"BAKIT pumapayag kang ganunin ka nila? Matagal na ba nilang ginagawa 'to? Ilang beses na? Bakit hindi ka lumalaban? Hinahayaan mo lang na ganoon ang trato nila sa iyo? Alam ba ito ni Aunt? What did she say—" Napakamot ako sa ulo. "Kumalma ka nga…" Sunud-sunod ang naging tanong sa akin ni Cold nang I'mmakarating kami sa rooftop ng building. Sa totoo lang, hindi ko pa rin lubos maisip na magiging ganito ang kahihinatnan ng pagpasok ni Irene sa opisina ko. Ang balak ko lang naman ay kausapin siya at komprontahin. Hindi ko alam na iiyak pala siya para makakuha ng simpatya at ako ang maging masama sa mata ng mga taong nakakakita. Good thing he saved me from the burning trouble. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang akmang isagot. Ba

