Chapter 4

1450 Words
ALBERT POV's Pag kaalis ni sky nakita kong padating si zyra, natatakot ako baka malaman ni sky ang nangyare samin ni zyra, tinatakot ako ni zyra na kapag hindi ako sumunod sa gusto nya sasabihin nya ang lahat kay sky at ayaw kong mangyare yun. hindi kona alam ang gagawin ko para akong asong sunodsunuran sa kanya, bakit? Nung nakaraang araw na nakita ko sya inutusan ako ni prof. na kunin yung mga file's, hindi ko alam sinundan pala ako ni zyra pag pasok ko sa loob agad nyang sinara ang pinto at agad nya akong hinalikan, hanggang sa nag init na ako kaya may nangyare samin. Nagulat ako dahil ako ang nakauna sa kanya. Pag katapos noon agad akong umalis, hindi ko alam kong mapapatawad paba ako ni sky pag nalaman nya to. "Let's go!" biglang sabi ni zyra habang malawak ang ngiti sa labi wala akong nagawa kundi sumunod na lang, natatakot ako sa maaari nyang gawin. Natitiyak kong kamumuhian ako ni sky pag nalaman nya to. "Saan tayo pupunta?" galit kong tanong "Relax! Wag kang magalit ipupunta lang kita sa bahay" sabi nya "No!" matigas kong sabi, hindi pwedeng ganito na lang palagi, kong wala akong gagawin masisira ang relasyong matagal kong iningatan, "Baka gusto mong..." Hindi nya natapos ang sasabihin ng mag salita ako "Ano? Sasabihin mo kay sky ang nangyare sa atin ha? Then do it! Hindi ako natatakot na malaman nya dahil alam kong mapapatawad nya ako" matigas kong sabi sabay alis Nakita ko lang syang ngumisi ng malapad, baliw na talaga ang babaeng yon Natatakot ako oo, na baka hindi nya ako mapatawad. Pero kong patuloy akong matatakot walang mangyayare hindi pwedeng sya ang mag mando sa dapat kong gawin Bahala na kong ano ang kahahantungan ng pag kakamaling nagawa ko *** ZYRA POV's Hi everyone alam kong galit kayo sa akin pero anong magagawa ko nag mahal lang ako! Nag mahal lang ako ng maling tao, matahal ko ng mahal si albert simula pa lang ng high school naging kaklase ko kasi sya nung 1st year kami, simula noon hinangaan kona sya, yung pag hangang yun lumalin ng lumalim hanggang sa naging obsession, ng mag karoon sya ng girlfriend nagalit ako. Ako dapat yun eh Ginawa ko ang lahat ng alam kong paraan, nag papapansin ako lahat, pero wala pa rin eh hanggang sa may nangyare samin, Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba basta ang alam ko mahal ko sya, at gagawin ko ang lahat mapasakin lang sya, kahit na kamuhian nya ako wala akong pakialam, basta akin sya ZYRA iLUSTRE, baka makalimutan kong mag pakilala Nangg malaman kong pupunta ng bar sila sky agad my nabuong plano sa isip ko, nag bayad ako ng tao para malasing ng sobra si sky, masama na kong masama, Hindi ko alam kong ano ang nilagay nila sa ininom nya basta nag bayad ako, alam kong kamumuhian ako ng husto ni albert pag nalaman nya to pero wala akong pakialam. Hindi ko pinag sisisihan na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko kahit hindi ako mahal. Isa Lang ang alam ko, nag mahal ako sa maLing tao *** BELL POV's Alam mo yung pinakamasakit? Yung makikita mo yung boyfriend mong my ibang katalik! Akala ko mahal nya ako, pero hindi pala "Pano mo nasasabing mahal mo ako kong mahuhuli kitang may ibang katalik?" galit kong saad sa boyfriend ko "Honey for give me please? Nadala lang ako ng tawag ng laman" madamdaming sabi nya "P*tang in*ng rason yan!" galit kong sabi habang umiiyak "Wag mong irason sa skin yan dahil kong totoong mahal mo ako iisipin mo kong ano ang mararamdaman ko! At hindi ka gagawa ng ikakasama ng loob ko" umiiyak kong sabi "Honey mahal kita wag mo namanggawin sakin to" sabi nya habang umiiyak na din "Sana bago mo ginawa yan inisip mo na yan! Sinayang mo ang ilang taong meron tayo RYAN" sabi ko "Simula ngayon wala ng tayo kalimutan na natin na merong naging tayo" matigas kong sabi kahit umiiyak "Honey wag naman ganito" sabi nya Pero iniwan ko sya, inayos ko ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng condo unit nya. PASS FORWARD Nakita ko si sky, kaya niyaya ko syang mag bar Nagulat naman ito kaya napakunot ang noo nya haha first time kasi na ako ang mag yaya! Agad naman syang pumayag, pag kadating namin agad akong nag