SPICEY'S POV "K-KAILANGAN k-k-kong umalis…" nagmamadali kong saad kay Cold. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Maging ang buo kong katawan ay nanginginig din. Saan ako mag-uumpisa? Ano ang sunod kong gagawin? Natutuliro ako. Hindi gumagana ang utak ko. Sinasaktan ni tatay si nanay. At hindi magawang kumalma ng utak ko. Paano niya nagagawa iyon sa sarili niyang asawa? May sakit si nanay! Hindi siya pwedeng mapagod. Hindi rin siya pwedeng mag-isip nang mag-isip. Lagi siyang kinakapos ng hininga kaya lagi siyang nanghihina. Tapos sasaktan pa ni tatay? Anong klaseng utak ang mayroon siya? Hindi ko maiwasang hindi magalit. Nanginginig ako ngayon sa galit na nararamdaman ko. Ang layo ng Visayas! Pero hindi ako papayag na saktan ni tatay si nanay! Kung pwe

