♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (4.1)

1381 Words
"WHOO! YEAH, that's it! Come on, girls!" Natatawang hiyaw ni Phoebe sa gitna ng dance floor. Naroroon nanaman sila ng mga kaibigan niya sa paborito nilang tambayan tuwing friday night. "Louisse, tara sayaw tayo sa dance floor," yaya pa nito. Ngumiti siya at itinaas dito ang kopita ng baso niya. Ipinapahiwatig na may iniinom pa siya. "Later," Sobrang lakas ng music sa loob ng bar. Ang mga tao kundi lasing ay bigay na bigay naman sumayaw sa dance floor. Halos magsigawan na nga silang magkakaibigan para lamang magkarinigan. Dim ang lighting ng bar at tanging iba't ibang kulay lamang ang nagsisilbing liwanag para maaninag nila ang itsura ng isa't isa. Napataas ang kilay sakaniya ni Cherry. "Don't tell me na maglalasing ka ngayon, Louisse?" Nangaasar na sumagot ang isa pa nilang kaibigang si Elaine. "Naku, kanina pa 'yan. Naubos na nga ang isang bote. May pinagdadaanan yata," and she chuckles. Nakita niya ang mga nangiintrigang tinginan ng mga kaibigan niya sa kaniya. Naiilang na tinignan niya ang mga ito. "What?" "Hindi ka ganito, Louisse. Every time na may night out tayo, ikaw 'yong pinaka calm sa lahat. Go with the flow. Ikaw 'yong may pinaka control sa alcohol. But now? We don't think so. So spill the tea," Napabuntong hininga siya. Ininom muna niya ang natitirang alak sa kopita niya bago ibinagsak iyon sa mesa at tumingin sa malayo. "Sabihin mo na kasi, sis! Ano ba 'yan?" Si Jen naman. Tumaas ang isang kilay ni Cherry. "May nasesense na ako. Pero gusto kong kay Louisse mismo manggaling 'yon," Sasagot sana siya nang biglang nagvibrate ang cellphone niya sa ilalim ng pants niya. Hindi niya napansing may pagmamadali pala sa kilos niya at agad tinignan ang mensahe at kung kanino galing 'yon. Mobile network lang pala iyon. Paismid na ibinalik niya iyon sa bulsa. Dismayado. Hindi niya alam na pinagaaralan na siya ng mga kaibigan niya. "Kanina ka pa tahimik, malalim ang iniisip. Disappointed ka ba dahil hindi siya ang nagtext sa'yo?" Tudyo ni Jen. Agad namula ang mga pisngi niya. "A-Anong pinagsasabi niyo 'dyan? Disappointed? Why would I?" Napangisi ang mga ito. "Bakit nauutal ka? Hindi mo kami maloloko, Louisse. Disappointed ka kasi hindi siya nagtext ano?" Umingos siya pilit pinakalma ang sarili. "Sino naman?" Kunway baliwala niyang sabi. Umikot ang mga mata ni Cherry. "You can't fool us, sis. Aba sino pa ba? Siyempre, your present lover, Shane." Naumid ang dila niya. Hindi malaman ang sasabihin. "H-Hindi 'no. Bakit ko hihintayin ang text niya? And you know guys what is the real score between us. We're just flings. Lovers. At as if namang siya ang hinihintay kong text," pagkakaila pa niya. Natawa na lang ang mga ito sa alibi niya. "Girl, you're too obvious! Huwag ka na saamin magkaila. We know that what you felt for him is not just flings or temporary lovers. You love him! Kung makikita mo lang ang itsura mo gaano ka kadisappoint na hindi siya 'yong nagtext. And yes, we know how playgirl you are, Louisse. Pero we also know, aside from Shane, there's no one else. Si Shane lang ang lalaki mo ngayon." "H-Huh?! Hindi 'no. Marami nga akong kadate. At as if namang seryosohan kami," pagkakaila niya pa rin. "Hanggang kailan mo ba lolokohin ang sarili mo, Louisse? Yes, noon kaliwa't kanan ang mga flings mo. We know that. Pero kay Shane? Bakit nagiging loyal ka sakaniya? Hindi ba't buddies lang naman kayo sa kama? Pero bakit sakaniya ka lang? You can't even flirt with other guys dahil kay Shane. We're not being bad influence here, huh? It's just that you are not being true to yourself. You already love the guy, so you unconsciously make yourself exclusive only to him. Walang masamang umamin na mahal mo na 'yong tao, Louisse." Seryosong paliwanag ni Cherry. Bahaw na natawa siya. "Hindi ko alam kung ano ang pagmamahal. Wala akong kakayahang magmahal. At si Shane? Mahal ko? He's just a toy to me. And yes, he's ruggedly handsome and sexy. But not husband or boyfriend material. Pang display lang," hindi niya alam habang