~ Anniversary
Casey Pov
Naging abala kami ni Cody sa trabaho hindi na rin kami madalas magsabay pumasok at umuwi,lagi din kasi siya nasa labas kasama ang mga pinsan niya dahil marami sila kameeting na mga tao gustong mag invest sa Company nila,ako naman ang dami ko papeles na inaayos at iniencode pero kahit abala ako nagawa ko pa din bumili ng ireregalo ko kay Cody sa nalalapit naming anniversary buti na lang may kilala magaling na pintor si Kuya kaya napapinta ko ang unang larawan namin ni Cody na magkasama ,kuha iyon noong unang araw ng date namin bilang magkasintahan siguro naman magugustuhan niya iyon.Tinapos ko na ang huling folder na ieencode para maaga ako makauwi ngayon, maaga ako makakapagpahinga ang sama din kasi ng pakiramdam ko ngayong araw..alas sais na ng gabi nang nakalabas ako ng Kompanya sumakay na ako ng taxi para mabilis ako makarating sa bahay,pagdating ko ng bahay naabutan ko si Mama sa sala na nagtutuklip ng damit na nilabhan .
''hi ma''..bati ko kay Mama na agad na lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi,tumabi ako sa kinauupuan niya para maisandal ang ngalay na ngalay kong likod.
''ang aga mo ngayon?at mukhang may sakit ka''..sabi ni Mama na agad hinipo ang noo ko.
''pagod lang Ma pero wala naman po ako sakit''..tipid na sagot ko habang hinihilot ko ang sentido ko.
''wala ka naman nga lagnat baka miss mo lang si Cody''..panunukso pa ni Mama sa akin.
''siguro nga po Ma''.. pagsakay ko sa biro ni Mama pero sa totoo lang miss na miss ko na nga si Cody.
''uminom ka agad ng gamot pero kumain kana muna sa kusina nakapagluto na rin naman ako para makapagpahinga kana sa kwarto mo''..sabi ni Mama na tinapik ang binti ko.
''mamaya na po Ma maghilamos po muna ako at gusto ko po muna humiga,sige po akyat na po ako''.. tumayo na ako sa kinauupuan ko ng magsalita uli si Mama.
''sandali lang anak,heto pala invatation ng pinsan mong si Beth ikakasal na siya sa sabado at maid of honor ka daw niya''..iniabot sa akin ni Mama ang kulay pink na invatation.
''buti naman at naisipan nang mag-asawa ng babaeng ito.''sabi ko habang tinitignan ang invatation ng pinsan ko na mukhang masayang masaya base sa kuha nila ng groom niya sa cover ng invatation nila hindi ko maiwasang isipin kung kailan naman ako ikakasal.
''kaya nga akala ko nga tatandang dalaga na ang batang iyon,.''
''sige po Ma wala naman ako pasok sa sabado kaya makakapunta po tayo,akyat na po ako Ma bumabagsak na po talaga talukap ng mga mata ko''
''sige anak,kumain kana lang mamaya''
- Pagtapos ko maghilamos at magbihis pangtulog ay agad na ako nahiga sa kama ko dahil di ko na kaya ang pagod at antok na nararamdaman ko tinignan ko muna ang phone ko kung may message si Cody pero wala pa ito text kahit isa kaya pumikit na ako para makatulog na muna ,ako na lang mamaya ang tatawag sa kanya.
Cody Pov
Natapos ang trabaho namin ng mga pinsan ko ng maayos buti na lang kasama ko ang dalawang ito maaasahan ko talaga sila,nag-aya sila uminom muna kahit saglit lang gusto lang daw nila magsaya dahil naging successful ang naging trabaho namin.
''salamat sa inyo mga bro malaki ang naging tulong niyo sa lakad kong ito''..sabi ko sa kanila.
''wala iyon bro,alam mo naman kami ni Hunter nasa tabi mo lang palagi'' - Auston
''at dahil diyan bro lagi mo na kami sasamahan sa pagbabar''..sagot naman ni Hunter na pangiti-ngiti pa.
''baka iyan ang hindi ko maipangako sayo bro''..seryoso sagot ko naman sa kanya.
''ang KJ talaga nito kahit kailan''..sabi ni Hunter.
''hayaan mo na siya Bro,nagbago na ang tao baka mapalo pa siya ni Casey''..tatawa tawang sabi naman ni Auston na mukhang nagsisimula na naman nila ako pagtripan.
''yan na naman kayong dalawa ako na naman nakita niyo''
''oo nga pala wedding anniversary na nila tita at tito sa saturday di ba?kailangan ko pala masabihan si Dian para makasama ko siya sa sabado''..pag-iiba ni Hunter ng usapan,oo nga pala anniversary nila Daddy at Mommy nawala sa isip ko sa sobrang dami kong trabaho buti na lang nabanggit ni Hunter.
''oo nga pala anniversary nila tita ano kaya pwede mairegalo sa kanila bro?''.. baling naman ni Auston sa akin.
''kahit ano alam mo naman iyon kahit di mo bigyan ang mga iyon ay ayos lang basta andon kayong lahat masaya na sila Mom at Dad.''sabi ko naman.
''kumpleto na naman ang clan ni Lola niyan''..sabi ni Hunter
''malamang'' - Auston
- Pagtapos namin uminom magpipinsan ay naghiwa-hiwalay na kami,pagdating ko sa bahay ay agad na tinawagan ko si Casey pero hindi ito sumasagot nakailang miscalled na ako at message sa kanya pero di siya nagrereply at sumasagot sa tawag ko baka siguro tulog na siya di bale magkikita naman na kami bukas.
Casey Pov
Pag gising ko agad na tinignan ko ang phone ko nasa side table ng kama ang dami na pala miscalled at message ni Cody di man lang ako nagising kagabi at hindi din nakakain sa sobrang pagod ko,naligo na muna ako bago bumaba,pagtapos ko naligo at mag-ayos ng sarili ko binitbit ko na ang bag ko,nagtungo agad ako sa kusina para makakain muna bago pumasok pero nahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang lalaking nakaupo sa mesa na nakikipag-usap kay Mama sabay pa sila lumingon sa akin na agad ko naman sila nginitian.
''good morning''..bati ni Cody sa akin,gusto ko sana siya yakapin pero nahihiya ako kay Mama.
''good morning'' ..sagot ko sa kanya na nanatili sa kinatatayuan ko.
''oh anak halika ka kumain na muna kayo ni Cody''.. sabi ni Mama
''tita hindi na po sa labas na lang po kami kakain ni Casey''..sabi ni Cody tumayo na sa kinauupuan niya para lumapit sa akin.
'' siya sige umalis na kayo baka mahuli pa kayo sa trabaho,anak bakit hindi kana gumalaw diyan para ka nakakita ng multo este gwapong multo''...natatawang sabi ni Mama
''Ma,..(pigil ko sa panunukso ni Mama) halika na Cody baka matraffic pa tayo,alis na po kami Ma''..sabi ko na lang na agad na naglakad palabas ng bahay hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa harap ni Cody kinakabahan ako .,nahinto ako sa pagbukas ng gate nang may humawak sa kamay ko.
''easy, masyado ka nagmamadali di mo ba ako namiss?''..pigil ni Cody sa akin sa pagbukas ko ng gate,humarap ako sa kanya at hindi ko na napigilang yakapin siya.
'' miss na miss''..sabi ko habang yakap siya ng mahigpit feeling ko isang buwan kami di nagkita.
''miss na miss din kita ''..sabi nito na hinalikan pa ang tuktok ng ulo ko.
''so tara na,kanina pa kinikilig si Tita sa may bintana niyo''..napalingon ako sa may bintana sa sala andon nga si Mama na pangiti ngiti..
''hala si Mama talaga,tara na nga''.sabi ko na agad ng binuksan ang gate para makalabas na kami ni Cody.
- Dumaan muna kami ni Cody sa isang restaurant para makapag-almusal,pagtapos namin kumain umalis na kami para makapasok na sa trabaho.Naging magaan ang araw sa akin dahil din siguro sa kumpleto ang naging tulog ko at isa pa nakita ko na si Cody.Abala ako pag-aayos ng mga iencode ko ng maramdaman kong may taong nakatayo sa likod ko pagharap ko nagulat ako si Cody pala ang tao nakatayo doon.
''lunch time na masyado ka abala diyan''..sabi nito na nakapamulsa.
''may tinatapos kasi ako kailangan mo para mamaya''..sagot ko sa kanya.
''later mo na tapusin yan kain na muna tayo let's go''..sabi nito na inilahad na ang kamay sa akin.,wala na ako nagawa kundi sundin siya.
- Kumain kami sa restaurant na madalas namin puntahan nila Auston at Hunter,umorder na si Cody at ilang minuto lang dumating na ang mga pagkain iniorder niya.Habang kumakain kami ay nag-uusap kami tungkol sa mga nangyari sa buong linggo di kami magkasama.
''oo nga pala sweety may lakad tayo sa saturday wedding anniversary nila Mom and Dad''
''nitong saturday ba?..paniniguro ko sa kanya.
''yeah,bakit may lakad kaba?..naka kunot noo tanong ni Cody sa akin.
''oo,ikakasal kasi yung pinsan ko at maid of honor niya ako nakakahiya kung di ako pupunta''..sabi ko sa kanya.
''ganun ba,sige wala naman ako magagawa pero kung maaga matatapos ang kasal ng pinsan mo pwede ba kita sunduin?
''hapon pa kasi ang kasal ng pinsan ko baka gabi na din matapos iyon.,sorry''..sabi ko na hinawakan ang kamay niyang nasa mesa.
''ayos lang naintindihan ko,''..sabi niya na ngumiti pa sa akin.
- Wedding Anniversary
Ang daming naging bisita ng mga magulang ni Cody halos lahat ng kasapi ng Pamilya nila ay naroon kumpleto din ang mga pinsan niya na masayang nagkakabiruan sa isang malaking mesa na nilaan para talaga sa kanila,naroon din si Auston at Hunter kasama ang mga kasintahan ng mga ito di tuloy maiwasan ni Cody ang mainggit sa mga ito dahil di niya kasama si Casey,.di rin nawala si Ashley at ang mommy nito bestfriend ng Mommy niya sa party na iyon.
Cody Pov
''hindi ba talaga makakapunta si Casey bro?''...tanong ni Auston sa akin magkakatabi kami tatlo nila hunter sa upuan ang mga girlfriend nila ay abala sa pakikipag-usap sa mga pinsan naming babae.
''hindi nasa wedding pa daw sila ng Mama niya''..simple sagot ko.
''naku bro mag-iingat ka andiyan na naman si Ashley sigurado ako magpapapansin na naman sayo yan wala pa naman si Casey''...paalala ni Hunter sa kanya.
''don't worry bro,magkaibigan na lang kami ni Ashley''..sabi ni Cody sa mga ito.
''paalala lang alam mo naman yang babae na yan matinik.''...sabi ni hunter na nakatingin kay Ashley na lumapit sa mga pinsan ko para makipag-usap sa mga ito na halata naman umiiwas ang mga pinsan naming babae sa kanya.
- lumipas ang ilang sandali nagsimula ng magsayawan ang mga bisita,nagsayawan na din ang mga pinsan ko na halata ang iba sa kanila may mga tama na sa alak na ininom nila,.nagpasiya na rin ako umakyat sa kwarto ko para makatulog na hindi ko na kaya magdrive pa pauwi sa bahay ko kaya nagpasiya ako dito na muna ako kina Mom matutulog nagpaalam na ako kay Auston at Hunter na mukhang mga lasing na rin,.naglakad na ako papasok ng bahay at agad na umakyat ng hagdan kahit pasuray suray na ay nakaakyat naman ako, agad na ako naghubad ng damit ko at nahiga sa kama ko na mukhang di pinagalaw ni Mom ang mga gamit ko dito sa kwarto dahil maayos pa rin ang mga ito roon.Natulog na ako dahil hindi ko na kaya ang kalasingan ko.
Ashley Pov
nakita kong umalis na si Cody sa mga kasamahan niya at mukhang lasing na lasing na siya sinundan ko siya ng pumasok siya sa loob ng bahay nila at nakita ko siya paakyat ng hagdan buti na lang din at abala lahat ng kasambahay nila at walang makakapansin sa akin kung susunod ako kay Cody,pag-akyat ko sa taas ng bahay nila ay nakita ko siya papasok sa kwarto niya na lubos kong kinatuwa,.naghintay lang ako ng ilang minuto bago ako pumasok sa kwarto niya.Nakita ko siya nakahiga na sa kama niya na halatang lasing na lasing kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para magawa ko na ang plano ko agad na ako naghubad at tumabi sa tabi niya.
Cody Pov
Nagising ako na may nakadagan na mabigat sa hita ko nang imulat ko ang mata laking gulat ko sa babaeng katabi ko umalis agad ako sa pagkakahiga at agad na nagbihis nagising naman ang babae na ngayon ay nakatingin na sa akin.
''anong ginagawa mo dito ashley?''..hindi ko mapigilan hindi magalit sa kanya.
''cody,hindi ko alam ang nangyari kagabi,hindi ko din alam kung bakit ako napunta dito sa kwarto mo''..papungas pungas na sabi nito.
''sh*t ashley sa tingin mo maniniwala ako sayo,alam kong pinlano mo ito,kahit kailan gagawin mo talaga lahat para masira mo lang ako''...gigil na sabi ko sa kanya.
''cody please makinig ka muna sa akin,hindi ko alam na dito ako sa kwarto mo ako makakatulog sobrang lasing ko na kagabi''..umiiyak na sabi nito pero hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya.
''pwede ba ashley tigilan mo na yang kahibangan mo dahil kahit anong gawin mo hinding hindi na kita babalikan pa,tigilan mo na ako''..sigaw na sabi ko sa kanya bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at niluwa doon si Mommy na nagulat sa nadatnan sa kwarto hanggang ngayon kasi hindi pa nagbibihis si Ashley at nagkalat ang damit niya sa sahig nagulat din ako na nandito pa pala si Auston sa bahay at nakita din niya ang sitwasyon namin ni Ashley dito sa kwarto ko.
''anong nangyayari dito?'' si Mommy
''bro''..gulat na sabi nim Auston,hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat.
''wala po nangyari sa amin Mom,kung yan ang iniisip niyo nagising na lang ako na katabi ko siya''..naiinis na sabi ko.
''sa tingin mo anak maniniwala ako sayo tignan mo naman ang ayos niyong dalawa''..
''malay ko ba Mom na naghubad lang yan para paniwalain akong may nangyari sa amin''..gigil na sabi ko na hinarap si Ashley..
''Cody''..sigaw ni Mom
''sorry Mom,mauna na po ako sa inyo''..sabi ko na agad na lumabas ng kwarto ko gusto ko na makaalis agad dahil nanggigil pa din ako kay Ashley nakasunod naman sa akin si Auston hanggang sa makalabas kami ng bahay.
''Bro''..pigil ni Auston sa braso ko
''bro maniwala ka man sa hindi,hindi ko talaga alam ang nangyari lasing na lasing ako kagabi''..paliwanag ko sa kanya.
''ikaw lang naman makakalam kung ano talaga ang totoo nangyari,ayusin mo na agad yan huwag mo sana hayaang masaktan si Casey,sige maiwan na kita.''tinapik ni Auston ang braso ko tsaka na siya sumakay ng kotse niya bigla naman tumunog ang phone ko nireremind nito anniversary namin ngayon ni Casey,hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko bakit hinayaan ko mangyari ang bagay na ito.
Casey Pov
Maaga ako nagising para makapag-ayos baka kasi bigla na lang sumulpot si Cody para yayain ako mag date pero nagtataka pa din ako dahil hanggang ngayon di pa rin siya tumatawag,kaya ako na ang tumawag sa kanya agad naman ito sumagot.
''good morning''..masiglang bati ko sa kanya.
''good mornig sweety''..masaya sagot din nito sa akin.
''asan ka?mukhang nagdidrive ka?''..tanong ko sa kanya may mga naririnig kasi akong busina ng mga sasakyan.
''yeah pauwi ako ng bahay, kina Mom na kasi ako nakatulog kagabi''..sagot nito.
''oh I see,kamusta naman ang naging party ng mga magulang mo?''
''ayos naman tinatanong ka nila sa akin sabi ko may ginawa ka kaya di ka nakapunta,by the way Happy Anniversary sweety''..sabi nito na kinatuwa ko akala ko kasi nakalimutan na niya.
''Happy anniversary''..kinikilig na sabi ko
''sunduin kita mamaya uwi lang ako ng bahay''
''sige,hintayin kita,ingat ka sa pagdrive''..sabi ko na naeexcite.
''i love you''..
'' I love you too''
pagbaba ko ng phone ay agad na ako nagbihis nakaligo na rin naman ako kanina pa,inayos ko pa ang pagkakacurl ng buhok ko at nagpahid ng kaunting make up,nag dress lang ako ng simple at nagsuot ng hindi kataasang heels.
- Dinala ako ni Cody sa isang sikat na Restaurant pero nagtataka ako bakit walang tao kumakain bukod sa aming dalawa lang.
''hindi siguro masarap ang pagkain dito''..sabi ko ng makaorder na kami ng pagkain.
''paano mo nasabi di masarap ang pagkain nila dito?''..nagtataka sabi ni Cody.
''tignan mo naman walang tao kumakain bukod sa ating dalawa''..bulong ko sa kanya.
''sweety ni rent ko buong araw ang restaurant para sa ating dalawa kaya wala talaga papasok na iba dito bukod sa atin dalawa''..natatawa sabi ni Cody..
''totoo?,bakit mo naman ginawa yon sayang ang pera ginastos mo''..nakanguso sabi ko,sabagay mayaman siya kaya balewala sa kanya kung magkano man ang magagastos niya.
''it's okey ayoko lang maistorbo ang date natin dalawa,gusto ko maging special ang araw na ito sa atin''
''dapat pala sinama na lang natin sina Hunter at Auston para triple date tayo''
''mas hindi ko hahayaang mangyari yon baka sa halip na maging masaya ang anniversary natin pagtripan lang tayo ng dalawang yon,bilisan na natin kumain may pupuntahan pa tayo''...sabi pa niya na kumindat pa.
''saan?''..tanong ko sa kanya.
''mamaya mo na malalaman''
Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami dinala naman ako ni Cody sa isang park na sikat dito sa lugar namin ang dami taong namamasyal at halos lahat sa kanila ay magkakasintahan,umupo kami sa isang bench na naroon.
''ang ganda pala dito ngayon lang ako nakapunta,ikaw ilang beses kana nakapunta dito?''sabi ko na tinitignan ang fountain na malapit sa kinauupuan namin may ibat ibang ilaw na lumalabas kasi dito tuwing bubuga ito ng tubig.
''ngayon pa lang, nagsearch lang ako ng mga lugar na pwede natin pasyalan dito na hindi na kailangan lumabas pa ng bayan,sorry kung di man lang tayo nakapag outing para sa anniversary natin''..sabi niya na hinawakan ang kamay ko.
''dont worry ayos lang sa akin hindi naman mahalaga sa akin kung ano ganap na mangyayari ngayong araw na ito makasama ka lang ay ayos na ayos na sa akin Cody''..sabi ko na nginitian siya ng sobrang tamis.
''basta tatandaan mo mahal na mahal kita Casey''
''mahal na mahal din kita Cody''..bigla na lang niya ako hatakin para halikan sa labi hindi naman ako tumanggi dahil tinugon ko din ang halik niya.Bago lumalim ang halik namin ay pinigilan ko na siya.May isinuot siya sa akin na isang kwintas na puso.At ang sabi niya sa akin lang daw ang puso niya kahit anong mangyari,inaya ko na din siya umuwi dahil ano oras na rin naibigay ko naman ang regalo ko sa kanya bago siya umalis ng bahay..Napakasaya ko ngayong araw na ito ramdam ko pa din ang labi ni Cody sa labi ko,at hanggang ngayon kinikilig pa din ako.