KABANATA 19

5000 Words
= Outing =,Sa isang beach resort sila nagpunta na isa sa ari arian ni Mrs.Nenita Fuentilla,madalas magpunta sina Cody dito para magrelax,naka short na white si Casey na tinernuhan niya lang ng red croptop sleeveless na pinatungan niya ng long lace white cardigan hindi niya kasi keri ang mag suot ng bikini kaya ito na lang ang naisipan niyang suotin sexy pa din naman siyang tignan dahil litaw ang pusod niya sa croptop na suot niya.Bumaba na sila sa sasakyan ng makapasok na sila sa gate ng hotel  ,kanya kanya sila ng sasakyang dala kasama naman si Ashley sa sasakyan ng mga magulang ni Cody,.hindi talaga ito pumayag na hindi makasama . Casey Pov ''let's go''aya ni Cody sa akin na kinuha sa akin ang maliit na maletang dala ko nakasunod naman ako sa kanya,kumuha na ng kanya- kanyang room ang mga kasama namin,kumuha din si Cody ng room para sa aming dalawa na kinabigla ko hindi na ako nakapagreklamo ng hatakin na niya ang kamay ko. Ang ganda ng resort beach ng lola ni Cody mamamangha ka sa ganda ng paligid at view,napakalinis at nagpakabango din sa hotel na tinuluyan namin at sigurado makakapagrelax ka .Pumasok na kami sa room na kinuha ni Cody,kinakabahan ako ng pumasok ako dahil ngayon ko lang makakasama sa ganito si Cody . ''Anong iniisip mo?''..nagulat ako ng magsalita si Cody na nasa likod ko na pala nakayakap siya sa akin sa  likod ko. ''wa.wala''..nauutal na sabi ko ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil sa paghinga niya sa batok ko. ''are you nervous?''naka ngiti pa sabi nito na lumingon sa akin at mukhang nang-aasar pa. ''hindi noh,bakit naman ako kakabahan?''sabi ko na humarap sa kanya,umatras ako dahil nailang ako sa sitwasyon namin dalawa. ''bakit lumalayo ka''palapit siya ng palapit paatras naman ako ng paatras sa kanya ''hindi ah,Cody ano ba?''..hinatak niya ang kamay ko sabay yakap niya sa akin,niyakap ko din siya ng mahigpit. ''hindi na kita pakakawalan ngayon kaya humanda kana''bulong nito na kinagat pa ang kanan tenga ko ''ouch,Cody''..umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at hinampas ko siya sa braso niya,hindi ko alam kung ano iniisip niya sa mga oras na ito, kinakabahan ako sa pinapahiwatig niya.. ''binibiro lang kita,halika na sa baba nagugutom na ako'',sabi niya na pinisil ang baba ko,inakbayan niya ako palabas ng pinto ng kwarto namin at magkasiklop ang mga kamay namin habang naglalakad. Kumain kami sa isang restaurant na malapit sa dagat,nandoon din ang pamilya ni Cody na kasama si Ashley na masama ang tingin sa akin. ''bakit ang tagal niyo bumaba bro?'' - Cedric ''may tinawagan lang ako sa opisina''sagot ni Cody  ''baka may ginawa pa kayo''nanunukso sabi naman ni kuya Mike na parang kinapula ng pisngi ko hindi tuloy ako makakain ng maayos. ''wala na kayo don''...pagsakay naman ni Cody sa mga ito..kasama din namin sa table ang mga asawa nila,si Zandra na asawa ni Kuya Cedric at ang anak nilang si Baby Carmela,si Kuya Paul na asawa ni ate Rica at ang anak nilang si Ricaela na pitong taon na at si Ate Carol na asawa ni kuya Mike at ang mga anak nilang si Miguel at Miggy.Si Cody na lang ang walang anak sa kanila,.Ang saya nilang magkakapatid very close sila sa isa't isa at ang mas nakakatuwa pa sa kanila ay di nila nakakalimutan magsama sama sa bahay ng mga Parents nila kahit may kanya kanya na silang buhay,si Cody naman ay may sarili na ring bahay nakailang punta na din ako doon at masasabi ko na napakalungkot siguro dahil mag-isa lang siya nandoon ang tanging kasama lang niya ang isang yaya niya na si Aling baby na nag-alaga sa kanya simula ng bata pa siya kaya napapaisip tuloy ako na pag mag-asawa na kami ni Cody hindi na