order Ng makahanap kami ng table, biglang nagyaya si sky sumayaw, nakikita kong may kakaiba sa babaeng to, sa kalagitnaan ng aming pag sasayaw nag paalam si sky na mag CCR lang, "Mag iisang oras na hindi naman na bumalik ang babaeng yun" sabi ni rain, nakabalik na kami sa table namin "Kaya nga ee" tipid kong sabi "Lasing na yun baka napano na" sabi ni ara Hanggang sa hating gabi na wala pa sya, nag desisyon na kaming umuwi at bukas na lang namin itatanong kong san nag punta ang gaga *** SKY POV's Unti unti kong minulat ang aking mata, bumungad sa akin ang puting kisame. Napakunot ang noo ko ng hindi pamilyar ang aking nabungaran. Hindi ito ang room ko. Bigla akong napabalikwas ng bangon, at biglang napasigaw 'sh*t bakit masakit ang maselang parte ko' sabi ng isip ko Hindi ko nga kwarto ito. Natatarantang bumangon ako, subalit napangiwi ako, ang sakit talaga ng pagitan ng hita ko. Ano bang nangyare kagabi? Nangg maalala ang nangyare kagabi, unti unting nag siunahan ang mga luha sa aking mata, ano tong kagagahang nagawa ko, linibot ko ang paningin sa paligid nitong kwarto kong na saan ako, No! Hindi maaari to, paano na ako? Paano ko nagawa to? Sabi ko habang patuloy parin umiiyak! May nangyare sa amin ng lalaking hindi ko kilala, Inisa isa kong pinulot ang aking damit na nag kalat sa sahig, habang ginagawa ko to, na nginginig ang aking katawan, natatakot ako sa pwedeng mangyare. Ng maisoot kona ang aking damit, niyakap ko ang aking sarili habang walang tigil sa pag iyak. 'Ano ba sky walang mangyayare kong iiyak ka lang' saway ko sa sarili Anong gagawin ko? kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si bell na agad naman nitong sinagot "Hoi babae saan ka nag punta kagabi? Pinag alala mo kami nag cr ka lang hindi ka na bumalik gaga ka talaga." sermon nyang sabi "please pick me up" sabi ko habang umiiyak, natigilan naman ito at biglang nag salita "Saan kita susunduin? Ano ba talagang nangyare ha?" natatarantang tanong nya Pinatay ko ang tawag at sinend kong saan nya ko susunduin Walang lingon na umalis ako sa kwarto kong saan may nangyare sa amin ng taong hindi ko kaylanman nakilala Habang nag lalakad ako, nakikita kong napapatingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko at may mga sinasabi ito, "Bakit kaya sya umiiyak?" "Ako kayang ginagawa nya sa kwarto ni master?" "Ang ganda nya kahit may luha sa mga mata" "Sino kaya sya? Anong kaylangan nya kay master" "Buti pa sya! Na kapasok na sa kwarto ni master samantalang tayo kahit isa satin wala pang nakakapasok daon" may halong inggit na saad ng isa habang masamang nakatingin sa akin "Ngayon lang may babaeng lumabas sa kwarto ni master" May halong inggit na sabi nila, napahinto ako sino kayang master ang tinutukoy nila. Dahil don mas lalo kong binilisan ang pag lalakad ng makalabas tinanaw kong muli ang condo, hindi pala ito condo isa pala itong mansyon, isang malaking mansyon kaya pala napakadaming maid na nag kalat, Ng makarating sa lugar kong saan ako susunduin ni bell agad akong nakahinga ng maluwag. Pano na ako ngayon? umiiyak kong sabi sa aking sarili Napahinto ako sa pag iyak ng makita ko ang kotse ni bell "Ano ba talagang nangyare ha?" galit pero may halong pag aalalang sabi nya sabay yakap sakit, Hanggang sa naikwento ko sa kanya lahat, nakita kong nagulat ito sa aking tinuran "paano na yan siguradong magagalit si papa albert pag nalaman nya?" sabi nya habang nag mamaneho, sa bahay nya muna ako tutuloy "Ako naman galit sa sarili ko" humihikbing sabi ko "Nandyan na yan! Wala na tayong magagawa! Pero duda ako sa sinabi mo hindi kaya my sumabotahe sa ininom mo sky?" seryosong sabi nya, "Hindi ko alam! Pero kong Oo sino naman ang gagawa non?" tanong ko sa kanya. Wala naman akong alam na may galit sakin, kaya wala akong maisip, bahala na jan, "Ewan!" tipid nyang sagot "Ang iniisip ko ngayon paano ko sasabihin ang lahat kay albert? Siguradong pandidirihan nya ako," ayan nanaman si luha huhu bat ba hindi kayo maubos ubos kanina pa kayo eh 'Bahala na! Alam kong mahal nya ako kaya tatanggapin nya ako' yan ang sabi ng puso ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD