3rd person
Pag gising ko nakita ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa aking mga bisig, napangiti ako! Bumangon na ako at my aasikasuhin lang akong importante tinawag ko si manang sabel at agad naman itong dumating
"Manang paki-asikaso ang babaeng nasa kwarto ko! Aalis lang ako saglit. Wag nyo syang hahayaang umalis ng hindi ko alam!" seryosong sabi ko
"Yes po master" na nginginig na sabi nya,
Bago ako tuluyang umalis, tinitigan ko pa ang babaeng mahimbing na natutulog sa aking kama
I'm here at my office ng may kumatok
"Come in!" seryosong sabi ko
Binigay ko ang picture ng babaeng nakasiping ko kagabi at pina imbistigahan
"I need the information as soon as possible!" sabi ko habang nakatingin sa picture
"Yes master" sabi nito sa nanginginig na boses
'Agad akong bumalik sa mansyon baka gising na sya, ni hindi ko man lang natanong kong ano ang pangalan nya' natatawang sabi ko sa sarili. Pag dating ko sa mansyon narinig kong nag bubulungan ang mga maid
"Sino kaya yung babaeng lumabas sa room ni master? Bakit kaya sya lumabas na umiiyak?" sabi ng isa sa mga maid
F*ck nag madali akong umakyat. Pag dating ko wala na sya pinatawag ko si manang, agad namang kumaripas ng takbo ang isang maid
"Master wala po si manang namalengke po" nakayukong sabi nito habang natatakot
What the hell! Ibig sabihin nakalimutan nya yung bilin ko. Galit na sabi ko sa aking isip
"Hindi nyo man lang pinigilang umalis yung babaeng lumabas ng kwarto ko?" galit na sigaw ko, nakita ko namang mas lalo itong natakot, dapat lang na matakot kayo
"Master hindi na po namin nagawang pigilan kasi po nag mamadali syang lumabas ng mansyon, nakita pa po naming namamaga ang kanyang mata galing po yata sa pag iyak" kanda utal utal na sabi nito
'take your time baby, mahahanap din kita' bulong ko sa hangin You can't escape me
***
SKY POV's
Dito muna ako nakituloy sa bahay ni bell, hindi ko alam kong ano ang una kong gagawin paano ko sasabihin kay albert ang nangyare sa akin,
Kasalanan ko din naman dahil kong hindi ako nag pakalasing ng sobra hindi mangyayare sa akin to. Nakita kong bumukas ang pinto, at bumungad si bell
"Sky ano nang gagawin mo? Hindi naman pwedeng dito ka mag mukmok sa kwarto ko habang buhay?" Mahihimigan mo ang pag aalala sa boses nya
"Sa totoo lang hindi ko din alam kong ano ba ang una at dapat kong gawin!" Sabi ko, may namumuo nanamang luha saking mata, ?
"Eto payo lang ahh, mas maganda sigurong sabihin mo ng maaga sa boyfriend mo ang nangyare sayo para alam mo kong ano ang dapat mong gawin" mahabang sabi nya
"Siguro nga dapat kong sabihin ng mas maaga para alam ko kong matatanggap ba nya ako oh hindi" naiiyak na sabi ko
'Ang tanga no naman kasi sky, sinira mo ang tiwalang meron sayo ang boyfriend mo' sermon ko sa aking sarili
Buo na ang desisyon ko pupuntahan ko si albert ngayon na, kasi kong patatagalin kopa ito baka mas lalong hindi nya ako mapatawad.
PASS FORWARD
nandito na ako sa harap ng condo nya, sobra ang kaba ng aking dibdib. Sabayan pa ng panginginig ng aking katawan.
'Sky kayanin mo kailangan mong itama ang pag kakamaling nagawa mo' sermon ko sa aking sarili
Ng pindutin ko ang doorbell, mga ilang sandali lang agad naman may nag bukas nito
"Ma'am ikaw pala tuloy po kau" sabi ng maid ni albert
Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko
"Wait po ma'am tawagin ko lang po si sir" sabi nito at agad nawala sa paningin ko
Nag halo halo ang emosyong nadarama ko KABA, baka hindi nya ako matanggap. TAKOT, na ako ay iwan nya , sa isipang yon bigla akong kinabahan. Pero bahala na
Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na malapit na sya sa kinaroroonan ko
"I have something to tell you" utal na sabi ko sa nanginginig na boses ng makalapit sya sa gawi ko
"Naalala mo nong nag bar kami nila bell?" sabi ko habang pinipigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala, tumango lang ito
"kasi may nangyaring hindi inaasahan!" sabi ko habang nanginginig ang boses
"Nalasing ako at may naka one night stand ako" sabi ko habang lumandas na ang luhang kanina kopa pinipigilang tumulo
Nakita kong nagulat ito base sa kanyang reaksyon, ng makabawi ay nag salita ito
"What" hindi makapaniwalang sabi nito
"Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya ang nangyare. Hindi ko alam ang ginagawa ko ng gabing yon, parang napakainit ng paligit. Alam kong nag kamali ako kaya nandito ako sa harap mo humihingi ng tawad" madamdaming salaysay ko,
Dati yayakapin nya ako, pero ngayon wala lang hahaha, 'ano kaba sky anong gusto mo matuwa sya' pagalit ko sa aking sarili
Walang emosyong makikita sa kanyang mukha, alam kong galit sya
"Babe patawarin mo ako" sabi ko sabay yakap ng lumayo sya at nag salita
"May nangyari din samin ni zyra" deretsong sabi nya ng walang paligoy ligoy
Pag kasabi nya yun para akong babagsak sa aking narinig, mas lalo lamang akong nanginig, at mas lalong lumakas ang aking pag iyak sinasabi nya lang to kasi alam nyang masasaktan din nya ako, bumabawi lang sya 'tama bumabawi lang sya. Hindi sya nag sasabi ng totoo' kombinsi ko sa aking sarili
"Babe i know you're joking right" sabi ko sa utal na boses habang hindi malaman nag gagawin
"Bakit yung sinabi mo joke lang ba yon?" sabi nya sa galit na boses
Pag kasabi nya ng katagang iyon agad akong umalis at nag tatakbo sa labas, alam kong hindi totoo yon gusto nya lang akong masaktan, kasi nga nasaktan ko sya ng sobra kaya bumabawi sya,
Kasabay ng pag iyak ko ang pag bagsak ng ulan na tila nakikiayon sa aking nararamdaman!
I NEED SPACE sabi ko habang patuloy sa pag iyak
***ALBERT POV's
Nagulat ako ng kumatok si manang sa pinto ng aking kwarto.
"sir nasa baba po si ma'am sky" magalang na sabi nito
Agad naman akong bumaba, nakita ko syang nakaupo sa silya kaya agad akong lumapit sa kanya paano ko sasabihin ang nangyare samin ni zyra? Paano ko sisimulan? Natatakot ako na baka magalit sya sakin
Ng makalapit ako agad syang nag salita, base sa kilos nya ay aligaga sya hindi ako makapaniwala sa sinabi nya may naka one night stand sya. Holy sh*t! galit ako oo pero yung galit na yon hindi para sa kanya para sa taong nakasalo nya ng gabing yon
Sinabi ko din na may ngyare samin ni zyra, nakita ko ang sakit na namutawi sa kanyang mukha. Alam kong nasaktan sya ng sobra parehas kami.
Agad syang tumakbo palayo, gusto ko syang habulin ngunit pinilit kong pigilan ang aking sarili, ng sa ganon parehas kaming makapag isip ng tama
Nakita kong nag ring ang cellphone ko tumatawag si Leo
"pre bar tayo!" agad na bungad nito. Napaisip naman ako kong sasama ako oh hindi
"Oi pre nanjan kapa ba?" agad na tanong nito ng hindi ako sumagot
"Ano pre sama ka?" ulit na tanong nya
"Sure" nasabi kona lang
Okay na din siguro para makapag isip ako kong ano ang dapat kong gawin
PASS FORWARD
Nandito na kami sa bar. Agad silang nag order at nag hanap ng table
"Pre enjoy the night okay! Kahit ngayon lang isipin mong single ka haha" natatawang sabi ni marc
Nakikita kong may kanya kanya silang mga babae ako lang ata ang wala. Ng biglang may lumapit sa aking babae.
Maganda maputi sexy, she's perfect.
'Relax albert nag punta ka dito para makapag isip hindi para tuluyan mong sirain ang relasyong meron kayo ni sky, tama na ang isang pag kakamali' sermon ko sa aking sarili
Ng bigla itong kumandong sakin, fvck
"Hello need me?" tanong nito at akmang hahalikan ako ng biglang may humaltak sa buhok nito
Pag tingin ko kong sino ang may gawa nakita kong si zyra, madilim ang awra nito at halatang galit