THIRD PERSON'S POV Nanlaki ang mga mata ni Ana nang mabungaran sa loob ng silid sina Spicey at Cold. Nakahilig kasi sa braso ng lalaking nagngangalang Cold ang kanyang kaibigan habang nakaupo sa gilid ng kama at hindi siya natutuwa sa ganoong senaryo. Hindi ito ang unang beses. Umalis lang siya sandali pagbalik niya ay heto na naman ang naabutan niya. Akala siguro ng mga ito ay nakaalis na siya. Sa unang pagkakataon ay inaasar niya pa ang mga ito at nakikipagkulitan. Ngunit hindi na niya matanggap nang pag-alis niya at pagbalik, ganitong senaryo pa rin ang aabutan niya. Umikot ang kanyang mga mata at inirapan ang dalawa. Hindi naman siya nagagalit sa dalawang ito ngunit hindi lang talaga niya gusto na makakita ng mga ganoong eksena. Wala siyang sama ng loob sa matalik na kaibigang si Sp

