SPICEY'S POV DALAWANG ARAW na ang nakalipas mula nang may mangyari sa amin ni Cold. Tulad ng dati ay pumapasok pa rin ako sa trabaho ngunit lumiban ako ngayon dahil pakiramdam ko, tamad na tamad akong bumangon. Noong nagpaalam ako kanina, imbes na pigilan akong um-absent, hinayaan nila ako. Iyon din daw kasi ang advice sa kanila ni Miss Diana. Bagay na hindi ko maintindihan dahil parang mas gusto niya pa na lumiliban ako sa trabaho. Kapag naman tinatanong ko kung galit ba si Miss Diana sa akin, hindi naman ang sinasagot nila at para pa ngang natutuwa dahil lumiban ako. Ayaw niya na ba sa akin? O baka naman… alam niya ang nangyayari sa amin ngayon ng pamangkin niya? Speaking of that guy, nasa harap ako ng laptop ko ngayon, nakapatong sa hita ko habang nakaupo naman ako sa aking kama. B