siya malulungkot dahil hindi ko hahayaang mangyari yun. ''gusto mo pa bang kumain?".. tanong sa akin ni Cody  ''nope,busog nako''..pigil ko sa kamay nito na akmang kukunin ang pagkain nasa harap namin. ''pero ang konti lang ng kinain mo''.. ''busog na talaga ko''..tumingin ako sa kanya at nginitian siya. ''sige kain na lang tayo uli mamaya,gusto mo na ba tumayo maglakad lakad tayo sa tabing dagat''...pag-aya niya sa akin tapos na rin kumain mga kasama namin. ''sige para bumaba din kinain natin''..pagsang-ayon ko sa kanya. ''Mom,Dad mauna na po kami, maglalakad lakad lang po kami''..paalam nito sa mga magulang niya. ''okey,pero bakit di niyo isama si Ash para naman makapag usap din sila ni Casey at magkakilanlan ... tumingin sa akin si Cody tinanguan ko siya na tanda ng pagpayag ko para hindi naman mag-isip ng di maganda ang Mommy niya sa akin. ''let's go,gusto ko din maglakad lakad e ngayon lang uli ako nakabalik dito?''-hindi na nakapagsalita si Cody nang tumayo na si Ashley sa kinauupuan niya at nagsimula ng maglakad. Hinawakan ni Cody ang kamay ko habang naglalakad kami nauuna naman sa amin si Ashley na binabagalan din ang paglalakad para makasabay sa amin bali nasa gitna namin si Cody.Panay ang kwento nman ni Ash  tungkol sa resort ng lola ni Cody madalas daw sila doon magbakasyon ni Cody noong sila pa tumitigil lang ito pagsinasabihan siya ni Cody na huwag ng ikwento ang nakaraan nilang dalawa. ''hey,Casey pasensiya kana ah kung di kita masyado pinapansin na iilang pa din kasi ko sayo e alam mo naman na ex ko itong si Cody madalas kami nandito noon para magrelax pero huwag ka mag-alala magkaibigan na lang kami ni Cody ngayon..''sabi ni  Ashley sa akin  ''Ash''..pigil ni Cody sa iba pang sasabihin ni Ashley halata kanina pa siya nagpipigil ng inis kay Ashley. ''oh,I don't mean anything,I just want to tell her that we're just friends para maging panatag sa akin si Casey at para maging kaibigan ko din siya''...lumingon ako kay Ash kita ko sa mga mata niya ang kaplastikan sinasabi niya ewan ko ba pero di ako kumbinsido sa mga pinagsasabi nito lalo na nahuhuli ko lagi siya nakatitig kay Cody na hindi naman nahahalata nitong isa. ''oh halika kayo dito malilim dito ang sarap magrelax''..tumakbo na nga si Ashley sa isang puno ng niyog malapit sa dagat sumalampak ito sa buhangin kita tuloy ang panty niya sa suot niya maliit na short mukhang nakabikini ito na pang loob medyo malayo layo na rin pala ang nalakad namin. ''gusto mo ba sumunod sa kanya o balik na lang tayo sa hotel?''...tanong ni Cody sa akin. ''hm umupo na muna tayo kahit saglit lang medyo nangalay na din ang paa ko''...sabi ko sa kanya na hinatak na siya palapit sa kinaroroonan ni Ash,hindi naman maipinta ang mukha nito dahil salubong ang kilay nito nakatingin sa amin ni Cody. Hindi pa kami nakakaupo sa tabi ni Ash nang tumunog ang phone ni Cody na agad naman sinagot nito. ''Yes Mom,ah sige po babalik na po kami''...binaba na ni Cody ang phone niya at isinuksok ito sa bulsa ng short niya at lumingon sa aming dalawa ni Ashley at muli nagsalita.''Let's go hinahanap na tayo nila Mom''..mabilis na akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit na kay Cody ,tumayo na rin si Ash sa kinauupuan niya kaya tumlikod na kami ni Cody sa kanya napahinto lang kami sa paghakbang ng marinig namin si Ash na  dumaing ng sakit na kinalingon namin ni Cody sa kanya. ''ouch''...sabi nito habang napaupo muli sa buhangin na hawak ang isang binti niya. ''anong nangyari sayo?''..agad naman bumitaw sa akin si Cody at lumapit kay Ash. ''pinupulikat ako''..daing nito na mas lalo pang hinimas ang paa,pero parang may mali tama ba ang nakita ko o namalik mata lang ako,para kasing ngumiti si Ashley pagkahawak ni Cody sa binti niya para imassage ito,tinignan ko si Cody halata sa mukha niya ang pag-aalala kay Ashley gusto ko na sana silang iwang dalawa pero ayokong magpatalo sa selos na nararamdaman ko. ''okey na ba?''..tanong ni Cody dito na kinahinto din ng pag-iisip ko at napalingon ako sa kanila wala na ang kamay ni Cody sa binti ni Ashley at sobrang lapad ng pagkakangiti ni Ashley dahil siguro nagtagumpay siya sa binalak niya kanina.Hindi ko maiwasang mapabuga ng hangin sa inis. ''ayos na ako,nawala na pagkapulikat ko salamat alam mo pa din talaga ang gagawin pag umaatake ang pulikat sa binti ko''..maarte sagot nito,napapairap na lang tuloy ako.,so madalas pala gawin ni Cody sa kanya yun noong sila pang dalawa. ''okey na?tumayo kana diyan''sabi ni Cody inalalayan pa ito sa pagtayo para tuloy na wala bigla ang presence ko sa kanilang dalawa at itong lalaking ito parang enjoy na enjoy naman ata ang paghawak kay Ashley gusto ko sila pagbuhulin dalawa at  iwan pero ayoko isipin ni Ashley nagseselos ako sa kanya dahil lalo gagawa ng paraan ito para maasar ako. ''lets go''..nagulat ako ng hawakan ako ni Cody sa bewang na nagtataka sa pagkagulat ko.''okey ka lang ba?'' ..biglang tanong nito sa akin. ''yah Im okey,ayos na ba ang binti mo Ash?''..baling ko kay Ash na nakatayo na,kinalma ko ang sarili ko hindi ko pinahalata naiinis ako sa kanilang dalawa,oo nagseselos ako bakit parang naramdaman ko na mahalaga pa din si Ashley kay Cody,mahal pa ba niya ito bakit parang madudurog ang puso ko sa mga naiisip ko at hindi ako mapanatag.Hindi ko namalayang nasa Cottage na kami kung na saan ang pamilya ni Cody wala naman kasi ibang tumatakbo sa isip ko kanina pa kundi si Cody at Ashley lang. ''ano iha nag enjoy ba kayo sa paglalakad at nakapag usap na ba kayo ni Casey?''...tanong agad ng Mommy ni Cody kay Ashley na tumabi sa kinauupuan nito. ''yes tita,Casey and I were friends already tita,right Casey?''...sabay lingon nito sa akin at pekeng ngumiti akala naman niya siya lang ang sana'y ngumiti ng plastik nginitian ko din siya bago ako sumagot. ''yes po magkaibigan na po kami''...simpleng sagot ko napalingon naman ako kay ate Rica na parang nagtatanong tinanguan ko lang siya kinangiti niya parang naintindihan niya nasa utak ko. - Nagkayayaan na lumangoy ang mga kasama namin naiwan ang mga batang kasama namin sa mga yaya ng mga ito hindi din sumama sa amin ang mga magulang ni Cody na nagpaiwan na lang din sa Cottage tanging ako lang ang hindi naka bikini sa mga babaeng kasama ko dahil di ko talaga keri buti pa ang mga hipag ni Cody at ang ate niya ay nagseseksihan pa din kahit may mga anak na,napatingin ako kay Ash na naka two piece na black hubog na hubog dito ang sexy katawan nito at dagdag pa ang malaki hinaharap nito kaya pinagtitinginan din siya ng mga lalaking nasa paligid namin.Nakakaramdam tuloy ako ng pangliliit sa sarili ko,ano ba naman kasi Cup at size ng bra ko ay never na lang basta maliit siya, napalingon akong muli kay Ashley na nagpapahid ng lotion sa katawan kaya din siguro nagustuhan  ito ni Cody noon dahil wala talagang maitatapon sa babaeng ito maliban na lang sa pangit na ugali nito. ''hey,hindi ko akalaing nakipag kaibigan sayo si Ashley''..pukaw ni ate Rica sa katahimikan medyo malayo kami sa pwesto ng mga kasama namin naglalangoy na sa dagat. ''ate..,alam ko naman na wala sa utak niya yon,baka nga iyon ang huling gugustuhin niya na mangyari ang maging magkaibigan kami''..sabi ko dito ''huwag ka masyado magtitiwala ah kilala ko yang babaeng yan at lagi mo babantayan baka mamaya bigla na lang manuklaw''..naalarma naman ako sa sinabi ni ate Rica,biglang