sinasabi niya iyon ay parang gusto niyang kumontra. Dahil sa totoo lang, hindi na ganoon ang paningin niya. Hinawakan ni Jen ang palad niya. "Louisse, walang masama kung mahal mo na si Shane. You two are lovers for almost years. Malay mo, mahal ka na rin pala niya? Hindi niya lang sinasabi? Kasi baka natatakot sa rejection mo? Time is clicking, Louisse. At hindi lahat ng lalaki ay katulad dati ng peke mong asawa. Yes, Shane may be a playboy. Kung hindi, hindi siya papayag na fuckbuddies kayo. Pero people changed, Louisse. If he is the right man for you, he will change for you. And you will also change for him. Try mo. Baka magsisi ka kapag nagsawa na si Shane sa set-up niyo. You don't have to be afraid. Sometimes we need to take a risk," Iniintindi naman niya ang sinasabi ng mga ito. May parte sakaniya na naniniwalang iba na nga ang nararamdaman niya kay Shane. He is her f**k buddy and lover for almost 2 years. No strings attached. No commitment. They were there for each other if they needed so. At nakakapagtakang aside kay Shane, ay wala na siyang kaflirt na iba. Shane is the second man in her life. Bukod kay Brett, si Shane lamang ang tanging lalaki niyang pinapasok sa buhay niya at sa katawan niya. At hindi naman siya nagsisisi, he is not a lousy lover. He is a beast in bed! Pero may isang parte rin na gustong tumanggi sa sinasabi ng utak niya. Pagka't masyado na siyang takot sumugal. Grabe ang pinsalang dinala ni Brett sa sistema niya. Ang panloloko nitong kinasal siya rito. Ang mga salitang halos tumagos sa kaibuturan niya. Napakahirap na magtiwala at ibukas ang sarili sa iba. At ayaw niya ng nararamdaman niya. Ayaw niya iyong nagcacare at namimiss niya si Shane! Ahh, siguro kailangan niya lang ng atensyon ng ibang lalaki. Yes, she needs to divert her attention to someone else para hindi na kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. "Girls, ang lalalim lang ng mga pagiisip niyo. What me and Shane have is nothing more but a casual s*x. Yes, we enjoyed each other's companion, but that's it. And I'm gonna prove that to you," sumilay ang isang ngiti sa labi niya. "A-Anong gagawin mo?" Tanong ng kaibigan. "Ofcourse, maghahanap ng hot guys! For sure, si Shane nasa ibang kandungan din naman ngayon 'yon ng ibang babae. So, bakit ako hindi?" Hindi na niya namalayang nag tunog bitter iyon. Hindi na niya hinintay ang mga ito sumagot at pagewang gewang na tumayo at tinungo ang dance floor. Hindi naman masyado sexy ang suot niya. Naka tube crop top siya, at high waisted skinny jeans. Stilettos ang sapin niya sa paa. Ngunit sapat na iyon para mahubog ang tamang curves ng katawan niya. Sa totoo lang, sa mga hindi pa nakakilala sakaniya ay napagkakamalan siyang 24-26 years old. At kapag sinabi niyang 32 na siya ay nagugulat ang mga ito. Swerte niya at baby face siya at hindi siya pinagpala sa height. Pero pinagpala naman siya sa dibdib at pang-upo. Iyon ang greatest asset niya aside from her innocent face. Pagkarating sa dance floor agad siyang nakipagsabayan sa mga tao at mga kaibigan doon. Sinasabayan ang maharot na musika. Ang wiwild ng mga tao. Hindi naman nagtagal at naramdaman niya ang paglapit ng ilang kalalakihan sa likod niya. Pinagigi niya ang pagsayaw. She's having the time of her life! Kahit magsayaw pa siya ng magsayaw dito at lumandi, karapatan niya iyon dahil nasa tamang edad na siya at wala siyang karelasyon at asawa. She's a certified single. Sinasabayan siya ng mga lalaki sa likod niya habang sumasayaw. May ibang naglakas loob na hinawakan ang kaniyang bewang at inilapit siya sa katawan nito. Hindi na iyon bago lalo na kung nasaan wild party ka. At kung ikaw iyong tipo ng tao na lahat ay mamasamain mo, hindi ka pupywede sa ganitong kawild na bar. Tiyak na mababastos ka ng hindi inaasahan. Hindi naman niya ginustong magpabastos, alam naman niya ang limitasyon niya. At sa ngayon, wala pa namang naviviolate ang mga kasayaw niya. She knows her limits. "Wew. You're so beautiful!" Anas ng lalaki sa likod niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD