas aalis na sana ako ng makita ko siya pero pinakiusapan ako ni Mommy na magstay muna sa bahay at humiling pa siya sa aking ibili siya ng Cake na paborito niya di ko din inaasahan na ipapasama niya sa akin si Ashley..
Nag-aalala ako ng makita kami ni Casey ayokong may isipin siyang di maganda sa akin kaya pagdating namin ni Ashley sa bahay ay agad na ako nagpaalam sa Parents ko para puntahan si Casey..
Nakailang doorble ako bago may magbukas sa akin ng pinto ng gate nila Casey
''gandang gabi tita,pasensiya na po kung naistorbo ko kayo..''agad na sabi ko sa Mama ni Casey nag-aalala ako na baka alam na niya ang nangyari kanina sa amin ni Casey.
''oh iho naku hindi ka naman nakakaistorbo halika ka pasok ka sa loob''..gulat na sabi niya ng makita ako
Sumunod na ako kay Tita sa paglakad papasok sa loob ng bahay nila,pinaupo niya ako sa sofa sa may sala
''saglit lang tawagin ko lang si Casey''
Casey Pov
bumukas ang pinto ng kwarto ko,pinatay ko ang ilaw kanina bago ako humiga sa kama ko kaya di agad makikita ni Mama ang pamamaga ng Mata ko alam ko naman na siya lang ang papasok ng kwarto ko para pakainin ako kanina pa kasi niya ako pinapababa para kumain pero nagtulog tulugan ako kanina dahil ayokong makita niya akong umiiyak..
''Casey anak di ka pa ba nagugutom?''sabi ni mama tinapik ako di na siya nag-abalang buksan ang ilaw ng kwarto ko
''hmmpp''
''wala ka ba balak kumain''
''busog pa po ako Ma,ayos lang po ako bababa na lang po ako mamaya pag nagutom ako''..sagot ko sa kanya
''bumangon kana diyan nasa baba si Cody''
''ano pong ginagawa niya dito?''..gulat na tanong ko pero nanatili pa rin ako nakahiga
''aba malay ko,mukhang may problema kayo dalawa babain muna siya doon at ayusin niyo yan''..sabi ni Mama sa akin
''ma pasabi natutulog na ako,ayoko po siya harapin ngayon''..sagot ko sa kanya
''Hay naku ikaw talagang bata ka kahit di ko nakikita yang mata mo alam ko namamaga na yan,ngongo kana magsalita.,kausapin mo na siya para maayos na yang problema niyo.''sermon ni Mama sa akin
''bukas ko na lang siya kakausapin Ma,huwag ngayon..please Ma''..pakiusap ko sa Mama ko umupo ako sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay niya.
''ano ba kasi nangyari?''..sabi ni mama pinisil ang palad ko,kahit kailan talaga ayaw na ayaw ni Mama nakikita akong nahihirapan lalo na pagdating sa Lovelife ko,siya nga ang taga payo ko pagdating sa pag-ibig.
''Bukas ko na lang po sasabihin sayo Ma,basta paalisin niyo na po siya ngayon di ko pa po talaga kaya kausapin siya ''..
''o siya sige na,pero anak payo ko lang sayo mas maganda pinag-uusapan agad ang problema bago lumala,,sige na paalisin ko na siya pero bumaba kana diyan pag-alis niya para makakain kana huwag na huwag mo pinapabayaan ang katawan mo kahit nagkakaproblema ka''
''opo Ma''..mahina sagot ko
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng kwarto ko at ilan sandali lang narinig ko na ang pag-andar ng sasakyan ni Cody paalis..