kumabog ang dibdib ko. ''may tiwala naman ako kay Cody ate,alam ko hindi niya ako lolokohin''...sagot ko sa kanya na parang wala na rin katiyakan kung talagang may tiwala pa ako kay Cody. ''kay Cody sigurado mapagkakatiwalaan mo pero yung isa malabo,kaya babantayan mo yan,bakit kasi di pa kayo magpakasal ni Cody tutal mag iisang taon na rin naman kayo..biglang sabi nito.,ngayon ko lang din naalala na mag aaniversary na rin pala kami ni Cody napakabilis ng araw. ''hindi pa namin napag-uusapan yan ate at parang ang aga pa kung magpapakasal kami agad''...sagot ko sa kanya. ''meaning kung aayain ka ngayon ni Cody di ka papayag na magpakasal sa kanya?"..nakakunot ang noo tanong nito na kinatawa ko. ''syempre kung aayain niya ko papayag ako agad''..nagkatawanan kami dalawa. ''tara langoy na tayo mukhang aagawan kana nung isa''...napatingin naman ako sa nginuso nito at nakita ko si Ash na yumayakap sa likod ni Cody mukhang nasa medyo malalim silang bahagi ng dagat.Lumapit na kami sa mga naglalangoy na kasama namin pero ako nagpaiwan sa pampang dahil natatakot ako sa malalim,hindi naman maalon kaya di rin natatakot ang mga kasama ko na naglalangoy na nakita ko naman si Cody papalapit sa akin inilahad nito ang kamay sa akin na agad ko naman tinanggap hinatak ako nito papalapit sa kinaroroonan ng mga kasama namin. ''Cody anong gagawin mo''..napayakap ako dito dahil mukhang alam ko na ang gagawin nito hindi nga ako nagkamali dahil nilubog ako nito sa tubig pero di ko tinanggal ang pagkakayakap ko dito kaya lumubog din siya. ''cody ano ba di ako marunong lumangoy ibaba mo na ako babalik na ako sa pampang''...binaba naman ako nito pero hindi ko na makapa ang lupa sa paa ko mukhang nasa malalim kami kaya bumalik ako sa pagkakayakap dito na kinangisi naman nito. ''akala ko babalik kana sa pampang sweety''...ngumingiti pa ito sa akin habang yakap ako. ''che..paano ako makakabalik doon hindi ko na maapakan ang lupa''...inirapan ko ito naiinis pa din talaga ako sa kanya mas lalo pa nadagdagan ang inis ko sa kanya. ''galit ka ba sa akin?''...tanong nito ng inirapan ko siya. ''hindi bakit naman ako magagalit?''..sabi ko sa kanya na tinaasan siya ng kilay. ''ang sungit mo ngayon,alam ko galit ka kanina mo pa ako hindi iniimikan,tell me what is it?"..seryoso sabi nito na hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. ''wala''.sabi ko na iniwasan ang titig niya. ''hindi mo talaga sasabihin?''...pangungulit pa nito,I shook my  head to him.Bigla na lang niya ako nilubog sa tubig akala ko malulunod ako pero may naramdaman na lang ako dumampi sa labi ko at ng imulat ko ang mata ko si Cody ang nasa harap ko habang hinahalikan ako di ko alam kung bakit napasunod na lang ang labi ko sa labi niya.Parehong habol ang hininga namin ng iangat ako nito mula sa tubig.Feeling ko namumula ang dalawa pisngi ko sa pagkapahiya.Lalo ng makita ko nakatingin sa amin ang mga kasama namin. ''akala ko nalunod na kayong dalawa e''....natatawang sabi ni kuya Cedric sa amin nagkatawanan naman ang iba kasama namin maliban kay Ashley na parang umuusok ang ilong sa pagkainis. ''nice move bro''....sigaw naman ni kuya Mike. ''bakit mo kasi ginawa yun''...bulong ko kay Cody na nakayakap pa din sa akin. ''wala namang masama sa ginawa ko di ba?girlfriend kita at mahal kita''...sabi nito na hinalikan pa ang tungki ng ilong ko.Bigla namang may sumigaw sa mga kasama namin ang asawa ni kuya mike. ''si Ash,si Ashley nalulunod sigaw nito.,agad naman ako dinala ni Cody sa pampang at agad din lumangoy para kunin si Ashley na nalulunod na.Agad naman nadala ni Cody sa pampang si Ashley na wala ng malay hindi naman nag-aksaya ng panahon si Cody na bigyan agad ng pangunang lunas ito,binigyan niya ng CPR  si Ashley na kinatigil ko sa pagkurap, bakit bigla akong natakot sa nakita ko alam kong walang masama sa ginawa ni Cody dahil yun naman talaga ang ginagawa sa mga nalulunod pero di ko maintindihan ang sarili ko ng mga oras na yon,nakita ko na lang na umubo si Ashley at niluwa nito ang tubig na nainom niya,iyak siya ng iyak na yumakap kay Cody. ''tahan na your safe''...sabi ni Cody dito habang hinihimas nito ang likod ni Ashley,inalalayan pa niya ito tumayo at dinala sa Cottage kung saan naroon ang mga magulang ni Cody sumunod ang iba kasama namin sa kanila ako naman ay natitigilan pa. ''ayos ka lang?''..nagulat ako ng biglang magsalita si ate Rica sa likod ko pinunasan ko agad ang luha lumandas sa mata ko,ewan ko ba alam ko tinulungan lang ni Cody si Ashley pero di ko mapigilan hindi magselos. ''ayos lang ate''....pagkukunwari ko. ''huwag mo isipin yun,ganun talaga ang ginagawa sa mga nalulunod at isa pa hindi naman halik yun''...sabi nito na hinawakan pa ako sa kamay. ''hindi naman yu..yun..ang iniisip ko ate'' ..pagsisinungaling ko ''ramdam kita kaya huwag kana magkaila,tara na balik na tayo sa kanila''...sabi nito na hinatak na ang kamay ko. Natapos na ang dinner namin sabay sabay kami kumain maaga namang nagpahinga si Ashley sa kwarto niya pinahatid pa siya kay Cody ng Mommy nito kaya walang nagawa si Cody kung hindi sumunod sa Mommy niya,alam kong hindi makakahindi si Cody sa Mommy niya dahil mahal na mahal niya ito nagpaalam din naman sa akin si Cody at sino ba naman ako para pigilan siya at sa gusto ng Mommy niya..Ilang minuto na at hindi pa bumabalik si Cody dito kaya nagpasiya na ako mauna na bumalik sa kwarto namin buti na lang may susi siya binigay sa akin.Nakapaghilamos at nakapagpalit na ako ng pantulog,nakapanjama at t'shirt lang ako ang lamig kasi dito sa kwarto at dahil din siguro sa malapit kami sa dagat kaya sobrang lamig,wala pa din si Cody nag-aalala ako na baka kung anu ng nangyayari sa kanila ni Ashley naiinis pa din ako sa kanya dahil nakikita kong sobra siya nag-aalala kay Ashley.Nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip at dahil na rin siguro sa pagod. Cody Pov ayoko man gawin pero mapilit si Mommy kaya inalalayan ko si Ashley hanggang makarating kami sa room nito hinintay ko muna siya mahiga sa kama niya tsaka ko siya tinalikuran pero laking gulat ko ng hilahin ako nito at ihiga sa kama at pinaghahalikan ako nito pigil pigil ko naman ang kamay niya at iniiwasan ang labi ko sa labi niya. ''s*it,Ashley what are you doing''...sabi ko dito na itinulak ito ng bahagya. ''cody I still love you please come back to me''...sabi nito na niyakap pa ako agad naman ako tumayo at kinalas ang pagkakayakap nito sa akin. ''Ashley napag usapan na natin ito,magkaibigan na tayo di ba kaya please tanggapin mo na hanggang doon na lang ang kaya kong maibigay sayo''.tinalikuran ko na ito ngunit muli ito humabol sa akin. ''patawarin mo na ako pangako di ko na uulitin yun mamahalin uli kita ng buong buo lahat gagawin ko bumalik lang tayo sa dati Cody''...pagmamakaawa nito habang umiiyak habang nakayakap sa likod ko pero wala na talaga ako maramdam na pagmamahal sa kanya iisang babae na lang ang alam ko laman ng puso ko at siguradong hindi si Ashley yun. ''Im sorry Ashley pero mahal na mahal ko si Casey,maraming nagbago sa akin simula ng dumating siya sa buhay ko,at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin.''...sabi ko dito na kainatigil nito tsaka ko na siya tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya dumaan muna ako sa pinagkainan namin kanina pero wala na ang mga kasama ko naglakad na ako ng makasalubong ko sina kuya Cedric at kuya Mike. ''bro ngayon ka lang?''