Chapter 6

864 Words
Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa paligid ko. “Nasa hotel nga pala ako. Akala ko panaginip lang. Grabe ang sakit ng ulo ko” Sabi ko sa sarili ko at humikab saka tumayo sa kama at pumunta ng bathroom para magayos ng sarili. “Teka” pagtataka ko Lumabas ako ng bathroom at lumibot sa kwarto. “Nasaan si sawyer?” tanong ko sa sarili ko habang naghahanap sa kanya “Anong oras na ba” kinuha ko ang phone ko “10am na pala? Hay.. Ganitong oras nasa trabaho na ako” /Knock knock/ Narinig ko ang katok sa pintuan at lumakad naman ako papunta doon. Sumilip muna ako sa peephole at nakita ko si sawyer na may kasama na staff ng hotel, binuksan ko naman din ito kaagad. Bumungad sa akin lahat ng pinamili niya na hawak hawak niya at buhat buhat ng room attendant. “Good morning! Gusto mo kumain?” tanong niya sa akin at nginitian ako Tumabi naman ako para makapasok sila. “Ano ‘yan?” tanong ko sa kanya “Thanks bro, here” sabi niya sa room attendant at inabutan niya it “Ay, Thank you very much ma’am, sir!” pasalamat naman nito bago siya umalis ng kwarto “Sige.” Sabi ko at isinasa ang pintuan “Gutom ka?” Tanong niya ulit sa akin “Sagutin mo muna ako, ano ‘yan?” “Well, these?” sabi niya at ipinakita niya sa akin, “These are your clothes, I buy them just for you kasi di ba you told me na wala kang damit?” “Oo, pero…bakit naman ang dami niyan? Ilan yan?? 10 paper bags” “Yeah, 2 to 4 clothes each” sabi niya sa akin “Grabe ka naman sa akin! Hindi mo naman kailangang gawin yan para sa akin” “Why not? Kasama kita dito, also you lost your job because of me! Kulang pa nga ang lahat ng ito” “Anong kulang ka dyan?! Sobra sobra pa nga ito!” Sabi ko at kinuha ang isang paper bag na galing sa sikat na brand at kinuha ang isang dress mula doon. “you like it?” tanong niya sa akin at umupo siya sa couch Isang Knee-length dress in mesh with a flock-print pattern. Sobrang ganda niya, hindi ako nagsusuot ng ganito at saka sa ukay ukay lang ako nakakabili ng ganito tinatawaran ko pa. “Ang gaganda” sabi ko habang hinahalungkat ko lahat ng mga nasa loob ng paper bags, “Pero masyado naman atang madami ito” dagdag ko “That’s nothing! Go on and try some on, lahat yan bagay sayo for sure” sabi niya sa akin “Hala! May sapatos pa pala at mga accessories?!” “Yeah, Ha Ha! Go on try it” sabi niya sa akin “Sige..” kinuha ko yung dress na hawak ko kanina pati ang diamond earrings na nakita ko kasama nito pati na rin ang lace up sandals to complete the outfit. Nginitian ko muna siya bago ako tuluyan na pumasok sa bathroom. “Maliligo na rin ako” sabi ko sa sarili ko at inilagay ang mga gamit ko sa bathroom basket bago ako pumasok sa shower at naligo Napaisip rin ako habang naliligo ako lalo na iyong sinabi ng manong na nagtitinda ng penoy. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nagsimula na ako mag-over thinking. Pagtapos ko maligo ay sinuot ko na rin ang damit na binili ni sawyer para sa akin. “Parang hindi ako” sabi ko at natawa sa sarili ko habang umiikot at finifeel ang damit na suot ko “Are you done?” tanong ni sawyer at kumatok siya sa pintuan “Oo, wait lang.” “By the way, anong oras mo gusto bumyahe?” tanong niya sa akin “Ngayon na” sabi ko at binuksan ko ang pintuan Nagkatitigan ulit kami ni sawyer pero may ibang nangyari. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, nahiya naman ako kaya pinindot ko ang pisngi niya. “You look..” “look what?” ulit ko “You look amazing” sabi niya sa akin Tumibok ng mabilis ang puso ko na parang hindi ko maintindihan, basta nahiya na ako sa kanya at dumiretso sa couch at umupo ako doon. “Tumigil ka nga! Magaayos na ako para makaalis na rin tayo kaagad” sabi ko sa kanya Tumawa lang niya, “Alright” sagot niya Ibinigay niya sa akin ang luggage na kasamang binili niya. Nagimpake ako ng mga damit na binili niya para sa akin at hindi muna kami nagpansinang dalawa pero nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin kapag nasasaktuhan ko na tumingin din sa kanya. Kumain na rin kami ng breakfast and after nun ay umalis na rin kami ng room naming para magcheck out, siya narin ang nagdala ng luggage. Pagdating naming sa front desk ay tinitigan kami ng mga taong nandoon, dahil siguro nakilala na nila kung sino ang kasama ko. Napansin naman kaagad iyon ni sawyer kaya dali dali na niyang isinuot ang facemask niya. Yumoko nalamang ako dahil wala naman akong confidence, at sino ba ako para makasama ang lalaking ito. Pagtapos namin ibigay ang key card sa receptionist ay lumabas na rin kami ng manila hotel, inabot ng valet ang susi ng kotse ni sawyer at saka ipinagbuksan ako ni sawyer ng pintuan para makasakay na una at kasunod naman ay siya. Nagdrive na siya papaalis ng manila hotel at nagdrive na siya papunta sa destinasyon namin. -- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD