SUMAPIT ang kinabukasan at hindi muna ako pumasok sa trabaho. May mga importanteng bagay kasi akong dapat na pagtuunan ng pansin. Nagpaalam naman ako sa Ambassadress na mabait at siyang naka-toka sa attendance namin. Nagsabi rin ako na sa place ko na ako magsusulat using my personal laptop at bibigyan ko na lang ng access sa file ang isang trusted editor. Hindi dahil sa insidente kahapon kaya hindi ako papasok. Nagpaalam ako nang maayos para sana asikasuhin ang mga dapat kong malaman about erotic genre. Batid ko naman na kakarampot lang ang alam ko roon. At alam kong naiintindihan nila kung bakit kailangan kong um-absent physically sa office. Lalo na si Miss Diana na talagang pinu-push sa akin na magsulat nang ganoon. I don't want to disappoint her again. Huminga ako nang malalim at bi