... tanong ni kuya Mike. ''si Casey?''s..a halip na sagutin ito ay tinanong ko dito si Casey. ''baka nasa kwarto niyo na kanina pa yun'' .-mike ''sama ka sa amin mag bar?'' .-cedric ''sunod na lang kuya puntahan ko muna si Casey''..sabi ko sa kanya na tinapik pa ang balikat nito nakatalikod na ako ng magsalita uli si kuya cedric. ''naku bro baka bigla ka na lang sapukin non ang tagal mo ba naman bumalik''...tatawa tawang sabi nito,agad naman ako naglakad papunta sa Hotel. Pagbukas ko ng pinto naabutan kong tulog na tulog na si Casey,naghilamos na ako at nagpalit ng pantulog,lumapit ako sa kama at tumabi na kay Casey niyakap ko siya ng sobrang higpit,napakalambot talaga ng katawan niya hinalik halikan ko ang buhok niya na sobrang bango,naramdaman ko ang pagkilos nito humarap ito sa akin pero nakapikit pa din.Pinagmasdan ko ang mukha nito,meron siyang makapal na kilay na hindi naaahitan  na isa din sa nagustuhan ko sa kanya dahil bagay sa kanya ang kilay niyang hindi pinapaayos,may mahaba itong pilikmata,at mapula na manipis na labi hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong halikan ito pinalalim ko pa ang paghalik dito dahil di ko talaga mapigilan ang sarili ko nagulat na lang ako ng tumutugon siya sa halik ko at bigla na lang nagmulat ito ng mata. ''Cody''..sabi nito na nagulat bigla na lang ako itinulak  at bumangon sa pagkakahiga. ''bakit?''..nagtatakang tanong ko sa kanya. ''akala ko nananaginip ako''...sabi nito na namumula ang pisngi sa sobrang hiya. ''sweety  sorry kung naistorbo ko ang tulog mo di ko kasi mapigilang hindi ka halikan e ''...sabi ko dito habang papalapit ako sa kanya. ''ngayon ka lang ba?''...bigla naman nag-iba ang tono ng pananalita nito. ''sorry kung ngayon lang ako nakabalik''...sasabihin ko pa sana dito ang tungkol sa nangyari kanina sa amin ni Ashley pero mas pinili ko na lang huwag sabihin sa kanya para hindi na lang kami magkaproblema. ''bakit parang ang tagal mo naman ata,may ginawa ba kayo ni Ashley?''...sabi nito na kinabigla ko. ''sweety ano iniisip mo syempre wala hinatid ko lang siya sa room niya yun lang yun''...pagsasabi ko ng totoo dito. ''may ..may nararamdaman ka pa ba sa kanya Cody?''..sabi nito na nangingilid na ang luha. ''ah,saan mo naman nakuha ang ideyang yan,syempre wala na matagal na kami wala ni Ashley,kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya ngayon dahil ikaw,ikaw na ang mahal ko,at hindi lang mahal kung di mahal na mahal''...sabi ko sa kanya na niyakap ito ng mahigpit gusto kong maramdaman niya na sobra ko siya mahal at mawala ano mang mga mali naiisip niya. ''pero bakit parang may gusto ka pa sa kanya''....bulong nito sa akin,halata talagang nagseselos siya. ''bakit mo naman nasabi yan,dahil ba sa tinulungan ko siya?wala lang yun ayoko lang na may masabi si Mom pero hindi ko na siya mahal,kaya huwag kana mag-isip diyan,kaya pala hindi mo ko iniimikan dahil nagseselos ka sa kanya''...tawa tawang sabi ko dito,hinampas naman niya ko sa braso. ''sino ba naman di magseselos sobra kayo malapit sa isa't isa kung alam mo lang gusto ko na kayong pagbuhulin na dalawa,parang gusto mo pang nahahawakan siya kanina''..sabi nito nakairap sa akin. ''huwag kana magalit okey,wala na ako nararamdaman kay Ashley maniwala ka man sa hindi,mahal na mahal mo din talaga ako noh''...sabi ko dito ''syempre naman mahal na mahal kita kaya ayokong maagaw ka ng iba,at ayoko may ibang babaeng lumalapit sayo lalo na pag ex mo''..sabi nito na yumakap sa akin,hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi,pinalalim ko ang paghalik sa kanya binuhat ko siya at dinala sa kama,hinihiga ko siya habang naghahalikan kami dalawa pinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng shirt niya hinanap ko agad ang hook ng bra niya agad ko naman natanggal ito,hinalikan ko siya sa leeg narinig ko ang pag ungol niya bigla ako natigilan ng maalala ko ang napag-usapan namin ng magulang niya.Napahilamos ako sa mukha at naupo sa kama . ''what's wrong?''...lumingon ako kay Casey na nagtatanong hinawakan ko ang kamay niya. ''sorry sweety hindi ko dapat ginawa yun,matulog kana magshoshower lang ako''...sabi ko dito at hinalikan siya sa noo. Casey Pov tatlong araw lang inilagi namin sa Beach Resort ng mga Fuentilla,naalala ko pa din ang gabing muntik ng may mangyari sa amin ni Cody,pero palaisipan pa din sa akin kung bakit huminto siya ng gabing iyon,nadisapoint ba siya dahil maliit lang itong akin pero di naman niya hinawakan ito(sabi ko sa isip ko na hinawakan ko pa ang dibdib ko) pero buti na lang tumigil siya dahil kung hindi baka nga naisuko ko na sa kanya si bataan.Nag-aayos na ako sa salamin na nasa loob ng room namin ng biglang may yumakap sa likod ko. ''ang bango mo talaga''... - cody ''malamang bagong ligo ako''..sagot ko dito na kinangisi nito. ''sumasagot kana sa akin ng ganyan ah''..hiniharap ako nito sa kanya at bigla bigla na lang sakupin ang labi ko na hindi ko naman matanggihan,nasasanay na rin ako sa mga halik niya. ''tara na baka tayo na lang inaantay nila''..sabi nito ng bitawan ang labi ko,ito na ang huling araw namin sa Beach kinuha na niya ang mga maleta namin at sabay na kami naglakad palabas ng room. Habang nasa biyahe kami ay palingon lingon ako kay Cody gusto ko kasi sabihin dito na nextweek na ang  anniversary namin,ano kayang balak niya gawin sa araw na yun,gusto ko man tanungin ito pero nahihiya ako,bahala na. = Balik opisina na muli  kami  ni Cody at tulad ng naiisip ko pa lang sa bahay heto na nga at tambak na nga ng trabaho ang table ko.,napa buntong hininga ako ng simulan ko ng buklatin isa-isa  ang mga files na nasa ibabaw ng table ko ,tutok na tutok ang mata ko sa screen ng pc ko ng may kumalabit sa akin paglingon ko nakita ko ang bestfriend kong nakalahad ang palad sa harap ko parang naglilimos. ''Auston,wait syempre di kita nakalimutan''..kinuha ko ang isang paper bag sa ilalim ng table ko''.para sa inyo yan ni Raine''..nakangiti sabi ko dito na iniabot ang pasalubong ko sa kanila ni Raine. ''salamat sabi ko na hindi ka makakalimot''....ngingiti - ngiti sabi nito. ''ikaw pa ba.,bakit kasi di kayo sumama nila hunter nakapagrelax sana kayo''....tanong ko dito dahil alam ko inaya sila ni Cody bago ang outing. ''family outing niyo yun ayaw na namin maki gulo dahil andun na rin naman si Ash na alam kong nakigulo''...sabi nito na parang alam ang mga nangyari. ''well hindi naman siya nagtagumpay''..nakairap na sagot ko. ''alam ko naman yon,ang isang Cassandra na tulad mo magpapatalo,,tsk,tsk, malabo yata mangyari yon,'' ''Cassandra mo mukha mo,sige na dami ko pa gagawin si Cody na lang muna bwisitin mo,naku po yan pa yung isa''....bulalas ko ng makita ko si Hunter papalapit na rin sa amin. ''hi pitchi pitchi''...abot tenga ang ngiti nito alam kong magsisimula na itong mang-asar. ''oh pasalubong niyo ni Dian,hep hep tama na wala ng magsasalita sainyo madami ako trabaho''...sabi ko kay hunter na iniabot dito ang isang paper bag at sinenyasan ko itong huwag ng magsasalita dahil alam kong mang-aasar din ito. ''Thank you lang naman sasabihin ko e,ang sungit nito''...nakangiti sabi nito. ''your welcome,sige na nexttime niyo na lang ako asarin madami pa ako trabaho tinaas ko ang mga files na hawak ko para umalis na sila tumango tango na lang silang dalawa,umalis na nga ang mga ito sa harap ko at nagtungo sa opisina ni Cody na alam ko ito naman ang aasarin nila.,nakahinga naman ako ng maluwag at sinimulan ko na uli ang trabaho kong naudlot dahil sa kanilang dalawa. Cody Pov Tambak na ang mga papeles sa harap ng mesa ko,ang dami ko pa meeting na pupuntahan napapahilot na lang ako sa sentido ko..nang magbukas ang pinto ng opisina ko akala ko si Casey ang pumasok pero napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga pinsan kong mga nakangisi..Ano na naman kaya ang trip ng dalawang ito,prente umupo sila sa sofa na naroon,tumingin lang ako sa kanila at tinanguan sila. ''kamusta ang bakasyon bro?'' .- pagbasag ni Auston sa katahimikan. ''ayos naman bro,bakit ang aga niyong andito wala ba kayong mga trabaho?...tanong ko sa mga ito na bahagya ko pa sila sinulyapan. ''bro ano ka ba ng wala ka halos di kami makakilos ng maayos nitong si Auston ang dami dapat pirmahan mo grabe nangawit nga din kamay ko kakapindot ng PC ko bro.''....sabi ni Hunter na tinaas pa ang kamay niya. ''ganun talaga kaya nga tayo tatlo ang nagmamanage nito Company para kung wala ang isa,ang isa ang gagawa''...sabi ko dito. ''di naman ako nagrereklamo ang akin lang huwag mo muna kami sinusungitan, ''....nakanguso sagot nito. ''alam ko naman mang-aasar lang kayo dalawa e,ano bang gusto niyo malaman?''... sabi ko dito. ''anong nangyari sa bakasyon niyo?'' ...- Hunter ''sabi na e,walang nangyari at kung ako sayo dapat sumama ka para di kana nagtatanong'' ''bro ibigay mo na sa akin ang iba schedule ng meeting mo ako na ang makikipag meet''sabi ni Auston na seryoso nakatingin sa akin. ''thanks Bro,ayusin ko na muna papadala ko na lang kay Casey sayo''..sabi ko sa kanya. ''ibigay mo din sa akin yung mga babaeng ka meeting bro,madali na sa akin yun''....singit naman ni Hunter na tumayo na rin. ''sayo ko talaga ibibigay ang mga yun,sa isang salita mo pa lang mapapayes mo na ang mga yun''.. ''ako Pa ba bro''....sabi nito na nag Mr.Pogi pa ''salamat bro,papadala ko na lang din kay Casey ang mga schedule mo,pero ang iba sa mga yon bro may mga asawa na kaya dahan- dahan lang sa pambobola ''...pagpapaalala ko dito naalala ko kasi kamuntikan ng mag back out ang isang client namin dahil nagselos ang asawa nito kay Hunter. ''no problem bro akong bahala sa kanila''..iniwanan na ako ng mga ito. -Tinawag ko si Casey sa telephono para sabihin sa kanya tapos na ang schedule ng dalawang  pinsan ko,narinig ko ang pagkatok nito sa pinto agad ko naman siya pinapasok.Agad naman ako napangiti ng makita siya parang nawala ang pagod ko siya kasi ang nagpapabalik ng lakas ko. ''come''...pinalapit ko siya sa akin. ''asan na yung files nila Auston at Hunter ?''...sabi nito ng makalapit sa akin nasa gilid siya ng table ko na nakatayo hinatak ko ang kamay niya kaya napaupo siya sa kandungan ko,inamoy ko ang buhok niya at hinalik halikan ang ulo niya. ''cody,''...reklamo nito habang iniiwas ang ulo niya. ''saglit lang,kailangan ko lang magcharge''...sabi ko dito na sinubsob ang mukha ko sa leeg niya,hinawakan naman nito ang kamay ko at minasahe iyon..Ilang minuto kami sa posisyon na yun ng tumayo na ito. ''okey kana?''...tanong nito sa akin habang hawak pa rin ang isang kamay ko na minamasahe niya ''hmp,hindi pa''...nakapikit na sabi ko. ''baka kailangan mo na uminom ng gamot,wait kukuha kita sa bag ko''.akmang tatalikod na ito ng pigilan ko siya sa braso at iharap sa akin hinalikan ko ang malambot na labi niya,nagulat ito sa ginawa ko pero tumugon din siya ng pinalalim ko ang halik ko sa kanya,nahinto lang ang paghahalikan namin ng itulak ako nito. ''siguro naman okey kana,''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD