3dr person POV's
Isang bwan ko ng pinapahanap ang babaeng nakasalo ko ng gabing iyon, pero hanggang ngayon wala pa rin update ang inutusan ko. Hindi ko alam kong bakit hindi mahanap ng tao ko ang babaeng iyon sigurado ako na malapit ka lang sa akin sweetheart!
Ngayon mag a-update ulit ang tao ko, narinig kong kumatok na nga ito. Hindi pa ako nag salita ng marinig ko itong nag salita.
"Master wala po talaga akong makalap na impormasyon sa babaeng pinapahanap nyo!" nakayukong sabi nito
Napayukom ang aking mga kamay, nag tataka ako kong bakit hindi mahanap ng tao ko ang babaeng yon
Nakasandal ako sa headboard ng kama at napahilot sa bridge ng ilong ko. I have many thoughts in my mind and including that girl in the bar
"Honey, thank you for wonderful night. I know you like me too"
Tumingin ako sa babaeng hindi ko matandaan ang pangalan. Pinagapang nya ang daliri sa hubad kong dibdib
"Leave!" malamig kong sabi at hinawi ang kamay nya bago ko kunin ang sigarilyo at sinindihan ito
"But--" sabi nito ng pinagtaasan ko sya ng boses
"Leave now b***h!" Sigaw ko at tinignan ito ng malamig
Napaamang ito nanlalaki ang mata bago padabog na umalis ng kama. At sinuot ang kanyang damit
"Wait" sabi ko ng nakangiti syang lumingon
"Yes honey" sabi nya na may halong saya
"Throw this in the garbage bin" utos ko at nilahad sa kanya ang ginamit kong c*ndom.
Ang nakangiti nyang mukha napalitan ng pag kainis bago padabog na lumabas
"Arrogant jerk"sigaw nito bago tuluyang umalis
Napailing na lang ako at tuluyang bumangon mula sa kama
Take your time sweetheart, mahahanap din kita at sisiguraduhin kong magiging akin ka. Oras na malaman ko kong sino ka mag handa kana
***
SKY POV's
Isang buwan ng hindi kami nag kikita or nag uusap ni albert, at sa loob ng isang buwan na yon sobrang miss na miss kona sya, pupuntahan ko sya mamaya sa condo nya para makipag ayos. Sana mag kaayos kami
"Sky ano ng plano mo? Hindi ka pa din kumikilos ikaw din baka maagaw si papa albert sayo!" sabi ni bell habang nakanguso haha
"Stop pouting hindi mo bagay" diretsong sabi ko. Nakita ko naman itong umirap haha
"Ano nang plano mo? Sayang naman ang pinag samahan nyo ni papa albert" ulit na sabi nito
"Pupunta ako mamaya sa condo nya para makipag ayos! Sana matanggap nya ako, aayusin ko kong anong meron kami. Ako ang sumira ako din ang aayos." makahulugang aniko
Hindi ko naman hahayaang masira kong ano ang meron samin. At hindi ako papayag na maagaw sya ng iba!
"Tama yan parehas kayong nag kamali kaya dapat mag kapatawaran kayo" dagdag na sabi nya
Bumangon na ako at inayon ang sarili. Pag ka tapos kong maligo ay nag bihis ako ng crop top na white tinernohan ko ng pantalon tsaka ako nag soot ng flat na sandals, nag lagay lang ako ng polbo at konting lip tint at tsaka humarap sa salamin, ay pakk
"Bell alis na ako" paalam ko sa aking kaibigan
"Sige sana mag kaayos na kayo" narinig kong sigaw nito
Pag kalabas ko pumara ako ng taxi at nag pahatid sa aking pupuntahan. Nandito na ako sa harap ng condo nya, kinakabahan ako. Hindi kona kailangan mag doorbell dahil my susi ako ng condo nya
Ng mabuksan kona ito unti unti akong pumasok, 'wala yata si manang siguro day off nya' sabi ko sa aking sarili
Ng tuluyan na akong makapasok may narinig akong nag uusap, 'sino naman kaya ang kasama ni albert dito' tanong ko sa aking sarili
Nasa tapat na ako ng pintuan ng makarinig ako ng dalawang taong nag aaway, kaya binuksan ko ang pinto sumulip ako sa maliit na siwang,
Napakunot ang aking noo ng makita ko si albert at zyra na nag aaway, kaya naman nakinig ako sa kanilang pinag uusapan
"I'm pregnant, albert! At ikaw ang ama" umiiyak na sabi ni zyra
May na buo sa pag tatalik nila ng araw na yon, hindi ko namalayan unti unting tumulo ang aking luha.
"I said abort that child, i dont want to be a father. Lalo na at ikaw ang ina" madiing sabi ni albert
Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko nanginginig ang tuhod ko. Paano na kami? Paano na ako? Patuloy pa din ako sa pag iyak dahil sa aking nalaman, akala ko mag kakaayos na kami! Alaka ko mapapatawad namin ang isat isa!
'Akala ko lang pala'
"Hindi ko ipapalaglag ang bata! Albert naririnig moba ang sinasabi mo anak mo din ang batang dinadala ko! Sana naman tanggapin ma sya kahit hindi na ako" madamdaming sabi ni zyra habang umiiyak
Nakikita kong nakatingin lang sa kanya ng malamig si albert, wala akong makitang emosyon sa mukha nya.
"Ikaw ang bahala kong ayaw mong ipalaglag ang bata! Wala akong pakialam sa inyong dalawa si sky lang ang mahal ko naiintindihan mo ba?" galit na sabi nito habang hawak ang panga ni zyra,
Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganito. Anong klasing tao sya kong sarili nyang anak hindi nya matanggap! Hindi ako makakapayag na ipalaglag nya ang sarili nyang anak
Kaya naman lumabas ako sa siwang na kanina kopa pinag tataguan, at nakita kong parehas silang nagulat. Ng makabawi ay nag salita agad si albert
"Did you hear everything?" gulat na sabi ni albert
"Yes" tipid kong sagot habang mahinang humihikbi
"Hindi ako papayag na ipalaglag mo ang dinadala nya! Dahil hindi kaya ng konsensya ko, mas mabuti sigurong tapusin na natin kong ano ang meron tayo! Maaari pa din naman tayong maging mag kaibigan, ayusin nyo ang sa inyo lalo na at mag kaka baby na kayo. Kong mahal mo talaga ako gagawin mo ang gusto ko! " mahabang sabi ko habang patuloy pa din sa pag iyak
At niyakap si albert. Eto ang huling yakap kaya ninamnam ko ang bawat sigundo
"Ingatan mo ang baby mo at si zyra! Mahalin mo sya ng kagaya ng pag mamahal mo sa akin! " mahinang bulong ko at kumalas ng pag kakayakap
"Babe wag naman ganito" naiiyak na sabi nya
"Nakapag desisyon na ako kailangan ka ng bata at ayaw kong maging selfish dahil lang sa mahal natin ang isat isa. Hindi ko kakayanin na may isang batang mawawalan ng ama" humihikbing sabi ko at binalingan si zyra
"Ingatan mo si albert siguraduhin mong mamahalin ka nya ng higit pa sa pag mamahal nya sa akin" bulong ko habang patuloy pa rin sa pag agos ang luha sa aking mata
Nakita ko naman na ngumiti ito at tumango.
"Hindi ko maipapangako pero gagawin ko ang makakaya ko" sabi nito sa malungkot na boses agad ko din itong niyakap
"Aalis na ako sana maging masaya kayo" sabi ko at agad akong niyakap patalikod ni albert. Nakikita kong namumula ang mata nito
Kumalas ako sa pag kakayakap nito at humarap, isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanilang dalawa. Tulutan na akong nakalabas ng condo nya, patuloy pa din ako sa pag iyak, ayaw yatang makisama ng aking luha,
Ang sakit na malaman mo na my ibang na buntis ang taong mahal mo. Napangiti ako ng mapakla, 'kakayanin kong wala kana sa tabi ko' bulong ko sa hangin.
Ganito pala ang pakiramdam ng mag PALAYA masaya ngunit masakit sa pakiramdam, yun ang mas makakabuti alang alang sa bata.
Hindi ko gusto yon ngunit kailangan kong gawin. Ang hirap i give up ang taong minsan ng naging mundo mo!
Nandito na ako sa bahay ni bell, ng bigla itong nag salita at mahihimigan mo ang pag aalala sa boses nya
"Oh sky anong ng yare bat mugtong mugto ang mata mo?" nag aalalang tanong nito ngunit hindi kona lamang ito kinibo at isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanyang tanong, dumiretso na ako sa room ko
'Ang sakit sakit, parang hindi ko yata kayang mawala sya' umiiyak na sabi ko sa aking sarili