kabanata 18

3180 Words
Mrs.Fuentillas's 67th Birthday..naroon lahat ng mga anak at apo niya marami din sila mga bisita mga businessman at mga kasosyo nila sa ibang negosyo ..Naka sparkly sequins backless cocktail dress si Casey na tinernuhan niya ng silver na high heels,inilugay niya ang hanggang bewang niyang buhok kinakabahan siya habang hawak ang kamay ni Cody papasok sila sa venue ng party ng Lola ni Cody agad naman nila nakita ang Pamilya ni Cody kaya lumipat sila sa mga ito, kinamusta niya ang Mommy at ang Daddy nito,kinamusta naman siya ni Rica ang ate ni Cody. Casey Pov ''You so Pretty Casey''...puri ni ate Rica sakin na sobrang ganda din sa suot nito na gown ''thank you ate,ngayon lang uli tayo nagkita uli''...pagtapos kasi ng unang pagkikita namin sa bahay nila Cody ay nasundan lang ito ng dalawang beses at hindi na nasundan yun dahil naging abala na kami ni Cody sa trabaho. ''oo nga e,busy kasi kayo ni Cody sa trabaho kaya di na kayo nakakadalaw kina Mommy at isa pa umiiwas na rin ang kapatid naming yan madalas kasi dumalaw si Ashley kina Mom na pinaka ayaw ng kapatid namin , nabanggit nga ni Cody na nagkaproblema kayo dahil na rin sa kanya'' ''ah yun ba ate oo pero naayos din namin agad yun ,may tiwala naman ako kay Cody'' ''buti naman kung ganun,basta si Cody lang pakikinggan mo, yung kausap ni Mommy  na yan siya yung Mommy ni Ashley bestfriend yan ni Mom since high school kaya close sila, buti nga wala dito ang babaeng yun''..pabulong na sabi ni ate Rica palinga linga sa paligid na mukhang may hinahanap,tinignan ko naman ang mommy nila at ang bestfriend nito na  nagtatawanan sobra nga silang close sa isa't isa. Nagsalita na ang Emcee ng Program nagsipag-upo na ang mga tao.Umupo na din kami kasama ko sa table ang pamilya ni Cody, andito din ang bestfriend ng Mommy ni Cody naiilang ako sa mga titig niya sa tuwing nahuhuli ko siya nakatingin sa akin panay naman hawak ni Cody sa kamay ko.Natapos na ang program nagpicture taking na rin bawat Pamilya at sinama ako ni Cody ng ang Pamilya na nila ang tinawag feeling ko tuloy kabilang na talaga ako sa Pamilya nila.Pagbalik namin  sa table namin ay may nakaupo na sa upuan ko  at walang iba kung di si Ashley na napakasexy sa suot nitong hapit na hapit na Dress,nakalugay din ang may kulay na buhok nito aaminin kong maganda siya mukha din kasi itong fashionita . ''Tita,tito''..maarteng bati nito sa magulang ni Cody bineso pa siya ng Mommy ni Cody na halatang gusto nito ang babae para sa anak niya,lalapit pa sana si Ashley kay Cody pero hindi ito pinansin ni Cody tumingin lang sa akin si Ashley na mukhang kinikilala ako,naupo na kami ni Cody sa tabi ng ate niya nagsimula ng mag serve ng pagkain ang mga waiter at waitress sa bawat table na naroon tahimik lang kami kumakain lalo na ako na naoout of Place dahil mga pinaguusapan nila mga nakaraan pa at ang tungkol kay ashley at Cody,umalis na rin sa table namin ang Daddy ni Cody na nakipagbonding sa ibang  mga bisita kakaunti na lang din ang tao sa paligid siguro mga tapos ng kumain ang iba at iba ay umalis na. ''Tita kailan po yung Outing na nabanggit niyo last time?''pagpaparinig na sabi  ni Ashley talagang nilakasan pa niya ang tinig niya para mapatingin kami sa kanya talagang pinamumukha niyang gustong gusto siya ng Mommy ni Cody. ''a iha sa susunod na linggo na yun huwag kang mawawala kailangan kasama ka doon.''sagot ng Mommy ni Cody dito. ''opo naman tita.''maarteng sagot pa nito ''Sayang sana kung hindi nagkahiwalay itong si Ashley at Cody nakasal na sana sila''..segunda pa ng Mommy nito na parang wala silang ibang taong kasama ,nanggigil na ako sa naririnig ko sa kanila na para bang sinasadya talaga na marinig ko pinaguusapan nila,ramdam ko ang paghawak ni Cody sa mga kamay ko na parang sinasabi niya na huwag na lang patulan ang mga ito,nakatingin naman si Ate Rica sa mga ito na mukhang naiinis na din. ''pwede pa naman di ba tita?,hindi pa naman kasal si Cody''maarte sabi nito na lumingon pa kay Cody,magsasalita na sana ako ng magsalita si ate Rica. ''Ashley,Cody's girlfriend is here konting respeto naman''..naiinis na sabi ni ate Rica dito,biglang tayo naman ni Cody na mukhang galit na kita ko kasi ang paggalaw ng panga niya.. ''Tita,Ashley si Casey po Girlfriend ko sweety si Tita Ason at si Ashley my childhoodfriend''...pagpapakilala ni Cody sa mga ito diniin pa ni Cody ang huling sinabi niya na kinalaki ng mata ni Ashley. ''Hello po,Hi ashley nice to meet you'....'ngumiti si Casey sa mga ito kahit naaasar na siya sa mga kaharap bigla hahatakin ni Cody ang kamay ni Casey para makatayo ito. ''Mom,ate doon na muna kami ni Casey sa mga pinsan natin kanina pa nila kami inaantay''..pagpapaalam ni Cody sa mga ito ''Go ahead bro''....nakangiti sabi ni ate Rica sa amin napansin ko naman ang pag irap ni Ashley sa amin,buti nga sa kanya. Nang makalayo kami sa mga ito agad na inakbayan ako ni Cody akala niya siguro naiinis ako sa kanya. ''Are you alright?don't mind them,ako lang paniniwalaan mo''....hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko ''oo naman,ikaw lang ang paniniwalaan ko''.....nakangiti sabi ko ''basta tandaan mo ako at ikaw lang''..sabi pa nito kinakilig ko at panghahawakan ko yung sinabi niya na  ako at siya lang.Nakalapit na kami sa mga pinsan niya sa table nila Auston,Raine,Diane at Hunter na mukha kanina pa nag-iinom. ''tapos na ba ang war?''....nagbibiro sabi ni hunter na nginuso pa ang table na pinanggalingan namin. ''kahit kailan talaga napaka tsismoso mo''...pambabara ni Cody  dito naupo na kami sa bakanteng upuan na naroon. ''kanina pa nga nag aabang yan e''..nakatawa sabi ni Diane ''may nangyari ba doon''?...pag uusisa na rin ni Auston. ''wala naman''.....Simpleng sagot ni Cody ''maniwala sayo si Ashley pa' di gagawa ng eksena halos lahat ata ng nalilink sayong babae dati inaway ng babaeng yan'' .....hunter ''huwag na natin siya pag-usapan ,diane hindi ka pa ba napapaisip kung anong nagustuhan mo dito sa pinsan kong ito?''....pag-iiba na lang ni Cody ng usapan ''napapaisip na nga ako e,dinaig pa niya ako sa pagiging tsismoso niya hindi ko tuloy malaman kung lalaki ba talaga siya''.pagsakay naman ni Diane para mainis nila si Hunter pero malabo mainis nila ito dahil nangunguna ito sa kalokohan at pang aalaska.. ''babe.,huwag mo sinasabi yun mamaya manlalaki na ko niyan''sabi pa nito pinalambot ang boses kay Diane,nabatukan tuloy siya ni Auston tawa naman ng tawa si Raine na sinabunutan pa si Hunter ng pabiro. ''Aray bro masakit yun ah,''reklamo ni Hunter ''asan na pala si Lola?''...cody ''nasa taas baka nasa kwarto na siya''sagot ni Raine ''sige puntahan muna namin siya,let's go''...,aya ni Cody sa akin.Pinuntahan nga namin ang lola niya sa loob ng bahay, nakita namin ito sa may  veranda ng bahay  kasama ng ibang anak niya umalis din ang mga ito ng dumating kami. ''happy birthday uli lola''...masigla bati ni Cody dito habang hawak ang kamay ko tumabi kami kay lola. ''happy birthday lola''...bati ko dito na hinalikan pa sa pisngi niya. ''salamat iha,masaya ako kanina ng makita ka'',.....nakangiti sabi nito nagpaalam naman si Cody sa amin sandali kaya nakapag usap kaming dalawa ng lola niya napansin ko may hawak siyang bagong album na mukhang niregalo sa kanya pero hindi ito basta basta photo album parang pinasadya talaga ito para sa kanya at mukhang mamahalin.Napansin naman ako ni lola nakatingin sa hawak niya. ''maganda ba?''...tanong nito sa akin at inaangat ang album ''opo lola parang pinasadya para sa inyo'' ''oo galing ito kay Cody,may kasalanan kasi sakin ang batang yan kaya ito siguro naisip na iregalo sa akin''natatawa sabi nito na mukhang may inaalala. ''ano po ginawa niyang kasalanan sa inyo lola?ok naman  po pamamalakad niya sa Kompanya niyo'' ''hindi naman tungkol sa trabaho ang tinutukoy ko iha,tungkol yun sa ninakaw niyang larawan sa album ko ''.,sabay hawak nito sa kamay ko. ''larawan po ninyo?'' ''hindi,larawan yun ng isang babae,batang babae''nakatingin ito sa akin ng makahulugan na hindi ko naman maunawaan. ''may naging anak na po ba si Cody?''kinakabahang tanong ko,parang hindi ako makapaniwalang may anak na siya at hindi ko matatanggap kung nagsinungaling siya sa akin. ''wala pa iha,akala ko bang may tiwala ka sa apo ko bakit mo siya pinanghihinalaan?"nakonsensiya naman ako sa sinabi ni Lola. ''naguguluhan po kasi ako,sino po ba yung tinutukoy niyo lola at mukhang napaka importante naman ng batang yun kay Cody'' ''ikaw,ikaw  ang batang tinutukoy ko''tinapik nito ang mga kamay ko na hawak niya. ''ako po?paano po ako nagkapicture sa inyo lola?''naguguluhan pa rin ako sa sinasabi niya. ''birthday ko din yun iha  ,hindi sinsasadyang mapicturan ka ng photographer ko dumalo kayo noon sa kaarawan ko kasama mo ang Mama at si Faustino ang lolo mong bestfriend ko kaya ng makita ko yun itinabi ko yun sa Album ko at madalas kita nakikita noon na kasama ng Mama mo at natutuwa ako dahil yung mga apo ko sarap na sarap sa mga kakanin tinda niyo ,yung album kasi na yun ay alaala ng lolo nila sa akin lahat ng mahahalagang araw namin ay nandoon sa album na yun kaya nung lumipat muli ako dito kinuha ko yung album na yun sa taguan ko ng buklatin ko isa-isa nagtataka ako bakit nawawala ang larawan mo di ko alam na kinuha pala nitong pilyo kong apo,at magaling siya magtago dahil noon pa pala niya kinuha sa akin yun.''nangingiti sabi ni Lola napanganga ako sa sinabi ni lola,hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya  ''asan na po yung larawan na yun?''curious na tanong ko ''nasa wallet niya,secret lang yun ,baka magalit yun dahil ibinuko ko siya sayo''nagkatawanan kami dalawa ''iha sana kayo na ng apo ko ang magkatuluyan mahal na mahal ka niya,sana kung may darating pagsubok sa inyo dalawa ay kayanin niyo magkasama'' ''sana nga po lola,huwag po kayo mag-alala lola mahal na mahal ko din si Cody at magkasama namin haharapin lahat ng pagsubok na darating sa relasyon namin,hindi naman po siguro siya magloloko dahil humanda po siya sa akin'' lihim naman ngumingiti si Cody sa isang sulok kanina pa pala siya nakikinig sa dalawang taong mahalaga sa kanya. magaalas dos na ng makauwi si Casey sa bahay nila hindi na niya pinapasok sa loob ng bahay si Cody dahil masyado ng late at baka magising pa ang Mama niya. ''kanina ko pa napapansin na panay ngiti mo''napapansin pala ng lalaking ito ang panaka naka pag ngiti ko ''may naalala lang ako,sige na pasok na ko sa loob mag-iingat ka sa pag drive''lalabas na sana ako ng sasakyan niya ng pigilan niya ang isang braso ko. ''bakit?'' may nakalimutan ka'' sabi nito ngumuso pa pinabigyan ko naman siya hinalikan ko siya ng mabilis sa labi'' ''sige na ''tuluyan na ako bumaba ng sasakyan niya at umalis na rin siya pagkapasok ko sa gate ng bahay. Nang gabing yun ay di ako makatulog iniisip ko pa din si Cody.,hindi ko mapigilang kiligin sa mga sinabi ni Lola sa akin tungkol sa kanya na matagal na pala niya akong gusto pero bakit di sinabi sa akin ni Cody ang tungkol doon,siguro nahihiya siyang umamin sa akin,sana si Cody na ang makatuluyan ko lagi ko naman pinagdarasal yun na siya at ako ang magsasama habang buhay lahat naman ng tiwala ko ibinigay ko na sa kanya at alam ko hindi iyon sasayangin ni Cody. Dahil linggo ngayon ay makakapaglinis na ako ng bahay,kinuha ko ang maruruming damit,punda at kurtina nagtungo ako sa labas ng kusina dahil nandoon ang washing namin sinalang ko na ang mga puting damit,pumasok ako sa loob ng bahay para maglinis muna habang winawashing ko ang mga puting damit,wala kasi si Mama dahil pinuntahan nito ang hipag ko sa kabilang village dahil lumipat na sina kuya doon sa bagong bahay nilang mag-asawa madalas ko tuloy mamiss ang pamangkin ko si Carl wala na kasi ako napaglalaruan.Natigil lang ako sa pagpupunas ng bintana ng tumunog ang phone ko kinuha ko ito at nakita kong may message si Cody agad ko naman ito binuksan . ''good morning sweety,papunta ako kina Mom ngayon,tawag ako mamaya,iloveyou''.oo nga pala may gathering pala silang magkakapatid sa bahay ng mga magulang nila,gusto nga niya ako isama pero sabi ko sa susunod na lang dahil nga may gagawin ako at isa pa baka bigla na naman sumulpot si Ashley doon mairita lang ako lalo  kung makikita ko itong  close sa Mommy ni Cody.,ramdam ko naman na welcome ako sa pamilya ni Cody lalo na sa mga kapatid niya,sa Mommy naman niya ay ramdam ko pa din na mas gusto nito kay Ashley para kay Cody kahit pinapansin ako nito hindi ko kasi makita dito ang pagngiti niya ng sobrang tamis na ibinibigay niya kay Ashley sa tuwing magkikita sila,sa akin ay ayos lang naman kung di niya ako masyadong gusto para sa anak niya, si Cody naman kasi ang pipili ng taong sasamahan niya at taong mamahalin niya at alam kong lamang ako doon  pero iba pa din kasi pag close ka din sa mga magulang ng taong mahal mo kung baga walang hahadlang.Nag ring ang phone ko dahilan kaya natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-anu,si Cody ang tumatawag. ''hello'' ''andito na ako kina Mom,ano ginagawa mo?kumain kana ba?''sunod sunod na tanong niya ''hindi pa tinatapos ko pa paglilinis ko,ikamusta mo na lang ako sa pamilya mo'sagot ko naman sa kanya ''kumain kana ano oras na din,sige sasabihin ko na lang sa kanila,pasok na ako sa loob mukhang kanina pa nila ako hinihintay '' ''sige sige,enjoy'' ''opo,iloveyou''sabi niya na kinakilig ko na naman ''iloveyou too'' Binaba ko na ang phone ko,paano ba naman ako hindi lalo maiinlove sa lalaking ito pinaghili ata sa asukal,tinapos ko na ang ginagawa ko dahil nagugutom na rin ako. Cody's Pov  Pagpasok ko ng bahay agad ako nagtungo sa kusina dahil andun na ang pamilya ko nagkakasayahan na sila pero nagulat ako ng hindi lang pala ang pamilya ko ang narito kundi pati pamilya ni Ashley  ''Mom,Dad''lumapit ako sa mga magulang ko hinalikan ko si Mom sa pisngi tinanguan naman ako ni Dad humarap din ako sa mga magulang ni Ashley''Hi po tita and tito''.nginitian ko ang mga ito at tumabi na ako kay ate Rica sa upuan. Pagkatapos naming kumain lahat ay lumabas na kami ng kusina nagtungo kami sa malaking kubo sa tabi ng pool nagpahanda si Mommy ng malaking lamesa at dessert,inaya naman ako ni Dad na uminom kasama ng mga kuya at Dad ni Ashley. ''iho kamusta kana ngayon lang uli tayo nagkita?''nakangiti si Mr.Philip(Ashley's Dad) sa akin  ''ayos naman po tito''sagot ko dito,naging malapit ako dito ng kami pa noon ni Ashley at gustong gusto ako nito para sa anak niya. ''bro bakit di mo sinama si Casey?''tanong ni kuya Mike sa akin  ''may ginagawa kuya,kung alam ko lang nga sana sinama ko na lang siya''..nagsisi nga talaga ako bakit di ko na lang siya pinilit na sumama sa akin para kahit papano mawala ang pagka badmood ko. ''naku bro mukhang may nararamdaman ako na kakaiba'' si Kuya Cedric ''what do you mean kuya?''  ''mukhang gusto kapa niyang si Ashley'' sabi ni Kuya Cedric na pabulong lang siniko pa niya ang braso ko na tinuro si Ashley na nakatingin sa akin medyo nakalayo ang pwesto nila sa amin kasama niya si Mom at si tita Ason na nag-iinom. ''hindi ko na siya gusto kuya at isa pa hindi na kami magkakabalikan pa''pambabalewala ko sa sinabi niya dahil malabo ng mangyari yun lalo na ngayong may Casey na ako. ''mag-ingat ka lang dahil iba talaga nararamdaman ko sa kilos ng babaeng yan,sige mauna na ako sa inyo mukhang sa susunod na lang tayo mag set ng gathering sa makalawa na rin naman ang outing natin doon na lang ako babawi''sabi ni kuya na tinapik ako sa balikat nagpaalam na rin ito sa mga magulang namin.,umalis na din si ate Rica dahil may gagawin pa daw ito,nag-iinom pa kami ni kuya Mike ng lumapit sa amin si Ashley. ''pwede maki join sa inyo'' ''oh Ashley,sure''sagot ni kuya Mike dito na inabutan pa ito ng upuan ''salamat kuya,bakit pala di mo kasama ang mag-iina mo kuya? ''umuwi kasi sila sa mga biyenan ko kaya wala sila ngayon''tugon ni kuya dito '' I see'' ''Sige doon na muna ako kina Dad Cody,sige Ashley doon na muna ko maiwan ko na muna kayong dalawa''paalam ni kuya sa amin na kinainis ko . ''cody ayaw mo ba ako kausap ?''tanong ni Ashley ng maramdaman niyang ayoko siya nasa tabi ko ''wala naman kasi tayo dapat pang pag-usapan ashley''iritable sagot ko sa kanya ''pero di naman kita ginugulo ah,gusto ko lang naman na maging magkaibigan tayo dahil alam ko naman na hindi na tayo magkakabalikan dahil ramdam ko na mahal na mahal mo yung girlfriend mo.''sabi nito sa malungkot na tinig. ''buti naman at maliwanag na sayo,siguro naman hindi mo na din pagpipilitan kay Mommy na magbabalikan pa tayo dalawa dahil malabo ng mangyari yon''.prangkang sabi ko sa kanya ayoko na din kasing umasa pa siya na babalikan ko siya . ''promise cody,kung tatanggapin mo ang pakikipag kaibigan ko sayo di ko na pagpipilitan ang gusto ko basta ituring mo lang ako kaibigan mo kahit yun lang Cody.''sabi niya na hinawakan pa ang kamay ko na agad ko din tinanggal ''okey basta make sure na hindi mo na ako guguluhin''nasabi ko na lang para di na niya ako kulitin pa. ''I promise''sabi nito na tinaas pa ang isa kamay ''okey,sige tinatanggap ko ang pakikipagkaibigan mo'' ''salamat'' Nagpaalam na ako kina Mommy ayoko na rin kasi magtagal dahil napaparami na ang inom ko,habang nasa daan ay tinawagan ko si Casey na  miss na miss ko na ,gusto ko sana siya puntahan pero nakainom na ako magagalit lang yun sa akin pag nagkataon. ''hello,nakauwi kana?''bungad agad nito sa akin ''pauwi pa lang'' ''kamusta ang gathering niyo?''excited na tanong niya ''ayos naman,tinatanong ka nila sa akin sabi ko may ginagawa ka,oo nga pala sabi ni ate Rica huwag ka daw mawawala sa outing'' ''oo naman sasama ako sa inyo,uminom ka ba?'' ''medyo,huwag ka mag alala sweety kaya ko pa naman umuwi heto nga nakakapagdrive pa ako''pagbibiro ko pa sa kanya ''tigas talaga ng ulo mo,sige na magdrive ka muna tawagan mo ko pag nasa bahay kana,mag-iingat ka ah,iloveyou.''malambing na sabi nito kaya mas lalo ko siya namimiss. ''saglit,puntahan na lang kaya kita namimiss na kita e''..hindi ko na talaga matiis na hindi siya makita ''ano ka ba magkikita naman tayo bukas umuwi kana para makapag pahinga kana' at isa pa nakainom ka pa'' ''pero namimiss kita e''..pinalungkot ko ang tono ko para maawa siya sa akin ''siguro may kasalanan ka sa akin kaya naglalambing ka'' ''nope,ano naman kasalanan gagawin ko,huwag ka mag-isip ng kung ano-anu dahil hindi ko gagawin na lokohin ka''..seryoso sagot ko sa kanya. ''talaga''...paniniguro pa nito sa akin ''talagang-talaga'' ''sige na naniniwala na ako,magdrive kana at mamaya muna ako tawagan,iloveyou'' ''iloveyou too sweety''..wala na talaga ako nagawa kung di umuwi na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD