ALBERT POV's
Hindi ako makapaniwala na may nabuo ng araw na may nangyare samin ni zyra! Natutuwa ako ngunit hindi ko pinahalata iyon
'Im going to be a father soon' sabi ko sa aking isip
Ngunit sinabi ko na ipalaglag nya ang bata kahit hindi naman iyon ang aking kagustuhan 'fvck albert anong klese kang ama at nasabi mo yun sa sarili mong anak' pagalit ko sa aking sarili
Ng masabi kong ipalaglag nya ito nakita kong nagulat sya base sa reaksyon ng kanyang mukha. At tuluyan ng umiyak
Ngunit mas lalo akong nagulat ng biglang sumulpot sa gitna ng pag uusap namin si sky.
hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi nya, ang mga pinag samahan namin bigla na lang nyang tinapon ng ganon lang
Ng tuluyan ng makaalis si sky, tinignan ko ng malamig si zyra at nag salita
"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Galit na sabi ko habang malakas syang sinampal nakita ko naman napa igik ito sa sakit na natamo sa pag kakasampal. Na bigla din ako sa aking sarili, hindi ko sinasadyang saktan sya
"Isa lang ang kasalanan ko nag mahal ako ng maling tao" sabi nito at mabilis umalis sa aking harapan
Ayaw kong nakikitang nasasaktan sya. Kaya pinapakita kong matigas ako, simula ng may mangyare samin ng araw na yon parang hinahanap hanap na sya ng sistema ko
"ZYRA POV's"
Hindi ko alam kong saan ko ilulugar ang sarili ko! Ang akala kong pag sinabi kong magiging ama na sya ay mag babago kahit kaunti ang pag tingin nya saa kin! Nag kakamali pala ako haha.
Ang tanga mo kasi zyra mahuhulog kana nga lang sa maling lalake pa, sabi ko sa aking sarili at mapaklang nakangiti
Kong natuturuan lang sana ang puso. Kaso hindi ee! Sana ganon lang kadaling kalimutan ang taong minahal mo ng higit pa sa buhay mo,
natatakot ako para sa baby ko! Paano kong sabihin nya ulit na ipalaglag ko? Anong gagawin ko huhu.
Hindi ko akalain na ipapaubaya ni sky si albert ng ganon. Siguro inisip nya na may baby ng involve kaya nag paubaya sya! Sana naman matanggap ni albert ang baby namin, hindi pa man sya lumalabas inaayawan na sya ng sarili nyang ama at gusto pa syang mawala, natawa ako ng pagak sa isipang yon
Lalo akong natakot ng sampalin nya ako! Parang hindi ko sya kilala ng mga oras na yon, nanginig ang katawan ko ng sampalin nya ako. Hindi ako makapaniwala na sasaktan nya ako!
Hindi ko pinag sisisihan ang nangyare! kong ayaw nya sa akin gagawa ako ng paraan para magustuhan nya ako
SKY POV's
Isang linggo na simula ng mangyare ang natuklasan ko. Kapag naaalala ko ito kusa na lang tutulo ang aking luha ng hindi ko namamalayan,
Nag lalakad ako papuntang university ng bigla akong kausapin ni bell, nakakagulat ng bigla na lang syang sumulpot sa aking tabi
"Sky alam mona ba ang sasalihan mo?" tanong nito kaya napalingon ako sa kanya
"Siguro sa singing na lang ako sasali" tipid kong sabi at nag patuloy sa pag lalakad. Naramdaman ko naman na nakasunod ang madaldal kong kaibigan
"Buti kapa meron na! Ako kasi wala pa" sabi nita na may halong tawa
"Alam mo napapansin ko simula ng mag hiwalay kayo ni albert parang naging cold kana! Nag tatampong sabi nito
Ewan ko! Parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay mula ng mag hiwalay kami! Eh ginawa ko lang naman ang mas makabubuti. Ayaw kong maging masaya kong may isang batang tatanggalan ko ng ama. Hindi ako ang tao na makasarili
"Ikaw ah hanggang ngayon hindi mopa din sinasabi ang nangyare sa inyo! Wala ka bang balak mag kwento? " tampong sabi nito
"Forget about that! " maikling tugon ko sa tanong nya
Hindi kona ito kinibo at iniwan na sya. Nag tungo ako sa lugar kong saan ako lang ang tao, gusto kong mapag isa! Gusto ko sa tahimik na lugar. Habang nakaupo ako sa damo at nakasandal sa puno dinadama ko ang sariwang hangin.
'Sana ganon lang kabilis tanggapin ang lahat' bulong ko sa hangin
Kinuha ko ang aking cellphone at nag pa tugtog ako
"Hindi masabi ang nararandaman
Hindi makalapit, sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo,
Ang iyong matang walang mintis sa
pagtigil ng aking mundo"
Habang sinasabayan ko ang kanta, hindi ko mapigilang tumulo nanaman ang traydor kong luha, at naalala ko nanaman ang nangyari!
"akoy alipin ng pag ibig mo
handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso moy
sa akin lang hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin"
Ang hirap pa lang maging masaya! Yung panandaliang saya may kapalit na sakit. Sana panaginip lang ang lahat! Pero kahit anong gawin ko wala eh. Kaylangan tanggapin ang katotohanang wala na talaga.
Habang kumakanta ako ng nakapikit may biglang nag salita
"Sabi kona nga dito lang kita makikita eh" biglang sabi nito na agad nag pamulat sakin
"What the hell bakit ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko
"Hey hey relax, palagi kasi akong dumadaan dito mula ng matyempuhan kita, nag babakasakali na! Alam mona!" Sabi nito habang may ngiti sa labi.
" Alam kona kong anong sasalihan mo? Kakanta ka no? " Nakangiting tanong nito
Nakakamangha ang kanyang ngiti, parang nakita kona dati yun
" Yeah" cold kong sabi
" Wooh the last time i see you here ang lalim ng iniisip mo, pero ngayon parang pasan mo ang mundo!" Manghang saad nya habang nanlalaki ang dalawang mata
Manghuhula ba ito? Ganon na ba ako kadaling basahin? Halata bang problemado ako?
"Leave!" Malamig sang sabi! Ang dami nyang tanong. Akala naman nya close kami. Kaya nga ako nag punta dito kasi gusto kong mapag isa
"Okay! Okay! Wag ka ng magalit aalis na ako," nakangiting saad nito
"Aabangan ko ang performance mo! Next day na yon galingan mo!" Pahabol nyang sabi bago tuluyang umalis
3rd person pov's
Nandito ako ngayon sa aking opisina ng puntahan ako ng aking kapatid. 'tssk storbo' sabi ng isip ko
"Bro, guest ka pala sa university mo? Pupunta kaba ?" Deretsong tanong nito
Isa pa yan ang dami ko na ngang dapat asikasihin dito pero titignan ko kong aabot ako! Sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta pero parang may nag sasabi na pumunta ako.
"I'll try" cold kong sabi
Ng bigla itong napangiti! Yung ngiti nyang yun parang may ibig sabihin pero hindi ko mabasa tss
"Alam mo bro para kang yung babae sa university napakalamig kong mag salita mas lalo na ang mga tingin nya" mahabang kwento nya
Bigla akong naging interesado sa babaeng tinutukoy nya. Napakunot na lang ako ng noo at hindi na mag salita pa, pero ang madaldal kong kapatid nag salitang muli
"I like her," biglang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya ng salubong ang aking kilay
"She's different, bro, alam mo yun! yung hindi sya pang isang gabi lang. Sya yung tipo ng babaeng iingatan mo at aalagaan! Ang kaso ang hirap lapitan parang tigre palaging galit haha" natatawang kwento nito
Ngayon lang nag kwento ang taong to, sya yung tipo ng taong hindi palakwento kaya halatang tinamaan talaga sya sa babaeng tinutukoy nya
"Bro punta ka ah paniguradong madaming chiks dun! Alam mo na haha" natatawang sabi nito tinutukoy ang manhood ko.
'Kong alam mo lang' sabi ko sa aking isip, saan kaya kita makikita sweetheart? Bakit hindi ka mahanap ng mga tauhan ko.
"Bro natulala kana dyan? Nga pala una na ako may lakad pa ako. Sinadya lang kita para ipaalam sayo!" Basag nya sa akin at tuluyan ng umalis
Siguro pupunta na lang ako para na din malibang ako hindi puro bar ang libangan ko.
"ALBERT POV's"
Lulan ako ng aking isip ng biglang may umakbay sakin , pag tingin ko si marc lng pala.
"Tol hindi ko na yata kayo nakikitang mag kasama ni sky! Anong nangyare ?"
Nag tatakang tanong nito, halos lahat sila yun ang tanong. Wala din akong pinag sabihan na hiwalay na kami ni sky! Si zyra pa lang ang may alam.
Hanggang ngayon ang hirap pa din tanggapin na wala ng kami.