Chapter 5

1797 Words
Mga ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa luneta park “No, don’t come out just yet!” sabi ni sawyer sa akin “Ha? Bakit?” tanong ko Tumingin lang ako sa kanya ng lumabas siya sa kotse niya at umikot papunta sa pintuan ko at binuksan niya ito. Nakangiti siya sa akin habang hawak niya ang pintuan ng passenger seat. Nahiya naman ako at nagaalinlangan na lumabas. “S-salamat” ang nasabi ko nalang at lumabas ako ng kotse niya “No worries” sabi niya with his charming smile Hindi ko maiwasan na mamula ang aking mga pisngi kaya naman ibinaling ko ang tingin ko. Ang gentleman niya. Plus point na agad ‘yan! Charot! Tinignan ko ang kotse niya at nagulat ako! Hindi ko man lang napansin na Ferrari pala ang kotse niya! “Ferrari?!” gulat ko “Yeah, ngayon mo lang napansin kanina pa tayo bumyahe? Ha Ha!” “Wag na kaya tayo dito! Baka kung ano mangyari sa kotse mo” sabi ko sa kanya at tumingin sa paligid ng parking lot na malapit lang sa manila bay. “Don’t worry too much! Nasa public place tayo, and look!” sabi niya sabay turo sa police na di kalayuan sa pinark namin, “ah.. ikaw bahala” “Pasok muna tayo sa hotel” “h-hah? Anong hotel? Bakit?” “Ha Ha Ha Ha! Don’t worry magpapalit lang ako” natatawang sabi niya sa akin “tss. Magpapalit ka pa eh dyan lang naman tayo?” “Aight” sabi niya at pumunta sa trunk ng kotse niya at binuksan ito Tinanggal niya ang jacket na suot niya, nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Ganyan pala ang itsura ng abs sa malapitan! Grabe, paano pa kaya kung nahawakan ko na? OMG! Ano ba itong mga naiisip ko! ERASE ERASE! Bumaling ako ng tingin sa kanya at nagclear ng throat. “Bilisan mo, baka makita ka pa dyan at mahuli ka ng mga pulis” paalala ko sa kanya habang nakatingin sa malayo “Ha Ha. I’m done! Let’s go!” Lumapit ulit siya sa akin at tinignan ko siya. “Mag mask ka kaya?” sabi ko “Mamaya nalang kapag may mga tumitig sa atin” “Kala mo ba walang tititig sayo? Eh sa gwapo mong iyan—I mean.. basta magfacemask ka na!” nagblush ako at naglakas na una sa kanya “You think I;m handsome? Ha Ha! Wait up!” “Bahala ka dyan!” Naglakad lakad kami sa may bay habang nakatingin sa paligid. Nakikita ko siyang tinititigan niya ako gamit ang gilid ng mata ko pero hindi ko nalang siya pinapansin. “Ay! May Penoy!” sabi ko at lumapit ako papunta sa nagbebenta nito. “A what?” “Penoy! Di ka pa ba nakakatikim nito? Ha ha. Itlog ng itik ‘to, basta tikman mo!” sabi ko, “Magkano po isa niyan manong?” tanong ko sa nagtitinda ng penoy” “dose lang isa” sagot ng magpepenoy “Dalawa po! Dalawa pong may sabaw”  sabi ko at nilabas ang pera na nasa bulsa ko “Ako na magbabayad” sabi ni sawyer “Ito na nga eh, yung kinita natin kanina.” Sabi ko at inabot ko ang bayad kay manong “Ito ho” inabot niya sa aming dalawa ang penoy “oh, thank you” sabi ni sawyer at kinuha ito “Dito mo siya babalatan sa may arrow, like this” sabi ko at tinuro ko sa kanya kung paano at sinunod naman niya ito “not too much ha! May sabaw kasi iyan, ito oh! Ayan higupin mo ng ganito” I added at hinigop ko ang sabaw sa penoy at ganun din ang ginawa niya “*slurp* Hmm… interesting” sabi ni sawyer Nilagyan ko ng asin ang penoy na kinakain niya at ganun din sa akin. “Balatan mo na, masarap yan.” “Masarap” sabi ni sawyer at sarap na sarap na kumakain ng penoy “Isa pa po” Sabi niya sa nagbebenta ng penoy at sinunod niya ang turo ko sa kanya Tinitigan ko lang siya habang nakangiti “Magasawa po kayo? Ang sarap niyo tignan. Sa tanda ko na ito ngayon lang ako nakakita ng magasawa na bagay na bagay” sabi ni manong sa amin “Po? Ha Ha… Hindi po” defend ko Mukhang hindi narinig ni sawyer dahil busy siya sa pagkain niya “Ganoon ba? Sayang naman, kung nanliligaw siya sa ‘yo sagutin mo na agad ineng! Nakikita ko sa future niyong dalawa na magkakaroon kayo ng bunga.” manong “Ay, hindi po talaga manong” sabi ko at tumawa ng medyo awkward Bunga? Paanong magkakaroon kami ng bunga eh mukhang after namin maglibot ay aalis na rin siya papunta sa kung saan man siya pupunta. “Sige po manong! Salamat po!” Sabi ko nagtitinda ng penoy Nginitian lang niya kami at tumango. “Anong pinagusapan niyo?” tanong sa akin ni sawyer “Wala ‘yun! Tara may ipapatikim pa ako sayo! Dali!” sabi ko at hinila ko siya Pinatikman ko siya ng mga street food na gustong gusto ko, katulad ng kwek kwek, Fried isaw, Bbq at iba pa. “Ugh.. That’s enough” sabi niya at napahawak siya sa kanyang tiyan “What? Why?” “I’m already full” sagot niya “Ha Ha! Okay then. Pero ano nagustuhan mo sa lahat ng pinatikim ko sayo?” tanong ko sa kanya “The penoy! Favorite ko siya and ‘yung orange na ball, what’s that again” Kwak kwak? Like the duck?” “Ha Ha Ha Ha! Anong kwak kwak?” Tawang tawa kong sabi “Come on! Hindi ko naman kasi maalala. Tss” “Kwek kwek! Say is with me. Kwek” “Kwek” ulit niya “Kwek” “Kwek” “Kwek Kwek” “Kwek Kwek” “Oh, alam mo  na? Ha ha” “Oo na” nagsimula siyang maglakad ng hindi ako kasama “Huy! Tinuturuan lang kita eh nagtatampo ka na agad sa akin! Ha Ha Ha!” “Yeah right! Keep laughing” irita niyang sabi “Hindi na! Wait lang ang bilis mo maglakad!” tumakbo ako papalapit sa kanya at humawak sa tshirt niya. Umupo kaming dalawa at tumitig kami sa harap ng bay, bilog na bilog ang buwan. “Ang ganda ng buwan ‘no?” sabi ko “Yeah it is” Sagot naman niya “Oo nga pala, matanong ko..saan ka na nakapunta dito sa pilipinas?” tanong ko sa kanya “Mostly sa boracay ako pumupunta, like what you said mostly sa boracay talaga pumupunta ang mga foreign like me” “Oo nga, bakit ka ba napadpad doon sa may street?” tanong ko ulit sa kanya “Nasa road kami nun! Takbo lang ako ng takbo bahala na kung saan ako mapunta until I met you there. Ha ha” sagot niya Tumingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin, nginitian ko siya. “Thank you for not leaving me behind” sabi niya and he pat my head with his sweet smile “Paano kita iiwan eh palagi mo akong hinihila?!” “Oh right!” We both laugh and looked back at the moon again. “If you want we can go there?” “Tss. Wag na! Tsaka may pinangako din ako sa sarili ko ‘no” sabi ko at tumayo “Pangako? Ano ‘yun?” “Wala~Tara na!” I jumped off kung saan kami nakaupo “Ano nga ‘yun?” kulit niya sa akin. “That’s unfair” “Basta! Ha Ha” Naglakad na ulit kami papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ni sawyer. “Saan mo gusto pumunta bukas?” “Tagaytay?” sagot ko “Sure! Magwaze nalang tayo” sabi niya Biglang may pumatak na tubig sa buhok ko, pagtingala ko ay wala akong makitang bituwin. “Mukhang uulan na” sabi ko “Oo nga” sabi ni sawyer habang nakatingin din sa langit Pero biglang bumuhas ang ulan kaya naman tumakbo kaming dalawa papunta sa parking lot. Dali dali niyang binuksan ang pintuan ko at pinapasok niya muna ako bago siya. Pagpasok naming sa loob ay basa na kaming dalawa. “Hala.. Wala pa naman akong extra na damit!” sabi ko “Oh, right! Sige bumili tayo sa mall” sabi niya sa akin at inistart na niya ang kotse niya at nagsimula na siyang magdrive “Wag na! Daan nalang tayo sa apartment ko” “Sa apartment mo? Uhm, I don’t think so.. baka nandoon ‘yung dalawang bodyguard ko” “Ay oo nga pala…” “Come on, wag ka na tumanggi! Doon nalang tayo sa Hotel muna magstay and tomorrow mamili na tayo ng clothes mo” “Uhm…” “Don’t worry! Magkaibang room tayo” sabi niya with a smile Nagdrive siya sa isang 5 star na hotel na hindi kalayuan sa luneta. Ibinigay niya ang susi ng kotse niya sa valet saka kami pumasok sa manila hotel. Ngayon lang ako nakapasok sa hotel na ganito, wala naman kaming pera para magrent ng hotel room at saka hanggang inn lang kaya kong budget. “wow, alam mo ngayon lang ako nakapasok sa ganitong hotel!” sabi ko sa kanya at nilibot ko ang mata ko sa paligid “Oh, really? Ha Ha! Enjoy your time here kasi I’ll pay it all” sabi naman niya “Weh?” “Oo nga, Ha Ha!” he pat my head and look at the receptionist, “Hi! 2 rooms please” kinausap ni sawyer ang babae sa front desk “Hello, Sir! Let me check” receptionist Tinitigan ko lang silang dalawa habang nagaantay ako sa tabi ni sawyer “Uhm, Sir I’m really sorry but we only have 1 room available” receptionist Nagtinginan kaming dalawa ni sawyer saka kami tumingin ulit sa receptionist “Well, twin bed ba siya?” tanong ni sawyer sa receptionist “I’m sorry sir but the only room available is the honeymoon room” receptionist “Ha? Anong honeymoon?” “Are you okay with that?” tanong sa akin ni sawyer Tumingin sa ko labas ng hotel, gabing gabi na rin kasi at baka matagalan pa kami kung hahanap kami ng panibagong hotel na malapit tsaka gusto ko na rin humiga at magpahinga. “sige, sige okay na ‘yun” sabi ko kay sawyer “We’ll take it, I have credit” kinausap niya ulit ang receptionist Pagkatapos magbayad ni sawyer ay dumiretso na rin kami kaagad sa elevator paakyat sa room namin. As usual ay tahimik na naman kaming dalawa sa elevator hanggang paglabas ng elevator. Pagpasok naming sa kwarto ay nagulat ako sa ganda ng kwarto. “Grabe ang ganda!” sabi ko at dumiretso agad sa kama. May swan na gawa sa bath towel at maraming rose petals sa paligid.   /Knock Knock/ “Room service” Nagtinginan kaming dalawa ni sawyer dahil wala naman kaming naaalala na nagroom service kami. “Nagparoom service ka ba?” tanong ko sa kanya “No” “Tignan mo” utos ko sa kanya” Naglakad si sawyer papalapit ng pintuan at binuksan ito, isang room attendant ang bumati sa kanya. “Good evening love birds! Complimentary wine from us” sabi ng room attendant at nakangiti Napataas ang kaliwang kilay ko ng narinig ko na tinawag niya kaming love birds. “But we never ask for this” sabi ni sawyer sa room attendant “It comes with dinner po, sir! Complimentary too.” “Dinner? Sige pasok mo na, Hon!” sabi ko kay sawyer Sayang naman ‘yun at saka libre naman! “Ah, okay.. uhm, thank you” sawyer “You’re welcome, ma’am sir! Enjoy your stay” sabi ng room attendant sa amin at saka iniwan ang trolly Lumapit ako kay sawyer at hinila ko papasok ang trolly  na may dinner and wine. Sinarado naman ni sawyer ang pintuan. “Ganito ba lagi dito?” tanong ko kay sawyer “No, akala kasi nila newly wed tayo. Ha Ha Ha!” sabi niya at natawa “Okay na ‘yun, hon~!” I teased him Kita ko sa kanya na bigla siyang nagblush at umalis sa harap ko at umupo sa couch at saka binuksan ang television. “Di ka kakain?” tanong ko sa kanya “Akin na ‘yung akin!” utos niya Kinuha ko ang plato na may food at inilagay ito sa center table sa living room. “Let’s eat!” sawyer Kumain kaming dalawa at nagwine hanggang sa malasing ako, hindi ko na rin maalala ang mga pinaggagagawa ko at bumagsak din naman ako sa couch pero alam ko na binuhat ako ni sawyer at inihiga niya ako sa kama. Hindi ko alam kung saan siya humiga pero nakita ko siyang nakasilip sa glass wall sa kwarto namin bago ako tuluyan na makatulog. -- To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD