Kabanata 17

1280 Words
nakapag update din...meron po ba nag-aabang nito?pasensiya na po sa late na update,salamat din po sa mga nagbasa.,fafollow na rin po.hehe Pagpasok ko ng Lunes ay di ko nakita si Cody sa opisina niya naalala ko nasa business trip pala ito kasama si Hunter at Auston kaya nakapagtrabaho ako ng maayos pero  sa sobrang dami ng trabaho ko mukhang gagabihin na naman ako nito.,.Di pa din kami nakakapag usap ni Cody tumatawag at nagtetext siya sa akin pero di ko siya sinasagot hindi ko alam sa sarili ko kung bakit natatakot ako,natatakot ako na baka bigla niya ko iwan,basta natatakot ako pero miss ko na siya miss na miss na sadyang ma pride lang talaga ako bagay na kinaiinis ko din sa sarili ko.Lumipas ang maghapon ko na di ko na namalayan ang oras. ''Uy ano di kapa uuwi?''...tanong ni mina sa akin nag overtime din ito gaya ko alas 9 na pala. ''sige sabay na ako sayo di ko na namalayan ang oras''..napapakamot na sagot ko. ''kanina pa nga kita pinagmamasdan e seryosong seryoso ka diyan,tara na'' ''tara'' sumakay kami ng taxi ni Mina nauna siya bumaba sa akin dahil mauuna ang kanto ng bahay nila sa kanto ng bahay namin,naabutan ko ang sasakyan ni Cody sa labas ng gate namin bigla ako naexcite na makanita siya pero bigla din nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang babae kasama niya sa Mall,.pagpasok ko ng bahay ay naabutan ko siya kausap ang kuya ko na mukhang kauuwi lang din galing maynila nag-iinom sila nito andun din si Mama na mukhang hinihintay talaga ako,di ko pinansin si  Kuya at Cody pero sa totoo niyan gusto ko ng yakapin si Cody na nakatingin sa akin parang gumwapo ito sa paningin ko,nagmano ako kay Mama at akmang tatalikod na ako pero hinatak ako ni kuya at pinaupo sa tabi ni Cody. ''Bubwit na pa ka suplada mo naman,kanina ka pa hinihintay ni Cody'' ''kuya lasing kana''..pag-iwas ko sa sinasabi ni Kuya ''cody mauna na ako sa inyo mag-usap na kayo ng kapatid ko''.....umalis na nga si kuya sa harap namin at umakyat na sa kwarto nila ng hipag ko,nagpaalam na rin si Mama sa amin dalawa para siguro makapg usap kami ni Cody.Hindi ko alam kung anu sasabihin ko kay Cody ayoko ako ang magsimula ng lahat. ''Casey''..pagsisimula niya at hinawakan ang kamay ko ramdam ko ang panginginig ng kamay niya,kinakabahan ba siya. ''sorry,nung araw na yun gusto ko ng magpaliwanag sayo pero umiiwas ka sa akin,Im sorry Casey pero maniwala ka wala namamagitan sa amin ni Ashley,mahal na mahal kita alam mo yan''...hindi ko na napigilan ang luha ko niyakap niya ako ....''sorry sobrang miss na miss na kita,yung nakita mo sa Mall wala lang yun nakiusap lang si Mommy sa akin kaya ko siya kasama pero yun lang wala na iba ,Ashley is just part of my past hanggang doon lang yon''..pagpapaliwanag pa nito sa akin. ''naniniwala ako I'm sorry di ako nagtiwala sayo,inuna ko yung pagdududa at selos ko''..umiiyak na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. ''sshhh.,i miss you so much akala ko di mo na ko kakausapin di ko na alam ang gagawin ko di ako makapag-isip ng maayos''...hinawakan niya ang magkabigla pisngi ko at hinalikan niya ang labi ko ng puno ng pagmamahal. Nagpaalam na rin si Cody sa akin gabi na rin kasi at isa pa nakainom siya alam ko din pagod siya sa biyahe hinatid ko siya sa gate ng bahay at bago kami magpaalam sa isa't isa ay muli niya ako hinalikan sa labi. Bumalik sa maayos ang relasyon namin ni Cody sa katunayan mas minamahal namin ang isa't isa ramdam ko naman yun lagi tuloy kami ang tuksuhan ng mga pinsan at mga kaibigan namin sa tuwing nagkikita kita kami nawala na rin ang isip ko kay Ashley at hindi na ako nagtanong pa ng tungkol sa kanya kay Cody hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan nila ang mahalaga ngayon ako na ang mahal ni Cody. Cody Pov Naging maayos na ang relasyon namin ni Casey alam kong di ko na kakayanin kung mawawala siya sa akin mahal na mahal ko siya simula ng mga bata pa kami tinamaan na ako sa kanya naalala ko pa na ninakaw ko pa ang picture niya sa album ni Lola nung mga bata pa kami sa tuwing nagbabakasyon kami kina lola lagi ko nakikita si Casey kasama ng Mama niya nagtitinda sila ng pichi pichi kahit bata pa kami noon ay naging crush ko na siya kaya ng makita ko ang picture niya sa album ni Lola ay ninakaw ko ito at lagi na ito nasa wallet ko ito nga din ang nagiging dahilan ng pagbebreak namin ng mga ka fling ko noon si Ashley lang ang hindi nakakita sa picture nito, akala ko din kasi noon hanggang doon lang ang pagtingin ko kay Casey kaya hindi ko na siya hinanap pa pero ng magsama kami ng kuya niya sa isang project sa ibang bansa doon ko ninais na makita siya muli kahit na gusto ko ng pakasalan si Ashley noon buti na lang gumawa ang kapalaran na hindi kami magkatuluyan ni Ashley. Pangiti ngiti ako habang papasok sa bahay ni Lola inayos ko lang ito pinalitan ng pintura at ng ibang materiales pero andun pa din ang alaala ng kabataan namin nakita ko si lola na terrace sa pangalawang palapag agad ako umakyat sa taas at lumapit dito at hinalikan siya. ''apo,buti na pa dalaw ka''...gulat na sabi ni lola ''miss na kita La isang linggo na rin kita di nadadalaw e''....umupo ako sa upuang katabi ng inuupuan niya ''bakit di mo sinama si Casey apo?kagagaling lang din ni Hunter at Auston dito buti ikaw naisip mo pa ako puntahan''...may himig na pagtatampo nito ''huwag kayo mag-alala la sa birthday niyo sasama ko siya,huwag na kayo magtampo sa akin ang dami ko lang po trabaho nito nakaraang araw'' ''dapat lang namimiss ko na ang batang yun,huwag ka masyado nagpapakapagod ienjoy mo lang magliwaliw kayo paminsan minsan ng mga pinsan mo''....sabi ni lola napansin ko nasa kandungan niya ang lumang album niya. ''la yan pa yung luma album niyo?'' ''oo nung mga bata pa kayo dito ko nilalagay mga larawan niyo,may nawawala nga picture dito e,may bakante kasi yung isa alam ko solo picture ni Casey yun kuha yun nung nagbirthday ako''....napapangiti ako sa kalokohan ko naalala pa ni Lola yun ang tindi talaga ng memorya ni Lola na minana ko sa kanya. ''ito ba hinahanap mo la'....'natatawa akong pinakita sa kanya ang laman ng wallet ko gulat na napatingin sakin si Lola. ''paano napunta sayo yan''?.....nagtataka pa rin na tanong niya ''matagal na po na sa akin yan lola sorry po kung ninakaw ko''....natatawa sabi ko hinampas naman ako ni Lola. ''matagal mo na pala pinagpapatasyahan si Casey apo,sabi ko na e hindi malabo di ka mainlove sa kanya kunwari lang yung pagsusungit mo sa kanya para mapansin ka.''..nangingiting sabi ni lola. ''hindi naman halata diba la na nagpapapansin ako sa kanya ''...nakangiti sabi ko ''huwag na huwag mo lang siya lolokohin apo nasa mabuting babae kana,sa totoo niyan mas gusto ko siya sa lahat ng naipakilala mo sa aking  naging girlfirend mo lalo na doon sa Ashley''..nagseryoso sabi ni Lola halatang halata na gustong gusto niya si Casey hindi naman ako magtataka doon dahil napakabait ni Casey. ''pangako po lola hinding hindi ko po siya lolokohin''t.......inaasa ko pa ang dalawa kamay ko kay lola Nagpaalam na ako kay Lola dadaan pa kasi ako kina Casey gusto siya makita kahit halos araw araw kasama ko siya iaabot ko na din sa kanya ang pinabibigay ni Lola invatation para sa nalalapit na kaarawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD