THIRD PERSON'S POV SAKAY ng isang pribadong eroplano ang magkaibigan na si Spicey Belmonte at Cold Herrera. Wala na kasi silang nakuha na rush ticket na pwedeng magpadali ng byahe nila patungo sa Visayas. Kahit wala sa plano, ginamit ni Cold ang kanilang private plane nang sa gayon ay makarating sila sa pupuntahang destinasyon— sa mga magulang ni Spicey. Habang nasa byahe sa himpapawid ay panaka-nakang tumitingin si Cold sa babae. Nag-aalala kasi siya rito dahil bakas sa mukha ng dalaga ang ibayong pag-aalala. Sino ba namang hindi mag-aalala kung ganoon ang nangyari sa pamilya ng kasama niya? Maski nga siya na hindi myembro ng pamilya ay nag-aalala. Hindi dahil sa pamilya na rin ang turing niya, kundi dahil kinaiinggitan niya ang pamilyang mayroon si Spicey. Wala kasi siya niyon. Buo n

