Chapter 30

3230 Words

SPICEY'S POV KINABUKASAN ay napagdesisyonan kong gumising nang maaga kahit labag na labag sa loob ko. Paano kasi, nagdesisyon bigla ang mga magulang ko na i-tour ko raw si Cold dito sa lugar namin bago man lang daw kami umalis at tumungo sa Maynila. Wala naman kasi akong balak na magtagal dito. Lalo na ngayon na nakikita ko namang maayos na ang magulang ko. Maayos na muli ang pakikitungo ng tatay kay nanay. Hindi na rin ito umiinom o lumalabas para magtungo sa mga kaibigan nitong wala namang dinulot na maganda. Masasabi kong nagbabago na si tatay. Pero hindi ko pa rin magawang makampante. Hindi naman kasi ako basta-basta nagpapaniwala basta nawala na ang tiwala. Kung si nanay nga na minahal niya at pinakasalan, nagawa niyang pagbuhatan ng kamay, paano na lang ang kapatid kong si Rica.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD