Chapter 24

2911 Words

SPICEY'S POV "KUMAIN ka nang marami," pag-aalok ko kay Cold ng mga pagkaing hinanda ni Ana. Umalis na rin si Ana para umuwi sa kanilang bahay dahil lumalalim na rin ang gabi at hindi magandang umuwi ito ng ganitong oras. Iyon nga lang, nag-aalala ako dahil gabi na rin. Nakalimutan ko pang ihatid siya. Napansin kong halos hindi ginagalaw ni Cold ang pagkain niya kaya naman kumunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi ba gusto nito ang pagkain na niluto ni Ana? Malansa kaya ang isda? Hindi kaya nahugasan nang maayos ang mga gulay? Pangit na ang amoy ng kanin? Hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Maayos namang magluto si Ana at saksi ako sa kung gaano ito kasarap magluto. Pero bakit mukhang hindi nagugustuhan ni Cold ang niluto ng kaibigan ko? Ilang segundo akong nag-isip hanggang sa isang rason

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD