"HEP! HEP! Who told you that you can add my Spicey to your collections?"
Bumalik sa reyalidad ang isip ko. Agad akong lumayo kay Cold nang mapansin ko na ang awkward ng pagkakalapit niya sa akin. Para akong tuod na nakatayo lang doon at hindi gumagalaw.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Cold kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagka-ilang. Pinaglalaruan niya ba ako? Dahil ba alam niyang na-iilang ako, mas lalo siyang nagkakaroon ng pagkakataon para paglaruan ang nararamdaman ko?
Ano ba kasi ang kailangan nila sa akin? Bakit hindi na lang nila ako diretsuhin?
Sa paanong paraan ba ako matutulungan ni Cold? Sa paglalandi?
Hindi pa naman ako desperada.
Sa katunayan niyan ay may naisip na rin ako para magkaroon ng ideya para makapagsulat ng erotila. Kahit hindi ko ginagawa, manonood ako ng mga mahahalay na video o kung ano man ang pwede. Maaari din akong magbasa ng mga libro tungkol sa ganoon. Mayroon din namang mga educational purposes video tungkol sa ganoon. I can watch that also.
I mean, marami akong nakalap na paraan na pwedeng makatulong sa akin.
"Who says I am going to add her?" tanong ni Cold kay Miss Diana.
Tumawa naman ang may-ari ng kumpanya at humarap sa akin. Para akong tanga na nakatayo lang habang abalang pinagkukukurot ang sariling daliri. Para akong batang iniwanan ng nanay at hindi alam kung saan pupunta.
"Anyway, Spicey. Please beware of that guy, he is a womanizer," pagbibigay babala ni Miss Diana.
Sinilip ko naman si Cold at ang lalaki ay nakatingin na pala sa akin habang sarkastiko pa rin ang pagkakangiti. Agad kong ibinaba ang paningin ko dahil doon. Ayoko siyang tingnan. Ayokong isipin niya na gustong-gusto kong tinitingnan siya.
Huminga ako nang malalim at palihim kong ginawa iyon.
"You made her awkward!" palahaw ni Miss Diana sa lalaki. "Spicey, this is Cold, my one and only womanizer nephew. He can help you with regards to your problem. On how? He can narrate in every detail on how to do erotic things. That's it. You don't need to have sex."
Natulala ako. Ano raw ang sabi?
Tama ba ako ng pagkakarinig?
"Po?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.
"That is, if you want it," ani Miss Diana at tumungo sa likuran ko upang haplos-haplusin ang buhok ko sa maamong paraan. "You know, Spicey. Pwedeng mawala ang lahat sa iyo. Alam mo naman ang policy natin dito, 'di ba? Paano na ang pangalan mo? Paano ang kinikita mo? Paano ang pamilya mo? Your family needs you. Alam ko rin ang hirap mo bago makarating sa posisyon na iyan kaya ayoko rin na mawala sa iyo 'yan. Isa pa, wala nang ibang Queen of Literature bukod sa iyo."
Huminga ako nang malalim nang makalabas ng kwartong iyon. Para bang masyado akong sinakal sa loob at ngayon lang ako nakahinga nang maluwag.
Tumatak na sa akin at hindi na maalis sa isip ko ang sinabi ni Miss Diana. Totoo naman ang sinasabi niya at walang halong pagbibiro iyon. Walang halong hindi katotohanan. Kaya naman, pakiramdam ko, para siyang nanay ko na gumagawa ng paraan para sa problema ko.
Bago ako lumabas ng kwartong iyon, kinuha ni Cold ang number ko para tawagan daw. Binigay ko naman dahil kung ganoon na tutulungan niya ako, magandang ideya iyon.
Iyon nga lang, medyo nakaka-ilang dahil lalaki siya at babae ako. Hindi naman maganda na mag-usap kami ng tungkol sa ganoon. Pero kung hindi siya ang makakausap ko, sino naman kaya? Si Ana ay wala ring karanasan. Isa pa, napag-isip-isip ko rin na mas magandang lalaki ang makausap ko sa ganoon dahil sila ang nagtatrabaho pagdating sa pakikipagtalik. Kaya naman, mas mauunawaan ko ang pakiramdam ng lalaki kung makikipag-usap ako kay Cold tungkol sa ganoon.
Pabalik na ako sa opisina nang malalim ang iniisip. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok doon, sa hindi kalayuan ay tumambad sa akin ang nakabukas na pinto ng opisina ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi ako makapaniwala na may nagbukas ng opisina na ako lang ang may karapatan.
Mabilis akong tumakbo.
"Sinong pumasok dito—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang makita kung sino ang walang habas na pumasok ng opisina ko. Doon ay nakita ko si Irene na nakaupo sa swivel chair ko kasama ang mga katulad nitong manunulat na nanghahatak pababa. At hindi lang iyon, ang mga gamit ko na nakalapag kanina nang maayos sa desk, nakita kong nakakalat na sa sahig.
Agad na nagngitngit ang puso ko sa inis.
Nakita naman ako ni Irene at parang tuwang-tuwa pa na ganito ang reaksyon ko.
Tumawa siya nang malakas at pinaikot ang swivel chair. Sinandya niya iyon na hininto sa harapan ko. Tiningnan ako nang may pagtataka.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" inosente niyang tanong.
Huminga ako nang malalim. Ayoko na sana pang makipagtalo sa kaniya. Ayoko na sanang paabutin pa sa mas nakakaraming makakita pero sadyang umiinit ang ulo ko. Sukat ba namang pumasok siya sa opisina nang may opisina?
"Bakit ka pumasok sa opisina ko?" balik tanong ko sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya na siyang nakapagdagdag sa init ng ulo ko. "Masama ba?"
Nanindigan ako. "Oo, dahil akin ang opisinang ito."
Tumawa siya nang malakas pero agad ding huminto. Kumunot ang noo ko nang mapansin na parang papaiyak na ang mga mata niya. Namumula na ang ilong niya. At hindi nga ako nagkamali, parang umaamo ang mukha niya.
Anong problema ni Irene?
"Ang damot mo naman. Gusto ko lang namang ma-experience," malumanay at nakakaawang boses na saad niya.
What the hell?
Anong kadramahan na naman ang ginagawa ni Irene? Anong palabas na naman ito?
"Hindi ako maramot—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok ang general manager ng kumpanya at malakas nitong kinatok ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ito. Hindi lang ang general manager. Maging ang ilang staffs, editors at kapwa namin manunulat ay nahkukumpulan na para bang mga nanonood ng palabas. Nakita ko rin sina Krizyle, Venice at Cass na alam kong imposibleng mawala sa ganito. Ang tatlo pang ito? Eh, graduate sila ng pagiging chismosa.
"What's happening here?" matapang at nakataas na kilay tanong ni Miss Freya, ang general manager at siyang kinatatakutan ng lahat.
Mas matapang kasi ito kaysa kay Miss Diana, mas istrikto at mas nakakatakot pakisamahan.
Gayun pa man, alam kong nasa tama ako. Alam kong hindi naman tama ang ginawa ni Irene at walang mali sa ginagawa kong pagsita. Kaya naman, huminga ako nang malalim at sinabi kay Miss Freya ang dahilan.
Tumayo na si Irene sa swivel chair ngunit nananatiling naroon sa desk ko.
"Bigla na lang pong pumasok si Irene sa opisina ko. Hindi po ba't hindi tama ang ganoon?" Gusto kong humingi ng pasensya sa panlalaban pero mali naman talaga ang ginawa ni Irene at kung sakaling sa iba niya ginawa iyon ay baka mas malala pa rito ang aabutin niya.
Mabuti nga at hindi naman ako masyadong lumalaban. Lalo na kung mababaw lang ang rason. Pero kasi ito, pinakialaman niya ang mga gamit ko. Hindi naman tama iyon. Maayos na nakalagay iyon sa desk tapos ilalapag niya sa sahig? Nasa mabuting pag-iisip pa ba siya?
Nakita kong nagpunas ng luha si Irene na mas lalong nakadagdag ng poot na nararamdaman ko. Kaya pala siya umiiyak. Kaya pala mula sa pagiging matapang ay bigla siyang naging maamo na parang tuta. Dahil alam na niya siguro na darating na si Miss Freya.
Suminghot nang malakas si Irene at saka nagsalita. "Eh, ma'am. Gusto ko lang naman ma-experience ang ganitong klase ng opisina. Masama po bang subukan? Parehas naman kaming writer at dapat hindi niya pinagdadamutan ang mayroon siya. Attitude problem po 'yon."
Napapikit ako sa inis. Nakuyom ko rin ang mga kamao ko. Pero wala naman akong planong manuntok. Hindi ko lang kasi alam kung paano palalabasin ang inis ko para hindi ako mapuno. Sinasaktan ko kasi madalas ang sarili ko kapag ganoon. Dahil ayaw kong manakit ng iba.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Hindi ako nagdadamot, Irene. Ang akin lang, dapat nagpapaalam ka. Opisina ko 'to. Paano kung may mawalang gamit dito? Sinong sisisihin ko?" Naroon ang pagpapaintindi sa aking boses.
Dahil totoo naman. Hindi ko pa man nakikita kung may nakakakalkal siya gamit ko o kung may nawawala doon pero kung mayroon man, wala akong maaaring pagbintangan kundi siya. Siya lang naman ang pumasok dito. Napakasinop ko pa naman sa gamit kaya alam ko kung may nawawala o wala.
"Ngayon naman ay pinagbibintangan mo akong magnanakaw?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Kailan ko ba siya pinagbintangan na magnanakaw? Nagsasabi lang naman ako sa kung sakaling ganoon ang mangyayari. Wala akong sinabi na magnanakaw siya.
Mas lalo akong nagulat nang lumakas ang palahaw ng iyak niya. So, ako pa ngayon ang masama?
Narinig ko ang bulung-bulungan. Halos lahat ng naririnig ko ay kumakampi kay Irene dahil halos lahat naman ay gusto akong bumagsak. Masyado na akong matagal sa trono ko kaya gusto na nila akong palitan. Halos lahat ay nangangarap na marating kung nasaan ako at lahat sila ay desperada nang maisakatuparan iyon.
Huminga ako nang malalim, nawawalan ng pag-asa dahil mukhang hindi niya maiintindihan ang gusto kong iparating. "Hindi sa ganoon! Kaya lang, dapat nagpapaalam ka pa rin na papasok ka. Papatuluyin ka naman. Magpapaalam ka lang."
"Opisina lang ito, Spicey. Hindi mo bahay. Hindi mo ito pag-aari. This is a company's property."
Nasapo ko ang noo ko. Kailangan niya ba maiintindihan ang nais kong iparating? "Alam ko naman iyon—"
"Enough. This is not the time for you to drag each other down," singit ni Miss Freya sa usapan, para bang hindi na makapagtimpi. At hindi na rin makaya ang pagsasagutan namin ni Irene. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumuntong hininga siya at tumingin sa akin nang may matatalim na mga mata. "Spicey, hindi porke sa iyo itong opisina, magdadamot ka na."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ma'am, I am not—"
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Miss Freya. "I said enough!" Binaling niya ang paningin kay Irene. "Irene, please go to your perspective office since our queen right here seems don't want to share what she has—"
Nagulat ako nang hindi na maituloy ni Miss Freya ang sasabihin sana, at mas ikinagulat ko pa nang makita si Cold na masama na nakatingin sa aming general manager. Kasunod niyon ay hinawakan niya ang kamay ko, sa may palapulsuhan iyon ngunit nakaramdam ako ng init nang magdikit ang balat namin.
Inangat ko ang paningin sa matangkad na si Cold. Masama pa rin itong nakatingin kay Miss Freya. Tuloy au mas lalong lumakas ang bulung-bulungan. Pinag-uusapan kung ano ang relasyon namin ng lalaking sumingit sa usapan.
"Stop talking nonsense," malamig na saad ni Cold sa aming general manager na ngayon ay gulat na gulat ang mukha sa pagdating nito.
"S-Sir," nauutal na bati ni Miss Freya pagkatapos ay nagbaba ng tingin upang rumespeto. Sunod niyon ay inangat nito ang paningin kay Cold na nananating matalim ang tingin.
"Talk like that again to Spicey and you're dead." Dinuro niya si Miss Freya, matapos niyon ay kay Irene naman na nanginginig sa takot niya ibinaling ang paningin. "You're not exempt."
Akmang aalis na si Cold at hihilahin ang palabas nang bigla siyang hinabol ni Miss Freya at hinawakan sa braso.
"S-Sir… I was—" She was about to explain something but Cold refused to hear what she was about to say.
"Let's go," ani Cold pagkatapos niyon ay hinila niya ako palabas sa senaryong iyon.
Humawi naman ang mga tao na patuloy pa rin sa pagbubulungan para makadaan kami nang maayos.
At hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.