THIRD PERSON'S POV TILA BINUGBOG ang katawan ni Spicey sa sobrang sakit nang magising siya kinabukasan. Tirik na tirik na ang araw nang magmulat siya ng mga mata. Kumunot pa ang noo nya dahil nasilaw siya sa liwanag dulot ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Bahagya tuloy na sumakit ang ulo niya nang dahil doon. "Teka. Anong oras na ba?" usal niya sa kawalan. Nananatili pa rin siyang nakahiga sa hindi masyadong malambot na kama. Dahan-dahan at maingat siyang bumangon dahil nga sa masakit ang kanyang katawan. At doon niya lang napansin na nakabihis na siya. Nagtaka siya sapagkat sa pagkakatanda niya ay may nangyari sa kanila ni Cold kagabi. At dahil sa pagod ay naaalala niya nang malinaw na hindi siya nakapagbihis. Hindi na nga niya nagawang kumuha ng damit dahil matapos niyang kunan n

